NAPANSIN ng ibang kasamahan niya sa trabaho ang kakaibang imahe ng kaniyang mukha. Na kahit ang pagtipa ng mga letra sa kaniyang laptop ay humahalintulad sa mabilis na pag-ikot sa kumpas ng orasan. Tila ba napapangiti siya sa tuwing nakikita niya ang larawan nilang dalawa sa screen nito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na sa mabilis na paraan lang sila magkakaibigan. Ibinaling pa niya paharap sa babasaging salamin ang kaniyang kinauupuang swivel chair. At bahagya siyang sumandal habang hawak ang kaniyang cellphone. Napatingala siya sa kisame na may ngiti mula sa kaniyang labi. Ipinikit nito ang kaniyang mga mata at binigkas pabulong ang pangalan ng lalaking hindi niya inaasahang mahalin.
“Adrian...”
Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Saka niya iminulat ang kaniyang mga mata. Kinuha niya mula sa drawer ang k'wintas na ipinamana pa ng kaniyang ina.
“Amaris...” tanging bulong niya sa sarili habang hindi mawala ang matamis niyang ngiti. Isang pangalan na tumatatak sa kaniyang isipan. Na magpahanggang ngayon ay kaniyang pinapangarap.
“Kung sakaling magkakaanak ako ng babae ay Amaris ang aking ipapangalan. This name meaning “Child of the Moon,” ngiting wika ni Aliyah.
Nawala ang kaniyang pagmumuni-muni nang isang tawag ang kaniyang narinig mula sa kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sa ibabaw ng executive table. Tila ba lalong lumawak ang kaniyang pagkakangiti nang sumilay sa kaniya ang lalaking kanina pa niyang hinihintay.
“H-hello...” Tila ba umuurong ang dila niya sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“Hi...” malambing na tinig nito sa kaniya. “Kumain ka na ba? Gusto mo ba'ng magpa-deliver ako ng food para sa'yo?”
“Naku! Huwag na A-Adrian,” mauutal-utal nitong sambit. “Bumili na kasi si Anny para sa lunch namin mamaya. So, don't you worry.”
“I'll pick you up later. Pagkatapos ng meeting ko sa mga investors.”
“Ano ka ba! Okay, lang naman sa akin kahit hindi mo muna ako sunduin. Alam ko naman na busy ka rin sa lahat. Isa pa ayokong naaabala ka pa.” Tanging pag-aalala ni Aliyah habang hindi mawala-wala ang matatamis niyang mga ngiti.
Pinaikot-ikot pa niya ang dulo ng hibla sa kaniyang buhok. At sumandal sa headrest ng kaniyang kinauupuan. Hindi niya inakala na ang dating lalaking malimit siyang insultuhin ay ito na pala ang kaniyang iibigan.
“Mabilis lang ang meeting ko. At huwag ka na rin makipagtalo, Okay!” maydiin na tinig ni Adrian.
Wala siyang nagawa kundi sundin na lang ang kagustuhan nito. Napagpasyahan niyang ibaling muli sa laptop ang mga kailangan niyang tapusin. At ilang minuto lang ang nakalilipas ay isang katok mula sa pintuan ng opisina ang kaniyang narinig. Unti-unti naman bumukas ang doorlock ng pinto nito at saka nagsalita sa kaniyang harapan.
“Attorney. Gomez.” Pagtawag nito sa kaniyang pangalan.
“Yes, Lily. Ano'ng kailangan mo?” Pagkunot ng noo ni Aliyah.
“May nagpapabigay nito sa'yo. Hindi ko kilala kung sino. Ibinigay lang sa akin ng security para sa'yo raw.”
“Are you sure? Sino naman ang magpapadala sa akin 'yan?” pagtatakang tanong ni Aliyah.
Tanging kibit balikat lang ang naging tugon sa kaniya ng isa sa mga kasama niya. Ipinatong nito sa exclusive table niya at saka nagpasyang umalis. Magtatanong pa sana si Aliyah. Subalit nakalabas na ito ng kaniyang opisina. Pinagmasdan niya ang mga bulaklak na humuhugot ng alaala sa yumao niyang ina. Ang amoy nito na halos hindi niya maalis sa mga bulaklak. Tila ba may naaalala siya. Ngunit hindi niya matandaan kung saan ba siya nakakita ng katulad nitong bulaklak. Marahan niya itong hinawakan. Kasabay nang pag-angat ay ang pag-amoy niya sa mga bulaklak. Napapaisip siya kung sino ba ang magbibigay nito sa kaniya. Hinanap niya ang greetings card nito. At tanging handwritten lang na may nakasulat na “Have a nice day” ang kaniyang nabasa. Walang ibang pangalan rin siyang nakita. Kahit nakailang baliktad na siya ng card. Minabuti niyang alisin ang mga bulaklak sa pagkakabungkos nito. At saka inilagay sa isang empty vase sa katabi ng side table niya. Nakangiti pa siya habang dahan-dahan niya itong inilalagay. Nilagyan niya rin ito ng kaunting tubig para hindi malanta.
![](https://img.wattpad.com/cover/289758296-288-k388792.jpg)
BINABASA MO ANG
When Hate and Love Collide (tagalog) R-18
RomanceIsang may prinsipyo at kilalang abogada si Alliyah belle Gomez. Ngunit, hanggang saan nga ba siya susubukan ng pagkakataon, na magpapabago sa aspeto ng kaniyang buhay? Nang makilala niya ang lalaking si Adrian Casanova. Mayaman. At kilalang negosya...