“Isang bagay lang ang gusto kong damahin ang mga alaala na magpahangang ngayon ay hindi ko kayang kalimutan, mga bagay na pilit na sumisiksik sa aking isipan. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Kung sa bawat luhang pumapatak sa aking mga mata ay siya ang naiisip ko.”
"Please, Jacob!"
"Please, bumalik ka na!” walang tigil na pagsigaw ni Aliyah habang hawak niya ang isang bote ng alak, kasabay nang pasuray-suray nitong paglalakad sa dalampasigan.
"Hindi ko kayang mawala ka! Hindi ko kayang iwan mo 'ko ng ganito!" bulaslas niyang muli.
"Bakit ikaw pa ang nawala? Bakit hindi na lang sila? Ha! Ang sakit-sakit, Jacob!" wika ni Aliyah habang nadadama niya ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kaniyang mga balat.
“Kung kaya ko lang kalimutan ang lahat, matagal ko nang nagawa? Subalit hindi ko kaya, Jacob! Hindi ko kaya!“ untag nito kasabay ng mga luhang sumasabay sa ihip at hampas ng hangin sa kaniyang mukha.
Isang Damdamin na gusto na niyang kalimutan at pusong uhaw sa panandaliang kaligayan. Kaligayahan na tanging kay Jacob lang niya mararamdaman. Marahan niyang inihakbang ang ang dalawang paa na mula sa buhanging kaniyang natatapakan, kasunod ng malamig na tubig na kaniyang nararamdaman. Unti-unti siyang dinadala ng kaniyang kalungkutan at ang malamig na tubig ng dagat ang tangi niyang naramdaman. Pakiramdam niya ay wala nang gana ang bawat yugto ng buhay niya. Mababakas sa kaniya ang bawat kalungkutan at pagdadalamhati sa pagkawala ng taong minamahal niya.
“ Hindi mo alam, Jacob! Nasasaktan ako nang sobra dito sa puso ko!” ani ni Aliyah habang idinidiin niya ang isang daliri sa kaniyang dibdib.
“ Sana, isinama mo na lang ako! Para hindi ako ngayon ganito!” walang ibang lumalabas sa bibig niya kundi ang mga sakit sa puso na kaniyang nararamdaman.
Tinungo niya ang isang floating cottage na matatanaw sa 'di kalayuan ng kaniyang kinatatayuan, kahit man nilalamig na ang kaniyang pakiramdam ay hindi niya alintana sa kaniyang sarili ang bawat lamig na dampi ng hangin. Naupo siya habang hawak pa din ang boteng, iyon ang magpapagaan sa kaniyang kalooban. Isang maliwanag na buwan sa kalangitan ang kaniyang nakikita at sumisilay mula sa kaniyang kinaroroonan. Pabagsak niyang inilapag ang bote ng alak sa kawayang gawa sa mesa at nahiga ito sa gilid ng kaniyang kinauupuan. Nakailang beses niyang ikinukurap ang bawat talukap ng mga mata niya ngunit tanging mukha lang ni Jacob ang kaniyang nakikita.
“Jacob,” wika niya sa kaniyang sarili.
“Jacob, please! Isama muna ako kung saan ka man pupunta. Please, h'wag mo akong iwan! Ikaw lang ang gusto kong makasama sa mahabang panahon! Please, Jacob!” paulit-ulit niyang wika sa isang imahinasyon na nakikita sa kaniyang harapan, kasabay ng liwanag na tumatama sa maganda niyang mukha.
Sa bawat pagtaas at pag-angat ng mga kamay ni Aliyah, habang ang liwanag na tumatama sa kaniya ay ang unti-unting pagdaloy naman ng mga luha mula sa kaniyang mga mata. Subalit may kung anong tanong? Sa kaniyang isipan na paulit-ulit lamang niyang isinasambit.
“ Bakit, Jacob? Bakit sumuko ka, para sa akin? Bakit hindi mo nagawang lumaban, Jacob!” bulaslas na tinig ni Aliyah at walang humpay ang paggalaw ng mga daliri niya sa bilog at maliwanag na buwan na tumatama sa kaniya at tila gusto niya itong hawakan kahit na napakalayo nito sa kaniya.
Marahan ang bawat pagpikit nang talukap ng kaniyang mga mata, dinadala siya nang mabigat na antok nito. Bigat na hindi niya kayang mapigilan pa, ngunit pakiramdam niya ay may tila humawak sa kaniyang katawan na halos maramdaman na lamang niya ang pag-angat nito sa kaniyang kinahihigaan. Walang tinig o, salita ang kaniyang naririnig, tila ba ay isang matigas na kamay ang bumuhat sa kaniya. Kasunod na matipunong katawanan nito ang kaniyang nakikita, dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa matikas nitong dibdib. Hindi na lamang ni Aliyah pinansin ang lalaking, hindi naman niya lubusang kilala. Isang lalaking nangahas hawakan ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
When Hate and Love Collide (tagalog) R-18
RomanceIsang may prinsipyo at kilalang abogada si Alliyah belle Gomez. Ngunit, hanggang saan nga ba siya susubukan ng pagkakataon, na magpapabago sa aspeto ng kaniyang buhay? Nang makilala niya ang lalaking si Adrian Casanova. Mayaman. At kilalang negosya...