Chapter. 4

246 8 0
                                    

Halos tatlong taon na ang nakalilipas ay mababakas pa din sa kaniyang alaala ang mga sandaling pinagsamahan nila ni Jacob. Tulala niyang pinagmamasdan ang mga ulap na kaniyang nakikita, kasabay ng hanging dumadampi sa kaniyang mukha. Hindi niya alintana ang pagod mula sa nagdaang araw, matapos na magtagumpay siya sa isang kaso. Ininom niya ang natitirang alak sa kopita at nagtungo sa isang walk-in closet na kalapit lamang niya. Isa-isa niyang pinili ang mga dress nito sa closet at isang black backless dress with slit sa gilid na above the knee ang kaniyang napili na talagang agaw pansin sa kaniya kapag ito ay suot niya. Humarap siya sa salamin habang pinakatitigan niya ang kaniyang sarili kasunod nang pagtulo ng kaniyang mga luha mula sa mapupungay niyang  mga mata. Nangangatal man ang kaniyang mga kamay ay pinilit niyang kuhanin ang pulang red lipstick sa kinalalagyan nito. Subalit isang magkakasunod na katok ang naririnig niya mula sa labas ng kaniyang silid.

“Aliyah, anak! Buksan mo ang pinto, maaga ka pa ngayon sa unang trial mo sa bagong kasong hinahawakan mo, 'di ba!” tanging wika ng kaniyang ama.

Subalit parang manhid lamang ang bawat boses na naririnig niya sa labas ng silid. Matapos ang kaniyang pag-aayos sa sarili ay kinuha niya ang itim na small and flat rectangular case na pinaglalagyan niya ng mahahalagang dokumento. Binuksan niya ito at muling binasa nang paulit-ulit ang mga dokumentong kaniyang natanggap mula sa kaibigan. Batid nito ang galit at sakit sa puso niya na kahit gustohin man niyang isa-isahin sirain ang mga papel na hawak niya ay hindi nito magawa. Mas lalong tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang mga mata at kasunod nang pagtapon ng mga papel na hawak niya. Kasabay ng malakas na sigaw nito ay ang paghagis at pagkabasag ng mga bagay na nakikita nito sa loob ng kaniyang silid.

“Magbabayad ka!” malakas at madiin na tinig ni Aliyah.

“Ikaw ang dahilan, kung bakit siya nawala?  Natitiyak  'kong mabubulok ka sa kulungan at pagdudusahan mo ang mga nagawa mo kasalanan!” bulaslas ni Aliyah at dahan-dahan na pagluhod nito sa katabing kama na kaniyang kinaroroonan, habang nakikita niya ang mga basag na bagay at mga dokumentong nagkalat sa sahig.

“Aliyah, anak! Pakiusap buksan mo ang pinto!” hindi mapakaling tinig at sunod-sunod na katok ni Tatay Randy.

“Please, lang Jacob. Bumalik  ka na!” wika nito na halos itakip ni Aliyah ang dalawang kamay sa kaniyang mukha.

“Gagawin ko ang lahat, makuha ko lang ang hustisyang nararapat sa'yo,” kasabay ng mga binitawan niyang salita ay ang malakas na pagbukas at pagkalabog ng pintuan sa kaniyang silid.

“Aliyah, anak. Tama na!” wika ng kaniyang ama.

“Hindi mo, ako naiintindihan Papa! Masakit para sa akin na mawala siya ng dahil sa taong 'yon!”

“Anak, wala na tayong magagawa dahil kahit buksan mo pa ang kaso niya ay hindi na maibabalik nito ang buhay ni Jacob.”

“Kaya mo ba sinasabi 'yan Papa, dahil wala akong k'wentang abogado gano'n ba!” wika ni Aliyah sa maluha-luha niyang mga mata.

“Aliyah, noon pa man ay humahanga na ako sa galing at kakayahan mo. Subalit may mga bagay na dapat nating tanggapin kahit na ito'y masakit.”

“Hindi Papa, hindi ko matatanggap na gano'n na lang ang mangyari sa kaso ni Jacob! Hahanapin ko ang may sala at hindi ako titigil hanggang 'di ko nakikita o, natatagpuan ang taong gumawa noon sa kaniya,” wika ni Aliyah at kasunod nang pagtayo niya ay ang pagpulot ng mga dokumentong nagkalat sa sahig habang mabilis niyang nilisan ang kaniyang silid.

“Nanginginig ako sa galit habang dala-dala ko ang itim na bag na aking hawak. Akala ko ay makakaya ko nang kalimutan ang lahat ngunit nagkakamali pala ako,” ani ni Aliyah.

Kaagad itong sumakay ng kaniyang sasakyan at ini-start ito, na tila ba walang makapipigil sa paghawak ng kaniyang manubela. Habang sunod-sunod na text messages ang kaniyang natanggap mula sa kaniyang kaibigan.

When Hate and Love Collide (tagalog) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon