Chapter. 11

185 6 0
                                    

NANG dahil sa mga nangyari sa kaniya ay sinubukan nitong magpalipas ng panahon at oras sa isang lugar na kung saan doon siya makalilimot. Hindi na rin siya nagpaalam sa kaniyang kaibigan dahil nagmamadali na rin ang flight niya patungong Palawan. Lalo na't hindi niya malimutan ang kaniyang naging karanasan sa isang lalaking hindi niya inaasahang makikitang muli. Dala ang brown bag na kaniyang bitbit na naglalaman ng ilang pirasong damit. At mga dokumentong kahit kailan ay hindi niya nalimutan kahit saan man siya magpunta. Suot niya ang black sunglasses para takpan ang namumugto niyang mga mata. Sa pagsakay pa lang nito ng eroplano ay pansin na niya ang ilang pasahero na tanging ngiti ang sumisilay sa kani-kanilang mga labi. Kahit ano man ang pilit niyang maging masaya ay hindi nito talaga makaya. Isinandal nito ang kaniyang likod sa kinauupuan niya kasabay nang pagpikit sa kaniyang mga mata.

“Hindi ito ang hinangad ko Jacob,” wika ni Aliyah sa kaniyang kaisipan. Habang ramdam na niya ang sakit at pagkaantok sa kaniyang sarili.

Ilang sandali ay narating na niya ang destinasyon na kung saan ay doon siya magpapalipas nang kaniyang  problema at ilang mga alaala niya. Narating nito ang isa sa mga Beach house na paborito nila ng dati nitong nobyo. Wala pa rin itong pinagbago buhat nang siya ay umalis. Ang white curtain na sumasangga sa bawat bintana nito na nagpapangiti sa kaniya. Naalala pa niya na mas madalas silang mamalagi sa lugar na ito. Inilapag nito ang kaniyang maleta sa malambot niyang kama. Kasabay nang paghiga nito at malakas niyang buntonghininga. Dito siya na re-relax at nalilimutan ang mga bumabagabag sa kaniyang isipan. Mabilis nitong hinubad ang kaniyang kasuotan. Habang dali-dali niyang kinuha sa maleta ang nabili niyang plain black swimsuit.

Isang sariwang hangin sa labas nito ang kaniyang naramdaman. Pakiramdam nito ay tila nagbibigay gaan sa kaniyang puso. Huminga muli siya ng malalim habang natatapakan niya ang mga puting buhangin na kaniyang kinatatayuan. Kasunod nang musikang kaniyang naririnig. Tila ba sumasabay rin sa bawat kampay ng mga puno. Musikang nagsasabing kahit anong panalo mo sa laban ay may hinahanap ka pa rin na kapayapaan. Bagay na mas lalong nagpapabilis ng kaniyang kaba. Bumubuklod sa pagkatao niya sa hindi nito maipaliwanag na dahilan. Napansin niya ang isang floating cottage na kaniyang natatanaw sa 'di kalayuan nito. Patakbo niya itong tinungo at naupo sa isang wooden chair na kalapit lang niya.

“Wow! Nakaka-relax talagang pagmasdan ang bawat alon ng dagat.”

Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay para suungin ang dagat na kanina pa naghihintay sa kaniya. Ramdam niya ang bawat lamig nito sa kaniyang balat habang mariin ang langoy niya sa ilalim nito at pagkampay sa kaniyang mga paa. Tila ba naghihilom ang kaniyang puso. Naaaliw siya sa bawat nakikita nito sa kailaliman. Naisipan niyang umahon para mahiga sa buhanginan. Ang bawat sinag ng araw na tumatama sa kaniyang balat ay nagbibigay ng attraction sa iba. Ang maganda niyang katawan na kumukurba sa kaniyang kasuotan. Napabangon siya sa tinig ng isang lalaki. Hawak nito ang bote ng alak na iniaalok nito sa kaniya.

“Hey, would you like a drink?” tanong nito sa kaniya.

“I'm sorry, but I feel it would be better not to drink now,” tanging sagot ni Aliyah.

Iniwasan niya ito at nagpasyang lumayo upang bumalik sa floating cottage kung saan mas nagiging payapa siya. Subalit bago pa man niya marating ito ay isang pamilyar na lalaki ang kaniyang nasisilayan. A bearing of a man body that can more get attention to her. Napahinto siya at napaisip. Kasabay nang pagtaas ng kaniyang kilay.

“A-Adrian,” mautal-utal na bulong ni Aliyah sa kaniyang sarili.

Tila ba ang bilis nang tibok ng puso niya. Minabuti na lang niyang bumalik sa Beach house nito. Kaysa makita ang lalaking kinaiinisan niya.

“Sa daming lalaki sa mundo na makikita ko, bakit s'ya pa?” napapailing na lang si Aliyah sa mga katagang inilalabas nito sa kaniyang bibig.

Nawalan na rin siya nang ganang bumalik pa sa Cottage. Naligo na lang siya at nagpalit ng kaniyang suot. Nakaramdam siya nang pagkaantok kaya minabuti niyang humiga sa kaniyang kama. Kasabay nang pagpikit ng kaniyang mga mata.
________________

When Hate and Love Collide (tagalog) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon