Chapter. 24

141 7 0
                                    

BATID niya ang kaba sa kaniyang dibdib. Because she was worried about what she was planning. To escape Adrian's hellish life. Nangangatal ang mga kamay niyang tinitigan ang cellphone. Hiniram pa niya ito kay Manang Delfin. Isang di-keypad na cellphone na naitabi o, naitago ng matanda sa silid nito. Naupo siya sa likod ng hardin na napapalibutan ng mga bulaklak. Hindi naman siya gaanong makikita dahil sa yabong ng mga dahon nito. Magdadapit hapon na nang maisipan niya ang sinabi ng matanda. Matagal rin niya itong pinag-isipan. At sa gabi lang siya maaaring makatakas o, makalabas ng mansion dahil walang sinong tauhan ng binata ang naglilibot sa ganoong oras ng gabi. Mabuti na lang at tanda pa niya ang numero ng matalik niyang kaibigan. Isa-isa niyang tinipa ang numero at saka niya ini-dial. Kasunod nang maingat niyang paglapat ng cellphone nito sa kaniyang tainga. At tanging pag-ring nito ang kaniyang naririnig.

“Please, Anny. Sagutin mo!” ani ni Aliyah. Habang sumasabay ang kabog ng kaniyang dibdib. Ngunit tila isang busina ng sasakyan ang kaniyang narinig sa harap ng mansion. “S-Sandali si A-Adrian ba 'yon?” kinakabahan niyang wika. Na halos hindi niya malaman kung ano ang kaniyang gagawin. Hanggang sa tinig ng matanda ang tumatawag sa kaniya.

“Señorita! Señorita! Naririto na po si Señorito,” sambit ng matanda habang tinatanaw ang dalaga.

Kaagad niyang ibinulsa ang cellphone na hindi man lang nito napapatay ang tawag. Dahil sa kaniyang kaba ay patakbo siyang nagtungo sa loob. Hawak ang ilang puting rosas na kaniyang dala. Naalala kasi niyang walang laman ang isang flower vase kaya naman naisipan niyang kumuha para hindi siya mahalata.

“Bakit ba kinakabahan ako ng ganito?” wika ni Aliyah. Saka niya isa-isang inilalagay ang mga bulaklak na kaniyang napitas. Tahimik lang ang pakikiramdam niya sa binata. Hanggang sa marinig niya ang baritonong boses nito. Dinaig pa niya ang nagkaroon ng trauma sa tuwing umuuwi ito ng mansion. Pakiramdam niya ay may kung ano na naman itong gagawin sa kaniya.

Napakagat ang kaniyang ibabang labi. Nang maramdaman niya ang mga daliring bumabaybay sa kaniyang braso. Na tila may kaakit-akit na dala. Kaya mas lalong nadagdagan ang kaniyang kaba. Hindi niya alam kung bakit mabilis itong nakarating sa kaniyang likuran. Suot pa naman niya ang Blue fitted dress na above the knee. May pagka-backless rin ito sa likod. Kaya naman nagingibabaw ang mapuputi niyang mga balat. Tanging buntong hininga ang kaniyang pinakawalan sa sarili. Kasabay nang pagpikit ng kaniyang mga mata. Dinaig pa niya ang nahihipnotismo dahil sa kuryenteng dumadaloy sa kaniyang katawan. Sa tuwing inilalapat ng binata ang mga kamay nito sa kaniyang makinis na balat. Dahan-dahan ang binata na humalik sa kaniyang leeg. Ramdam niya ang mainit na dampi ng labi nito sa kaniya. Napalunok siya sa ginagawa ng binata. Habang sinasamyo ang gilid ng kaniyang leeg.

“I like every smell of your body right now,” wika ni Adrian. Na tila walang tigil nitong inaamoy ang bawat gilid ng leeg ng dalaga.

“I am not a toy, Adrian. Na kapag ginusto mo ay p'wede,” bulong na untag ni Aliyah.

“Don't tell me. Na tumatanggi ka na ngayon sa gusto ko,” paghahamon na sambit ng binata sa kaniya.

Halos ibagsak ng dalaga ang hawak niyang flower vase dahil sa mga sinabi ni Adrian. Kasunod nang mabilis nitong pagbaling nang harap sa binata. Ngunit mas lalo lang itong lumapit sa kaniya. At mabilis siyang ikinulong sa mga bisig nito. Napatabingi pa ang mga labi nitong nakangisi sa kaniya. Tila ba sinusukat ang galit ng kaniyang mukha. Taas noo niya itong hinarap at matalim na mata ang kaniyang iginanti sa binata.

“Ano ba talaga ang gusto mo? Ha! Katawan ko ba? Ibibigay ko sa 'yo kung iyon palagi ang magpapagaan ng loob mo! Kung sabagay sino ba naman ako sa 'yo. Eh, halos ginawa mo na nga akong parausan gabi-gabi 'di ba. Hindi ka pa ba masaya? Na kukulangan ka pa ba sa akin?”

“Damn it! Aliyah!”

“Gawin mo lang ang gusto mo. Magpakasaya ka sa katawan ko. Hanggang sa manawa ka!” Pigil ni Aliyah  sa nagbabadya niyang mga luha. At mga katagang kaniyang mga binitawan. Ayaw niyang kaawaan siya nito. Kahit na sukang-suka na siya kanina pa dahil sa kaniyang nararamdaman. Lalo na sa tuwing makikita niya ito ay tila ba sumasabay rin ang pagliyok ng kaniyang tiyan. Naduduwal siya sa naaamoy niyang pabango na nagmumula sa binata.

Itinulak niya ito at patakbo siyang nagtungo sa banyo. Kasabay nang pagtakip ng kamay sa kaniyang bibig. Hindi niya napigilan ang masuka. Naririnig ni Adrian ang bawat pagduduwal na kaniyang ginagawa. Binuksan niya ang gripo mula sa sink. At marahan ang pagdampi sa kaniyang mga labi.

“Nag-iinarte ka na naman ba para wala akong gawin sa 'yo?” ani ni Adrian. Habang pinagmamasdan ang kaniyang ginagawa.

“Kung wala kang magandang sasabihin umalis ka na!”

“Pamamahay ko ito, Aliyah. Kaya bakit ako aalis? Pasalamat ka nga pinakakain pa kita dito!”

“Hindi ako hayop, Adrian. Bakit 'di mo na lang ako pakawalan? Ha!”

“Pakawalan!” paguulit na wika ni Adrian. “Bakit ko pakakawalan ang isang tulad mo! Marami kang atraso sa 'kin na magpahanggang ngayon ay hindi mo makayang aminin!”

“Wala akong alam sa tinutukoy o, sinasabi mo! Kaya kung ayaw mo sa 'kin . . . lubayan mo ako!”

“Do you think? Gano'n lang 'yon kadali. Magdudusa ka muna bago kita pakawalan!” Hinila nito ang braso niya at mahigpit itong pinakahawakan. Na halos bumaon na ang mga daliri nito sa kaniyang balat.

“Ano ka ba? Nasasaktan ako! Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan, ha!”

“Hanggang sa maramdaman mo, ang sakit na nararamdaman ko!”

Matalim na mga mata ang ipinupukol ni Adrian sa dalaga. Tila ang paghila niya sa babae ay hindi man lang makakaapekto sa kaniya kung ito ay nasasaktan.

“Tama na! Please, nasasaktan na ako, Adrian!” sigaw ni Aliyah. Kasabay ng mga luhang dumadaloy sa kaniyang mga mata.

“Nararapat lang sa 'yo ang masaktan. Higit pa at mas higit pa, Aliyah!”

Halos kaladkarin nito ang dalaga at pabalya niyang itinulak sa sofa. Ngunit isang sigaw ng matanda ang nagpatigil sa kaniya.

“Señorito, tama na! Huwag mo siyang saktan. Maawa ka sa kaniya. Hindi dapat ang . . .” wika ni Manang Delfin. Subalit ang mga sumunod nitong sanang sasabihin ay hindi na niya maituloy nang sumigaw ito sa kaniyang harapan.

“Manang Delfin, hindi ko kailangan ng paliwanag n'yo! Umalis na kayo sa harapan ko. At h'wag na h'wag n'yo akong pakikialaman!”

“S-Subalit, Señorito,” kinakabahang wika ng matanda sa mautal-utal na boses nito.

“I said get out!”

Dali-daling umalis palayo ang matanda dahil sa pagkatakot nito. Nakikita rin niya ang pag-iyak ng dalaga habang yakap-yakap ang sarili nito.

“Tama na, Adrian! Unang-una hindi mo ako asawa. Pangalawa, wala kang karapatan na ikulong ako dito sa pamamahay mong maala-impyerno! At pangatlo, p'wede kitang kasuhan sa lahat ng pananakit na ginagawa mo sa 'kin!”

“Hangga't naririto ka sa pamamahay ko. Ako lang ang maaaring masunod sa lahat ng gusto ko!” galit na untag nito. At saka ito nagpasyang lumabas ng bahay. Narinig na lang ng dalaga ang pagtunog ng kotse nito. Hudyat na paalis na ito ng mansion.

Ang kaba na kaniyang naramdaman sa dibdib ay unti-unting nawawala. Ngunit ang bakas at kirot ng sakit sa katawan nito ay hindi niya makayang kontrolin dahil sa markang nag-iiwan sa kaniyang mga balat. Sinundan niya nang tingin ang bawat kilos ng binata. Kita niya ang galit sa mga mata nito at ang lakas nang pagsarado ng kotse ay mas nagpagulat sa kaniyang sarili. Hindi niya mabasa ang nilalaman ng kaisipan ng binata. May kung anong tanong na gumugulo sa kaniyang isipan. Na tila hindi niya masagot sa kaniyang katanungan.

“Hindi na kita kilala, Adrian. Hindi na ikaw ang dating lalaking nagmahal sa 'kin. Ang lalaking handa akong paligayahin at ibigin,” paghihinagpis niyang bulong sa  kaniyang sarili. Habang dinadama ang lamig ng hangin sa labas. At ang pagtanaw sa sasakyang unti-unting lumalayo sa kaniyang kinaroroonan.

When Hate and Love Collide (tagalog) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon