Mataas ang sikat ng araw at halos lahat ng taong nag-iintay ng masasakyan sa labas ng Roxas City Airport ay tagaktak ang pawis. Kanya-kanyang paypay ang mga tao at ang ilan pa ay may mga dalang portable electric fan para pawiin ang init sa gitna ng tag-araw.
"Gelo, matagal pa ba sundo natin?" Basa na sa pawis ang suot na t-shirt ng lalaking iritableng nagtanong. "Malapit na raw, chill lang kayo," tugon ni Gelo, isa sa dalawang kaibigang kasama niyang nag-iintay din sabay hugot ulit ng kanyang cellphone upang i-update ang sundo nila. "Ugh, ang inet! Nasa'n na ba kasi si Rico? Ang tagal naman no'n, baka nilamon na 'yon ng vending machine," pagmamaktol pa niyang muli.
"Albie, oh!" Mabilis na napalingon ang iritableng lalaki sa kaibigang may dalang malalamig na soft drinks para sa lahat. "At last!" buntong hininga pa ni Albie sabay mabilis na nilagok ang hinagis ni Rico na soft drinks sa kanya. "Ang arte mo masyado, ipasok kita sa vending machine eh!" pang-aasar pa ni Rico kay Albie na ginatungan naman ng dalawa pa nilang kaibigan.
"Oh, 'yan 10 minutes away na lang daw sila. Ready niyo na baggage niyo," utos ni Gelo sa mga kaibigan sabay padausdos ng phone sa bulsa. Agad naman siyang sinunod nina Albie at Rico. Nang mapansing nakatutok pa rin sa cellphone niya ang isa pa nilang kaibigan ay binatukan niya ito. "Huy Arman, ayos na! Bakit kanina ka pa tutok sa cellphone mo, ano ba 'yan?" iritableng tanong ni Gelo.
"Mommy niya ata, pinapauwi na raw siya," pang-aasar pa ni Rico na kinahagalpak ng tawa ng lahat.
Binigyan lang ni Arman ng tamad na tingin ang mga kaibigan. "Funny niyo 'no?" sabay mabilis na tago ng cellphone. "Uy eto naman masyadong pikon eh, ano ba kasi 'yan?" tanong pa ni Albie.
Humugot ng malalim na hininga si Arman bago sinagot ang mga kaibigan. "Did you know na prominent sa aswang stories 'tong Capiz province?" pabulong na sambit ni Arman habang namimilog ang mga mata. "'Tas may nabasa pa akong news 3 months ago na may farm animals daw na parang pinatay ng aswang, sparking rumors na baka nga meron talaga," seryoso niya pang dagdag.
Nagtinginan sina Albie, Rico, at Gelo, sabay nagtawanan. "'Yan ba 'yong kanina mo pa sine-search? Kaya pala kanina ka pa seryosong-seryoso!" asar pa ni Gelo. "Pa'no mo nabasa 'yong article? Finorward ba sa'yo ng mommy mo para hindi ka tumuloy?" biro pang muli ni Rico. "Oh, bilisan mo paalis na 'yong flight pabalik ng Manila!" dagdag kantyaw pa ni Albie kaya mas lumakas ang tawanan ng magkakaibigan.
"Sige, pagtawanan niyo. Pero don't f*cking tell me I didn't warn you ha," bakas sa boses ni Arman ang pagka-asar. "Uy galit na. Don't worry bro, para saan pa 'yong paggy-gym at pag-inom mo ng protein shake everyday kung aatras ka lang sa one-on-one with a watered-down version ng werewolf," sabay himas pa ni Albie sa likod ni Arman. "Flex mo na lang 'yong biceps mo na araw-araw mong pinopost sa IG story, baka sakaling ma-intimidate," dagdag pa niya habang nagpipigil ng tawa. Galit na tinanggal naman ni Arman ang kamay ng kaibigan sa likod niya.
"Oh, nandiyan na! Arman, sasama ka ba?" pang-asar na ngiti pa ni Gelo. Hindi na siya pinansin ni Arman na namumula na ang mukha at leeg at diretsong sumakay sa itim na SUV na huminto sa harap nila. Sinundan siya ng tatlo pa niyang kaibigang naghahagikhikan.
Matapos ng isa't kalahating oras na biyahe ay nakarating na sila sa munsipalidad ng Pilar ngunit huminto muna sila saglit sa isang palengke para bumili ng makakain dahil nakaramdam sila ng gutom. Mabilis na naghanap ng CR sina Gelo at Rico samantalang dumiretso naman sa mga hilera ng seafoods sina Albie at Arman.
"Uy ang tagal na ng huling kain ko ng alimango!" pambungad na kumento ni Albie. "Fresh po ba lahat 'to, ate?" tanong naman ni Arman sa tindera. "Aba, oo naman! Bagong huli lahat 'yan! Pili na, masasarap 'yan lahat!"
Habang namimili ng seafoods si Albie ay lumipat naman sa tindahan ng mga kakanin si Arman. Natigilan siya nang may nahagip siyang nagbubulungan sa malapit.
BINABASA MO ANG
Naniniwala ka ba sa Aswang?
Mystery / ThrillerMga kaso ng pagpatay dahil sa. . . aswang? Apat na magkakaibigan ang piniling magbakasyon sa probinsyang malayo sa siyudad. Kilala na noon pa ang probinsya sa mga kwentong aswang ngunit hindi nila inakalang ito ang bubungad sa kanila. Puno ng kalmot...