Kabanata 3: Pista

83 5 0
                                    

Pabagsak na napaupo si Rico sa sofa matapos marinig ang balita. Agad niyang sinipat ang cellphone at bumungad sa kanya ang labindalawang missed calls mula sa mga magulang kaya agad niyang tinawagan ang kanyang ina.

"Rico!" bakas sa mataas na tono ng boses ng ina ang pag-aalala.

"Hi 'ma, sorry ngayon lang ako nagising," halos pabulong na banggit ng binata dahil na rin sa panghihina ng katawan. "Don't worry 'ma, safe kami dito. Nasa bahay kami ng M ayor tsaka napapaligiran kami ng mga pulis."

"Yes, naipaliwanag na nga sa'kin ni Gelo. I feel relieved na gan'yan ang sitwasyon niyo ngayon. Just promise me na mag-iingat ka! Huwag kang gagawa ng kalokohan at baka mapa'no ka pa diyan!"

"Opo, 'ma. Huwag na po kayong mag-alala, we'll return safe and sound. I heard binibilisan na ang investigation ng kaso dito."

"That's nice. Sige na, I love you."

"Sige 'ma, I love you too. Bye," binaba na ni Rico ang cellphone matapos i-end ng ina ang tawag. Nalipat ang atensyon ni Rico sa kaibigang si Arman na nakasubsob pa rin ang mukha sa dalawang palad. "Arman, bro, how are you?" sabay patong ng kanang kamay sa balikat ng kaibigan.

Inangat ni Arman ang tingin sa kaibigan dahilan upang makita ang namumula at namumugto nitong mga mata. "My mom is panicking as we speak," nanginginig pa ang boses niya. Humugot ng malalim na hinga si Rico bago mas lumapit upang tabihan si Arman. Inakbayan niya ang kaibigan at hinagod ang kaliwang braso bago magsalita, "We're very sorry, bro. We should've listened to you."

Nagpakawala ng mabigat na hinga si Arman bago tumugon, "Wala, nangyari na eh. Mao-open ba ng sorry niyo 'yong borders ng probinsya?" matalim ang tono ng binata sabay mabilis na tayo dahilan para malaglag ang naka-akbay na braso ni Rico. Matulin niyang binaybay ang daan palabas ng mansyon.

Matapos lumabas ng kaibigan ay tumayo naman para mag-unat si Albie. "Pa'no ba 'yan? We have. . ." tumingin siya sa direksyon ng kalendaryo at bumuntong hininga bago magpatuloy ng sasabihin, ". . . indeterminate number of days left for this summer vacation. Let's just try to have fun," ngiti pa niyang malawak sa mga kaibigan.

"Fun? Pa'nong fun? Eh hindi ka nga yata makakapamelengke ng walang dalang at least two valid ID's," pagbasag naman sa kanya ni Rico gamit ang tamad na ekspresyon. Nanliit ang mga mata ni Albie habang hinihimas ang baba at umaaktong nag-iisip. "Aha!" namilog ang mga mata niya sabay mabilis na lumapit kay Gelo. "'Di ba may Fiesta raw ngayon dito sabi ng ninong mo? Tuloy pa kaya 'yon?"

Kasalukuyang sinisipat ni Gelo ang cellphone niya nang magtanong si Gelo kaya agad niya itong pinatay at binaba. "Actually, kaka-text lang sa'kin ni ninong. Iniimbita tayo na sumama sa Fiesta sa bayan. I guess tuloy pa rin pala siya?"

"Ooh, fun!" sabik na sambit pa ng nakangising si Albie.

Nagkasundo ang magkakaibigan na dumalo sa pista, kasama na si Arman na kahit tutol sa pagpunta ay sumama na rin dahil ayaw din naman niyang maiwan mag-isa sa mansyon.

Ilang minuto pa'y narating na nila ang plaza sa bayan. Bago makapasok ay hinarang sila ng kumpol ng mga sundalong nakabantay at may bitbit na malalaking riple. Hihingan na dapat sila ng ID nang mapansin ng mga sundalo na sasakyan ng Mayor ang gamit nila kaya umatras agad sila at pinatuloy ang sasakyan ng magkakaibigan.

Pagpasok pa lang ng plaza ay malakas na musika agad ang sumalubong sa magkakaibigan. Napapalibutan ng makukulay na banderitas ang buong lugar. Lahat ng mga tao ay nakakumpol sa gilid at kanya-kanyang usap at sayawan samantalang sa gitna ng daan ay mga mananayaw na may makukulay at magagarbong suot, umiindayog sa saliw ng madagundong na musika. Nakakakalat din sa buong lugar ang iba't-ibang paninda mula sa mga meryenda hanggang sa mga souvenirs na sumisimbolo sa kapistahang pinagdiriwang. Sa gitna ng plaza ay may nakatindig na platapormang pinalilibutan ng mga sundalo't kapulisan. Matatagpuan sa itaas ng plataporma ang ilang taong nakabarong at baro't-saya sa harap ng mahabang lamesang may samu't-saring pagkain. Sa gitna ay ang Mayor na nakangiti nang malawak habang pinapanood ang mga nagsasayaw.

Naniniwala ka ba sa Aswang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon