Epilogo

80 3 1
                                    

Umaalingawngaw ang announcement ng piloto na lilipad na ang eroplano. Nakaupo si Gelo sa tabi ng bintana habang tahimik na nakadungaw sa labas. Malamlam ang mga mata, pinagmamasdan ni Gelo ang mga staff ng airport.

"Sa wakas makakauwi na rin ako. Jusko buti na lang nga at natapos na."

Nahagip ng pandinig niya ang bulalas ng babaeng nasa harapan niya.

"Biro mo? Three days vacation lang ang plano ko, nauwi sa three weeks! Sukang-suka na ako please," sabay halakhak pa ng dalaga.

"Breaking news! Tinapos na ang lockdown sa bayan ng Capiz kasabay ng pagtanggal ng Martial Law sa munisipalidad ng Pilar. Nagpahayag ang Pangulo ng pasasalamat sa mga kasundaluhan at maging sa mga mamamayan na buo ang naging kooperasyon para maresolba ang kinaharap nilang krisis."

Hindi maiwasan ni Gelo na makinig sa balitang pinakikinggan ng katabi niyang lalaki.

"Sa kaugnay na balita, hindi napagbigyan ng korte na babaan ang taon ng pagkakakulong ng mga terorista dahil sa kawalan ng ebidensiya sa pagu-ugnay kay Mayor Carreon sa mga pagpatay na naganap sa munisipalidad ng Pilar. Nahaharap ang lider nila na si ka-Mael sa walong taong pagkakakulong samantalang ang ilan pang mga kasapi ay nahaharap sa anim na taong pagkakakulong. Ang pinakamatunog na kasapi naman ng mga terorista na si Rico Albieno, bukod sa kasong sedisyon, ay nahaharap sa kasong pagpatay kay Jestoni Arman Silverstone, kaibigan ng suspect. Napatawan siya ng dalawampu't anim na taong pagkakakulong. Ang isa pa sa kaibigan ng suspect na si Donald Albie Del Valle, ang may-ari ng videong nagviral sa Capiz, ay patuloy pa ring pinaghahahanap ng kapulisan. Pinaghihinalaang ang suspect rin ang may kinalaman dito ngunit mariin itong itinatanggi ng suspect. Kung makita niyo siya ay mangyari lamang tumawag sa mga numerong naka-flash sa screen niyo ngayon."

Napaluha ang binata nang maalala ang nangyari dalawang araw bago ang paglilitis...

Pagkagaling sa presinto ay madaling bumalik ng mansyon si Gelo upang iwasang makuwestiyon ng kanyang ninong. Sa kasamaang palad, pagbukas niya ng pinto sa likod ng mansyon ay sinalubong siya ni Mayor.

"Saan ka galing?"

Pakiramdam ni Gelo ay nalaglag ang puso niya sa gulat. Tila dinaga ang dibdib ngunit pinilit niyang sumagot nang diretso at itago ang nararamdamang kaba. "Sa presinto po. Kaibigan ko pa rin po si Rico, nag-aalala lang ako sa kanya kaya kinamusta ko siya."

"Kinamusta lang?"

Namilipit ang tiyan ni Gelo sa narinig. Sa tono pa lang ng boses ng Mayor ay halata nang may alam ito.

"I want you to be honest with me, Gelo. Whose team are you f*cking on?" matalas ang pananalita ng Mayor at bakas ang inis.

Napalunok si Gelo kasabay ng pag-init ng mga mata, "Yours." Nanginginig ang boses niya.

"Then why did you bury Albie in my f*cking land even though I f*cking made it clear that you need to burn that little sh*t?" Nalaman ng Mayor ito matapos matunton ang halos isang linggo nang umaalingasaw na mabahong amoy sa mansyon. Mababaw ang pagkakalibing ni Gelo dahil sa pagmamadali kaya madali rin itong umalingasaw at natunton.

Tumulo na ang mga luha ni Gelo dahil sa takot kasabay ng malamig na pawis. "It's hard to burn my own friend—"

Hindi na natuloy ni Gelo ang sasabihin nang biglang sinunggaban siya ni Mayor sa leeg at binalibag sa kalapit na pader.

"Huwag mo akong ginagag*, Gelo. Anong ginawa mo sa presinto?" mariing bulong ng Mayor. Hindi makasagot si Gelo at nahihirapang huminga dahil sa pagkakasakal sa kanya ng Mayor. Kinapa ng Mayor ang mga bulsa ni Gelo at nang makapa ang cellphone, sinubukan pang pigilan ito ni Gelo ngunit mas malakas ang Mayor sa kanya.

Binitawan na ng Mayor ang pagkakasakal sa binata dahilan para bumagsak ang binata dahil sa panghihina at maghabol ng hinga. Buong puwersang binato ng Mayor ang cellphone sa sahig at inapak-apakan hanggang madurog.

"Because I love you, I'll let this one slide. You do one stupid sh*t again, you're out! And it's not just you, pati pamilya mo idadamay ko. I assure you Gelo, I f*cking can."

Iniwan ng Mayor si Gelo na nanginginig at tuloy-tuloy ang pag-iyak.

Natigilan si Gelo sa pag-iisip nang mahagip muli ng pandinig niya ang isa pang balita.

"Kakapasok lang na balita, natagpuang patay sa loob ng kanyang opisina si Mayor Gary Carreon nito lang alas-sais ng umaga. Walang bakas ng pagpupumiglas ang Mayor at wala ring nagulo o nanakaw sa kagamitan niya. Hinihinalang suicide ang kaso dahil natagpuan siyang hawak-hawak ang baso ng kape niya. Antabayanan ang mga susunod na updates ukol dito. Ako po muli si Arnel Cruz, nagbabalita."

Nagpunas ng luha si Gelo at napangisi bago bumulong sa sarili, "Tapos na. Makakauwi na ako."

Muling dumungaw ang binata sa bintana kasabay ng pag-angat ng sinasakyang eroplano.

+++

A/N: Thank you for reading until the end! I hope you enjoyed my story. Please share this story to your friends and family and don't forget to vote and comment down your thoughts. I love reading them! Sana basahin niyo rin 'yong mga susunod ko pang stories.

Hanggang sa muli! 

Signing off.

Naniniwala ka ba sa Aswang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon