Disclaimer: Estudyante lang po ako at hindi ko po talaga kabisado ang totoong nangyayari sa loob ng korte. Please bear with me na lang kung may mali sa naging proceedings. Salamat!
+++
Limang araw bago ang paglilitis...
Pagkatapos ng event, sa harap ng media, ay nilabas ng Mayor ang kilusan kasama si Rico. Ang bangkay na si Arman naman ay mabilis na nilabas habang nagkakagulo ang media. Pilit na sumisigaw si Rico upang hanapin ang kaibigan niyang pinatay ni Mayor ngunit walang nakikinig sa kanya. Hiwa-hiwalay silang sinakay sa patrol at dinala sa presinto.
Bumaba ng patrol ang nakaposas na si Rico habang hawak siya ng dalawang pulis sa magkabilang braso. Pagbaba ay sinalubong siya ng sunod-sunod na flash ng mga camera at mga reporter na sunod-sunod ang tanong sa kanya.
"Totoo bang kinidnap ka at brinainwash ng kilusan?"
"Plinanta ka ba ng kilusan para mag-espiya sa bahay ni Mayor?"
"Gaano katotoong nakipagkaibigan ka lang sa inaanak ni Mayor upang makapunta sa bahay ng Mayor?"
"Kailan mo pa pinaplanong patayin ang Mayor?"
Pinapagitnaan siya ng dalawang pulis habang pinipilit makausad sa dagat ng mga reporters na nakaabang sa labas ng presinto.
"Kaano-ano mo si Aliya at gaano katotoong kayo ang pumatay kay Lola Idet?"
Nagpanting ang tenga ni Rico sa huling narinig. Natigilan ang mga binti niya at tila may init na umakyat mula sa tiyan papuntang mukha niya. "Hoy! Huwag kang tumigil. Lakad!" Suway pa ng isa sa mga pulis nang mapansing tumigil ang binata. Hindi pinansin ng binata ang pulis at bagkus ay binaling ang tingin sa reporter na huling nagtanong. Galit niyang sinunggaban sa kuwelyo ang lalaking reporter, "Keep their names out of your f*cking mouth." Buong puwersa niyang tinulak ang reporter dahilan para bumagsak ang reporter. Agad siyang sinunggaban ng dalawang pulis at puwersahang pinasok na sa presinto.
Pinasok sa interrogation room ang binata. Ilang minuto pa'y may pumasok na dalawang pulis. "Saan niyo dinala 'yong iba kong kasama?" pambungad na tanong ni Rico. Napangisi ang pulis bago tumugon, "Ang tapang mo talaga eh 'no. 'Yan ba ang nagagawa ng pagsali sa mga terorista?" Siya rin ang pulis na nag-interrogate sa binata noon. "Parang last week lang, maamong tuta ka lang ah."
"Nasaan sila?" Mariing tanong ni Rico at hindi pinansin ang mga sinabi ng pulis. Hinugot ng pulis ang cellphone niya mula sa bulsa. "Kalmahan mo bata. Tignan mo, headline ka kaagad oh." Pinakita ng pulis ang isang news article na pinamagatang 'Capiz Terrorist Assaults a Reporter'. Hindi pinansin ni Rico ang pinakita ng pulis at bagkus ay hindi pinutol ang matalim na titig sa mga pulis. Napangisi ang isa sa dalawang pulis bago umupo sa tapat na upuan ni Rico.
May babaeng pumasok dala-dala ang isang bago ng tubig. Nilapag niya ito sa tapat ni Rico bago umalis. "Uminom ka muna, mahaba-habang usap 'to," utos ng pulis kay Rico. Binaba ni Rico ang tingin sa baso ng tubig at tinitigan lang ito. Natawa nang bahagya ang pulis. "Walang lason 'yan. Ano sa tingin mong kakalat na balita kung lalabas ka ng kuwartong 'to na walang buhay? Inom na."
Inabot na ni Rico ang baso at tinungga ang baso ng tubig. Naglabas ng panyo ang pulis at inabot ang walang lamang baso sa isa pang pulis upang itabi na ito. Nilabas na rin niya ang isang form at ballpen at nagsimula nang tanungin ang binata.
"Paano ka na-recruit ng mga terorista?"
Umismid si Rico bago sumagot, "Una, hindi sila terorista. Pangalawa, ako mismo ang sumali sa kanila." Tumango lang ang pulis bago nagsulat ng kung ano sa form.
"Sinong mga nagbibigay ng resources sa mga teroristang 'yon?"
Nagkuyom ng kamao ang binata. "Hindi sila terorista. Wala silang sinasaktang inosenteng tao."
BINABASA MO ANG
Naniniwala ka ba sa Aswang?
Mystery / ThrillerMga kaso ng pagpatay dahil sa. . . aswang? Apat na magkakaibigan ang piniling magbakasyon sa probinsyang malayo sa siyudad. Kilala na noon pa ang probinsya sa mga kwentong aswang ngunit hindi nila inakalang ito ang bubungad sa kanila. Puno ng kalmot...