Agad na lumayo si Arman at nasuka dahil sa nakita. Kahit nanginginig pa rin, mabilis na hinugot muli ni Gelo ang kanyang cellphone upang ipaalam sa pulis ang nakita nila. Nakatitig pa rin si Rico habang mariing pinagmamasdan ang bangkay samantalang mas lumapit naman si Albie at bakas sa mukha niya ang pagkamangha sa nakikita.
"Oh my God, bro. This is amazing!" namimilog ang mga mata ni Albie sa pagkamangha.
Nagkunot ng noo ang kaibigan niyang si Rico sa narinig. "Ano?! G*go ka ba?!"
"No, don't get me wrong, pare. This is horrible. Whoever did this should be severely punished. Pero bro, this is a great kwento sa inuman. Imagine the look on their faces kapag kwinento natin 'to when we're back sa Manila." Napahagikhik pa ang binata dahil sa pananabik sa naiisip. "No, pare, I don't see it that way. Sira-ulo ka," bakas pa rin sa ekspresyon ni Rico ang gulat at dismaya.
Hindi siya pinansin ni Albie at makalipas ng ilang segundo'y madali niyang kinuha ang cellphone niya. "What now?" kunot-noo pa ring tanong ni Rico. Hindi siya pinansin ng nagmamadaling si Albie. Binuksan niya ang cellphone niya at nagsimulang kumuha ng video.
Naramdaman ni Rico na nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa kaya madali niya itong sinipat. "Live?! Naka-live ka sa Facebook?!" Nagsalubong ang mga kilay ng binata kasabay ng pagtaas ng tono ng boses niya. "What the f*ck, Albie?! Anong ginagawa mo?!" 'Di makapaniwalang sigaw rin ni Gelo na nakatanggap din ng notification na naka-live ang kaibigan.
"Shh. Huwag kayong maingay, naririnig kayo sa live!" Pabulong na sambit ni Albie habang nakatutok pa rin sa kanyang cellphone.
"Hello! So, as you all know, nasa Capiz kami ngayon for the summer vacation. Little did we know, we'll be able to have a first-hand experience of a crime done just about a half kilometer away from our crib—"
Hindi niya natuloy ang pakikipag-usap sa cellphone niya nang hablutin sa kanya ni Rico ito. "What the hell, pare?! Give me back my phone!" kunot-noong utos niya sa kaibigan. "No, bro. Is what you're doing even allowed? Isn't this supposed to be confidential?" tugon pa ni Rico.
"Rico, bro, two things. I don't know and I don't care. Give me back my phone," mariing utos ni Albie habang nakalahad ang kanang kamay sa kaibigan. "I'm with Rico on this. Hindi pwede ginagawa mo, Albie. It's too dangerous!" segunda ni Gelo.
Lumapit sa kanila ang namumula sa galit na si Arman habang pinupunasan ang gilid ng bibig. "I f*cking told you so! Haven't I warning you kanina pa?! This sh*t is real for God's sake, let's get out of here!" taranta pa niyang sambit habang mabilis na pabalik-balik na naglalakad.
"Oh, shut up, Arman! Tigilan mo nga pagiging duwag mo for once!" bulalas ni Albie.
Nalipat ang titig ni Arman kay Albie at mistulang nagpanting ang tenga niya sa narinig kaya naman mabilis niyang sinunggaban sa kwelyo ang kaibigan. "Duwag?! Sinong duwag?! Kanina pa ako banas sa'yo ah. Subukan mong ulitin 'yong sinabi mo para makita mo kung sinong duwag!" matalas ang tingin niya sa kaibigan.
"Bitawan mo ako, sasapakin kita," seryosong banta pa ni Albie,
"Eh di sapakin mo! Sinong tinakot mo?! Sige, tuloy mo!" sabay tulak niya nang malakas kay Albie. "Tuloy mo!"
Mabilis namang pinigilan ni Gelo si Arman at si Rico naman kay Albie para awatin sila. "Tumigil nga kayong dalawa!" sigaw ni Rico. "Albie, walang magli-live, at Arman, babantayan natin 'tong bangkay hanggang makarating 'yong mga pulis. Pag-uwi natin, tsaka tayo mag-uusap kung anong gagawin natin."
Pinagpag ni Arman ang pagkakahawak sa kanya ni Gelo at tahimik na bumalik sa pwesto niya. Binitawan na rin ni Rico si Albie nang maramdamang kumalma na ito. "Give me back my phone. Promise, hindi na ako magla-live," kalmadong pakiusap pa niya sa kaibigan. Bumuntong hininga naman si Rico bago iabot ang cellphone niya pabalik.
BINABASA MO ANG
Naniniwala ka ba sa Aswang?
Misteri / ThrillerMga kaso ng pagpatay dahil sa. . . aswang? Apat na magkakaibigan ang piniling magbakasyon sa probinsyang malayo sa siyudad. Kilala na noon pa ang probinsya sa mga kwentong aswang ngunit hindi nila inakalang ito ang bubungad sa kanila. Puno ng kalmot...