Kahit nanginginig ang mga tuhod ay pinilit ni Rico na ihakbang ang mga binti paatras. Kakaripas na dapat siya ng takbo nang makakuha ng lakas ngunit pagtalikod ay nadatnan niya doon ang galit na si Aliya na bitbit ang pala sabay hampas sa binata dahilan para mawalan ito ng malay.
Binuhusan ni Aliya ng malamig na tubig ang binata para magising. Naramdaman agad ng binata ang malaking sugat sa kaliwang sintindo pagmulat niya ng kanyang mga mata. "Aray..." banggit pa niya gamit ang nanghihinang boses.
Sinapo ng dalaga ang baba ng binata upang i-angat ang mukha nito, "Ano? Tatakas ka pa?"
Mahinang umiling ang binata, iniinda pa rin ang sugat sa sintido dulot ng paghampas sa kanya ng pala. Napansin rin niyang tumila na ang ulan pero madilim pa rin ang paligid.
Binitawan na ng dalaga si Rico at dumiretso ng tayo, "Aalis na ako. Huwag kang mag-alala, siniguro kong hindi ka na makakatakas." May dinukot na susi ang dalaga mula sa bulsa nito at winasiwas sa harap ni Rico. Dito na napagtanto ni Rico na mabigat na bakal na ang kinadena sa mga kamay niya.
Nang matandaan ni Rico ang hitsura ng matanda ay agad niyang nilibot ang paningin niya sa paligid. "N-Nasa'n 'yong matanda? Sa'n siya pumunta? K-Kilala mo ba siya?"
Nagkunot ng noo ang dalaga bago sumagot, "Sinong matanda?"
"'Yong kanina! May taga sa mata? Hindi mo nakita?" histerikal ang boses ni Rico na lalong ikina-kunot ng noo ng dalaga. "Walang matanda. Walang ibang nakatira dito, ako lang," sabay bitbit ng sako at pala.
Paalis na dapat si Aliya nang pigilan siya ni Rico, "Teka!" Tumigil si Aliya para lingunin siya. "Hindi ba aswang 'yong nakita ko? Please Aliya, huwag mo akong iwan dito," pagmamakaawa pa niya habang naginginig ang boses.
Umismid ang dalaga bago magsalita, "Kung aswang man 'yon, wala akong kahit katiting na pake. Goodluck, sana buhay ka pa pagbalik ko." Tumalikod na ang dalaga at dire-diretsong naglakad palayo habang umaalingawngaw ang pagmamakaawa ni Rico na huwag siyang umalis.
Tumigil na sa pagsigaw si Rico nang hindi niya na maaninag ang dalaga.
Mabibigat ang hingang pinapakawalan ni Rico habang dilat ang matang nililibot ang paligid. Hindi rin nakatulong ang nakakabinging katahimikan na mas lalong nagpapakaba sa kanya. Kaya naman nanatili siyang gising hanggang lumiwanag.
Tila nabunutan ng tinik ang binata nang lumiwanag na dahil iniisip niyang hindi lumalabas ang mga aswang sa umaga. Mabigat na ang mga talukap ng mga mata niya dahil sa puyat. Papikit na siya nang magising siya ng mga papalapit na yapak sa direksyon niya.
Kahit tila umuurong ang dila ay humugot siya ng lakas ng loob para magsalita, "Sino 'yan? Ikaw ba 'yan Aliya? Ang bilis mo namang bumalik?"
Mabilis ang tibok ng puso ng binata habang hinihintay na sumagot ang natigil na mga yapak. Saglit pa'y nagtuloy ang mga yapak na mas lalong nagpangatog sa kalamnan ng binata, "Sino 'yan?! Anong ginagawa mo dito?!"
Hindi na siya pinansin ng kung sino mang palapit sa kanya at tuloy-tuloy lang ang mga yapak kaya naman napapikit na lang nang mariin ang binata. Nang tumigil ang mga yapak at muling tumahimik ang paligid ay naghintay ang binata ng mga ilang segundo bago muling idilat ang mga mata. Ngunit pagdilat ay sumalubong sa kanya ang mukha ng matandang may taga sa kanang mata na pinagmamasdan siya.
"AAAAAHHHHHH!"
Sumigaw nang napakalakas ang binata dahilan para mabulabog ang mga ibon sa paligid. "HUWAG PO! AYOKO PANG MAMATAY! SPARE ME PLEASE! PLEASEE!" sunod-sunod pang sigaw ng binata bilang pagmamakaawa habang nangingilid na ang luha.
Tila hindi naman ininda ng matanda ang ginawa ng binata at tumalikod upang may hanapin na kung ano sa malapit. Unti-unting humina at tumigil ang pagsigw ng binata nang mapagtantong walang pakialam sa kanya ang matanda.
BINABASA MO ANG
Naniniwala ka ba sa Aswang?
Mystery / ThrillerMga kaso ng pagpatay dahil sa. . . aswang? Apat na magkakaibigan ang piniling magbakasyon sa probinsyang malayo sa siyudad. Kilala na noon pa ang probinsya sa mga kwentong aswang ngunit hindi nila inakalang ito ang bubungad sa kanila. Puno ng kalmot...