Kabanata 11: Ang Pagsisiwalat

44 5 0
                                    

Hinawakan ni Rico nang mahigpit ang braso ng dalaga at hinila patungo sa sasakyang dala ng kaibigang si Gelo. Hindi na nakapalag pa ang nanghihinang dalaga at nagpatangay na lang sa kung saan siya dinala ni Rico. Pinasok ni Rico sa likod ng sasakyan ang dalaga at dumiretso siya sa harap upang magmaneho.

"Anong ginagawa mo?" naginginig pa ang boses ng dalaga habang basa ng luba ang buong mukha. Napatingin din sa kaibigan ang nagugulimihanang si Gelo.

Seryoso ang mukha ni Rico at mahigpit na hinawakan ang manibela bago magsalita, "Kailangan mong lumayo doon kasi siguradong babalikan ka ng mga pulis. Ibababa kita malapit sa hideout niyo." Nilipat niya ang atensyon kay Gelo bago magpatuloy, "Kukomprontahin natin 'yang put*ngina mong ninong at sasabihin natin sa mga pulis kung ano talagang nangyari." Hindi na nakaangal pa si Gelo nang mabilis na pinaharurot ni Rico ang sasakyan.

Matapos ibaba sa malayo si Aliya ay dumiretso naman agad ang magkaibigan patungo sa bahay ng Mayor. Napapalibutan ng mga pulis at sundalo ang paligid ng mansyon ng Mayor. Hinarangan sila ng ilang sundalo na makapasok ngunit nang mapagtantong sina Gelo at Rico ang nasa loob ay pinatuloy din. Nang makapasok ay mabilis na lumabas ng kotse si Rico at galit na dumiretso sa pinto papasok. "Mayor!" galit niya pang sigaw na dumagundong sa buong mansyon. Namumula ang mga mata ni Rico habang mabilis ang mabibigat na hinga. Nang hindi makatanggap ng sagot mula sa unang tawag ay nag-angat ng malapit na upuan si Rico at galit na ibinalibag ito, "Mayor! Lumabas kang put*ngina ka!"

"Rico!" pabulong na saway pa ni Gelo sa kaibigan pagpasok sabay sara ng pinto upang hindi nila matawag ang pansin ng mga pulis at sundalo sa labas. Hinawakan ni Gelo ang braso ni Rico upang pigilan ito ngunit pinagpag lang ito ni Rico at patuloy na nagsisisigaw. Naglabasan na rin ang mga kasambahay at ilang bodyguard ng Mayor upang pigilan ang binata ngunit nagpumiglas lang ito at patuloy na nagsisisigaw.

Natigil lang si Rico nang magpakita na ang mayor mula sa ikalawang palapag, sa taas ng malaking hagdan. Marahan siyang bumaba ng hagdan nang hindi tinatanggal ang tingin sa binata. Inayos ng Mayor ang binalibag na upuan ni Rico bago magsalita, "Pinatuloy ko kayo sa bahay ko, pinalamon, pinagbigyan sa mga hiling niyo... pinagtakpan ko pa ang krimen niyo." Pinanliitan ni Mayor ng mata si Rico, "Anong karapatan mong magwala at mura-murahin ako sa sarili kong pamamahay?"

"Mamamatay tao kang gag* ka!" Nais lapitan ng nanggagalaiting si Rico ang Mayor ngunit hindi niya ito magawa dahil sa tatlong bodyguard na pumipigil sa kanya. Nagtaas ng kilay ang Mayor at tinuro ang sarili bago magsalita, "Ako? Sinong pinatay ko?"

"Pinatay mo 'yong inosenteng matanda. Pinatay mo 'yong mga magsasaka para makuha 'yong lupa nila! You son of a b*tch, you deserve to burn in hell! I'll f*cking kill you!" Sinubukang magpumiglas ng binata ngunit agad siyang sinuntok ng isang bodyguard sa likod at pagkatapos ay hinampas naman siya sa binti dahilan para mapaluhod siya sa sakit.

"I don't even know what you're talking about."

Nanginig si Rico sa galit at inangat ang tingin sa Mayor. "Alam mong pinaghihinalaang aswang 'yong matanda kaya nilagay mo 'yong bangkay do'n. In that way, madaling mababaling 'yong galit at sisi sa matanda kasi naniniwala 'yong mga tao dito na totoo 'yong aswang. Sinugod ng mga tao 'yong matanda. Sinunog 'yong bahay niya at ngayon wala na siya!" Nagbabadya nang tumulo ang luha sa namumulang mga mata ng binata.

"Oh, my condolences," sarkastikong banggit pa ng Mayor. "Pero at least ligtas kayo sa kulungan 'di ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Rico sa galit, "Demonyo ka! Papatayin kita!"

"At hindi ako 'yong pumatay, 'yong mga tao. Sa kanila ka magalit."

"Eh paano 'yong mga magsasakang pinatay mo?!" Nilibot ni Rico ang tingin sa mga taong nasa loob. "Kayo? Hindi niyo ba sila kilala? Hindi ba kayo nakokonsensya na pinatay ng gag*ng pinagsisilbihan niyo 'yong mga kababayan niyo?!"

Naniniwala ka ba sa Aswang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon