Chapter 1
Tila wala nang bagay ang libre sa mundong ito na kahit kaligayahan ay may kabayaran. Ni hindi ko maintindihan bakit kailangan ko ng kasama o kaibigan para maging masaya. Why can’t I make myself happy? Why am I not contented being alone?
Bakit kailangan kong maging bulag at tanga para lang maramdam ang saya…at na hindi ako nag-iisa?
“Sama ka sa amin bukas? Punta kami shopping mall,” ani Bea.
“Sure,” sagot ko habang inaayos ang backpack, handa nang lumabas ng silid dahil may naghihintay.
My other friends looked at me with so much amusement playing on their faces. Ngumuso si Crystal. “Pasasamahin ka namin basta lilibre mo kami? Mayaman ka naman, e.”
Ngumiwi ako at ang cell phone na naman ang inatupag. There’s a message from Earl. “Nilibre ko na kayo noong isang araw, ah,” sabi ko sabay basa sa mensahe ng lalaki.
From: Earl
Bumili ako saglit ng calamares kaya wala ako sa gate ng school ninyo baka hanapin mo ako. May gusto ka bang kainin?My lips protruded as I typed in my response.
To: Earl
I don’t eat street foods.From: Earl
Oo nga pala. Pasensiya na, hindi ko pa kasi suweldo kaya hindi kita mailibre kahit sa fast food chain man lang. Babawi ako sa susunod. Pangako.To: Earl
It’s fine, you silly.“Alvea, ano na?”
Napabaling ako kay Mikhaela. “Huh?”
“Sino ba kais iyang ka-text mo at mukhang nawiwili ka?”
“Uhm…” Nangapa ako at kinabahan nang dumapo ang tingin nila sa cell phone ko. Bago pa man ako makapagsalitang muli ay nakiusyuso na sila.
“Oh, my… may boyfriend ka na?”
Nangunot ang aking noo. They looked at me, suspicious. For some reason, I feel embarrassed. Binawi ko na ang cell phone ko bago pa man nila mabasa lahat ng usapan namin ng nobyo.
“Naku, may tinatago ka pala sa amin, ah. Engineering student ba iyan or law student? Sa’n nag-aaral?”
I sighed.
Bea squealed. “Alvea! Big time ba? Pakilala mo naman kami!”
Naningkit ang mata ni Crystal. “Baka pumatol ka sa mga cheap, ah. Tiyak na pera lang ang habol no’n.”
“Oo nga, saka high maintenance ka baka kapag nakita namin boyfriend mo, akalain lang namin na dog lover ka na,” si Mikhaela.
I licked my lower lip as I let their words digest in my system. Umiling ako. “Wala akong boyfriend. It’s just a some random guy.”
“That’s good, then. Nakakahiya sa circle natin na may boyfriend kang—”
“Stop it,” putol ko at sukbit sa strap ng bag sa balikat ko. “I’ll text you tomorrow, sasama ako.” Sabay alis ko.
Nang makalabas ng university ay natanaw ko sa lilim ng puno si Earl. Napailing ako at kinuha ang cell phone sa bag.
To: Earl
Umuwi ka na lang. Kasama ko ang mga kaibigan ko.Of course, I lied. I can’t believe I am doing this. Para lang hindi mandiri ang mga kaibigan ko sa akin!
From: Earl
Ganoon ba? Sige, mag-iingat ka, Alvea. Sa susunod na lang tayo magkita kung may bakanteng oras ka. Salamat pa rin sa time.
![](https://img.wattpad.com/cover/298818935-288-k861043.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Leave, Angelus (Affliction Series #4)
RomanceIndeed, falling head over heels for someone can make you do things you never expected you could. That's what happened to Alvea Ryss when she changed into someone she thinks Angelus is deserving of. But just when everything was going well, the whirl...