Chapter 9
“Hindi talaga akong makapaniwalang pauunlakan mo ang imbitasyon namin! Magkaibigan na tayo kung ganoon?”
Hinawi ko ang kamay ni Malessa na nasa braso ko at mataray siyang tiningnan. “Sumama ako, but that doesn’t mean we’re now friends,” katuwiran ko, ngunit mukhang walang epekto iyon sa kaniya dahil nakangiti pa rin siya.
Niyaya niya kasi ako kahapon na sumama sa barangay hall dahil maraming kagnapan dahil pista, makulit siya kaya wala na akong nagawa.
This is better than her ignoring me.
Gabi na at natagpuan ko ang sariling nakatayo sa gitna ng lipumpon sa barangay hall. Ah, so this is how they celebrate fiesta.
May nakahandang mesa ang bawat purok ng barangay sa magkabilang gilid ng bulwagan kung saan may kani-kaniyang pagkaing ambag para sa lahat. Hmm, malinis naman kaya iyong mga pagkain? Napangiwi na lang ako.
Nang hilain ako ni Malessa patungo sa ibang direksyon ay kinawayan ko na lang ang lola na nakikisabay na rin sa mga kasamahan. She looks having fun kaya hinayaan ko na.
“Pasensya ka na, medyo boring pa kasi katatapos lang noong palaro, pero huwag ka mag-alala dahil mamaya ang pinaka-exciting!” halakhak niya at pinaupo na ako roon sa monobloc.
Tahimik akong nagmamasid sa paligid habang nakikipagdaldalan ang kasama ko sa mga kaibigan. It’s okay, though. I can’t deal with her blabbering right now.
Lumipas ang kalahating oras at kahit papaano naman ay nawiwili akong panoorin ang kaganapan sa gitna kung saan may nagpe-perform.
“Oh, my goodness...” naiusal ko nang mahagip ng mata ang pamilyar na mukha. Nasapo ko ang noo. Posibleng narito nga siya, pero hindi ko inaasahang narito talaga siya!
Gumilid ako para magtago sana ngunit tumigil nang may natanto... bakit nga ba ako magtatago?! Ano namang pake ko kung nariyan siya, ’di ba? Bakit ba ako mag-aabala para sa kaniya? Psh, stupid Alvea.
“Sa wakas at narito na ang anghel! Geloy, akala ko ’di ka na naman makikisabay sa amin!”
Ah, this feels awkward kahit nagkita naman kami kahapon! Kaya naman naghanap ako ng pagbabalingan ng atensyon ngunit wala akong maisip kaya naman nagkunwari na lang akong nagpupulot ng basura sa sahig. Sa tingin ko naman ay hindi niya pa ako nakikita... aba’t sana lang! Hindi ko alam kung bakit ko nga ba ito ginagawa, pero pakiramdam ko ito ang dapat.
I licked my lips when I realized what I’m doing. Freaking ridiculous! Kanina pa ako nagpapanggap na may pinupulot kaya may mga dumadaan sa harap ko ang napapatingin din sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin.
Busangot ang mukha ko nang makitang marumi na ang kamay ko kahahawak sa sahig.Gusto ko na lang talaga mag-walk out kaya naman nang akmang gagawin ko na ang plano ay biglang dumilim ang harapan ko marahil ay may humarang sa ilaw na nakadirekta sa banda namin.
I looked on the floor just to see a
pair of poor slippers. May kutob na ako kung sino ito, pero gusto ko pa ring kumpirmahin kaya naman dahan-dahang umahon ang tingin ko patungo sa lalaking nasa harapan ko.Looking so cheap with his clothes on yet very handsome, Angelus stood in front of me with that manly scent he had. I sniffed. Ang bango no’n, pero siya ba talaga ’yon? May salapi pa ba siya para bumili ng pabango? Ipinilig ko na lang ang ulo sa pag-iisip at bumalik na sa kasalukuyan.
“Miss, wala talaga akong pakialam sa ’yo, pero nababahala akong mapansing sinisilip ng mga dumadaan iyang dibdib mo. Wala ka bang jacket diyan? Kung wala ay umayos ka na lamang ng upo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/298818935-288-k861043.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Leave, Angelus (Affliction Series #4)
Любовные романыIndeed, falling head over heels for someone can make you do things you never expected you could. That's what happened to Alvea Ryss when she changed into someone she thinks Angelus is deserving of. But just when everything was going well, the whirl...