Chapter 22
“Bakit hindi mo sinabi? Ganito na lang ba lagi, Angelus?” malambing kong sabi kahit gustong-gusto ko na siyang sigawan dahil sa galit. Bakit tuwing may problema siya, itinatago niya sa akin? At kailangan ko pang malaman galing sa iba!
Iniwasan ko siya ng isang linggo dahil kailangan niya iyon! Nagtiis akong hindi siya makita dahil baka ayaw niya sa presensiya ko. Nagpakalunod ako sa pag-aaral para lang mawala siya sa isipan ko kahit saglit.
But I’m utterly available when he needs me! When they need me because the moment I have loved Angelus with all my heart, they also became a family to me.
“Graduating ka na, Alvea. Kailangan mong mag-aral nang mabuti—”
“F*ck you! Alam ko! Nag-aaral ako nang mabuti, pero hindi ko naman ikababagsak kung sabihin mo lang iyong nangyayari sa ’yo!” Hindi ko na napigilan at sumabog na ako sa galit.
Nasa rooftop kami ng hospital at nag-uusap. Nang malaman ko iyon galing kay Earl ay sabay kami ni Malessa na bumiyahe patungo rito. Alam din pala ng huli, pero pinili niya ring huwag sabihin iyon sa akin. I was really mad, but I chose to calm down. Gladly I did.
“Pasensya na. Huwag na natin itong pag-awayan, mas mabuting umuwi ka na—”
Hindi ko napigilan at nasampal ko na siya sa pisngi. My tears rolled down my cheeks in frustration. Isang buwan ko siyang tiniis. Tiniis ko iyong panlalamig niya sa akin dahil alam kong nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng nanay niya! Marami siyang problema at hindi ko siya inabala dahil ayaw kong maging pabigat sa kaniya.
Napapagod na ako ipilit iyong sarili ko. Gusto ko siyang tulungan, but I was never an option!
Was it that hard?
“Tang ina ka, napapagod na ako sa kinikilos mo! Alam kong kaya mong tumayong mag-isa, pero narito ako! Gusto kong kailanganin mo rin ako sa ganitong pagkakataon, Angelus!”
Lumalabo na ang paningin ko dahil sa luha, pero malinaw sa akin ang dumaang sakit sa mata niya nang tingnan ako. Hindi man lang niya ako inimik.
And now, I doubted him. I doubted everything about him.
Mahal niya ba ako?
Mas lalong bumuhos ang luha ko sa katanungang iyon.
I never heard him say he loves me... but I felt it many times before. Or maybe I thought I did, so it wouldn’t hurt as it should?
Pinalis ko ang luha sa pisngi nang marinig ko ang pag-beep ng cell phone ko sa bulsa ng uniform. Nilubayan ko ang mata niya nang kunin iyon.
From: Daddy
Go home early once you are finished, sweetie. We’re having a dinner any time soon.
To: Daddy
Okay.
Noong isang araw lang ay umuwi na ulit sina Daddy para sa nalalapit kong graduation at birthday.
Isinilid ko na sa bulsa ang cell phone pagkatapos ay hinarap ko siya, medyo magaan na ang pakiramdam dahil sa ginawa at talagang drained din ako para makipag-away pa. “Umuwi ka, Angelus. Magpahinga ka, ako na ang magbabantay kay Arki—”
BINABASA MO ANG
Don't Leave, Angelus (Affliction Series #4)
RomanceIndeed, falling head over heels for someone can make you do things you never expected you could. That's what happened to Alvea Ryss when she changed into someone she thinks Angelus is deserving of. But just when everything was going well, the whirl...