Chapter 5
"Saan ka galing, Arki? Pagdating ko sa bahay ay wala ka na." Dumalo kaagad si Angelus sa bata at hinawakan ito sa mukha.Napairap ako. "Paanong hindi mawawala, e, hindi mo naman binabantayan? Imbes na tutukan mo ang kapatid mo, nandoon ka sa kapit-bahay mo at nakikipagharutan sa balon," pagpaparinig ko at sinadyang lakasan ang boses.
Nagtagumpay naman ako nang mapalingon siya sa akin, madilim na ang tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Hindi niya ako sinagot at muli lamang hinarap ang kapatid na inosente lang na nakikinig sa pangaral ng kuya niya habang iniinom ang choco drink.
"Hindi mo ba naalala ang turo ko sa 'yo? Dapat hindi ka nakikipag-usap at lalong sumasama sa mga hindi mo kilala... paano kung kunin ka noon, huh?"
Humalukipkip ako habang pinanonood ang mumunting eksena sa harap ko. I can't believe they are siblings. Then, I remember that little girl back in public market... Isabel? Kapatid niya rin iyon. Ang dami niyang kapatid kung ganoon. At saan nga ba ang mga magulang nito? I saw him doing different kind of job, hindi ba nagtatrabaho ang magulang nila? But then, I remember what Archangel said earlier. His father had already passed away, maybe that explains it... wait... ano naman ang pakialam ko? Bakit ko ba ito iniisip
At higit sa lahat bakit ko ba kinausap iyong bata kanina? E, 'di sana nakauwi na ako at higit sa lahat, hindi ko na makikita itong si Angelus!
I groaned. Ano nga naman kung makita ko siya?
"Kuya, hindi ko naman po nakalimutan. At saka hindi naman po masamang tao si Ate Ganda, mabait po siya!" masiglang sambit nito at nilingon pa ako para nginitian.
Sinuklian ko siya ng hilaw na ngiti dahil pansin ko sa gilid ang paglingon din ng kuya niya sa akin.
Umismid siya kaya tuluyan ko na siyang binalingan.
"Mabait?" he echoed as if he just heard the most unbelievable news. Tiningnan niya ako at naningkit ang mata, naninimbang. "Miss, ano ang pinakain mo sa kapatid ko't naging ganito?"
"Biscuit," pilosopong sagot ko.
"Ate Ganda, kilala mo na po ba ang kuya ko? Pogi po pangalan niya saka pati mukha. Tingnan mo, 'di ba po!" sapaw ng bata.
Napatiim-labi ako at nailing, natawa nang konti bago silipin ang mukha ni Angelus.
Mabilis namang napawi ang ngiti ko nang naabutan siyang nakatitig na sa akin, may multo ng ngiti sa labi.
I cleared my throat and looked at the kid instead. "Uh, I guess." Hilaw akong ngumiti. Guwapo siya, okay? I give him that. Pero mamamatay muna ako bago iyon sabihin sa kaniya. Malay ko ba na lumaki ang ulo ng iyong lalaking 'yon!
Pairap niyang iniwas ang tingin sa akin para kunin na ang kapatid at kargahin. "Iuuwi na kita."
"Paano po si Ate Ganda, Kuya?"
"Ihahatid ko na siya kaya iuuwi na kita sa bahay."
Napakurap ako. Ihahatid? Bakit?
Napasimangot kaagad ako nang maalalang tsuper nga rin pala ang isang ito.
"Puwede po sumama? Pakiusap, Kuya! Gusto ko lang makita kung saan bahay ni Ate!"
"Hindi puwede."
"Ngayon lang po! Hindi na po ako magpapasaway, isama mo lang ako!"
Humikab ako at aksidenteng may nahagip ang tingin sa gilid. Si Malessa ay mukhang papalapit sa amin. Nilingon ko ang lalaki. "Bakit ba ayaw mo na lang isama?" singit ko.
BINABASA MO ANG
Don't Leave, Angelus (Affliction Series #4)
RomanceIndeed, falling head over heels for someone can make you do things you never expected you could. That's what happened to Alvea Ryss when she changed into someone she thinks Angelus is deserving of. But just when everything was going well, the whirl...