Chapter 17

299 14 12
                                        

Chapter 17

“Uwi na kami.”

Galing sa pagdadaldal ay nahinto si Malessa at lumingon kay Angelus na handa na sa pag-alis. Suot na ang backpack na naglalaman ng mga gamit nilang magkakapatid, at sa magkabilang kamay naman ay hawak niya ang mga kamay ng kapatid.

Inayos ko ang sling bag ko at humakbang para mapantayan ang puwesto ni Angelus.

“Uuwi na kami,” I corrected, making him glance at me warily. Oh, ano problema nito? Kung makatingin parang may gagawin akong masama.

“Agad-agad?” protesta nito, mas nakuha na namin ang atensyon niya ngayon.

“Alam mo namang walang nagbabantay kay Nanay tapos gumagabi na rin,” paliwanag ni Angelus sabay tanaw sa kalangitan. Napatango ako bilang pagsang-ayon. The sun has already set below the horizon as the moon made its way to shine above.

“Ay, sayang! Alam mo ba narinig ko na uuwi raw si Kuya! Feel ko nga darating iyon mayamaya tapos kunwari gulat ako, ’di ba?” talak niya na sinapawan ko.

“May kuya ka?”

“Oo, nasa Maynila siya, nagtatrabaho!”

Dahan-dahan akong napatango. Magsasalita pa sana ako ng tumikhim si Angelus. Nilingon ko siya at hindi nakatakas sa aking paningin ang pagdududa sa mga mata niya.

“Bakit mo tinatanong, Alvea?”

I smirked and shrugged eventually to tease him more. “Bakit? Bawal na ba ma-curious?” Nilingon ko ang babae at nagpatuloy, “Guwapo ba?”

“Oo naman!”

Napatango ulit ako. I don’t care. Gusto ko lang asarin si Angelus. Panigurado rin namang walang makapapantay sa alindog ng lalaking ito. Nilingon ko si Angelus at naabutan na ang talim ng tingin niya sa akin. Umismid siya at hindi na nagsalita.

Nang matagumpay nang nakapagpaalam ay lumabas na kami sa resort patungo sa highway kung saan kami sasakay pauwi.

“Bakit ka sasabay? Puwede ka namang manatili roon at magsaya,” malamig na sambit ni Angelus habang nakatingin sa kalsada, nag-aabang ng sasakyan.

Napanguso ako, nagpipigil na ngumisi. Hindi naman ako ganoon ka-clueless o manhid para hindi maintindihan ang pagbabago ng mood niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na hawak ang kay Arki. Inagaw ko ang kamay ni Arki at hinawakan iyon sa isa kong kamay saka inabot ang kamay ni Angelus at ipinagsalikop iyon sa akin.

Napalunok ako sa kung anong kulisap na gumambala sa sistema ko. Angelus looked at me, shock and surprise were evident on his face.

Ngumisi ako at inihilig ang ulo sa kaniyang balikat. “Come on, Angelus. Huwag ka na kasi choosy. Tayo na, ah? Para maging valid ang pagseselos mo,” tuya ko dahilan para bawiin niya ang kamay sa akin at umatras para maiwasan ako. Hindi ko na napigilan ang matawa sa kilos niya.

Nang makasakay na kami ng jeep ay kinandong ni Angelus si Isabel at Arki sa magkabilang hita niya na ipinagtaka ko.

“Why don’t you let them sit here?” sabi ko, tinutukoy ang bakante sa pagitan namin.

“Mahal ang pamasahe, Alvea.”

“I’ll pay!” presinta ko. Kawawa kasi tingnan iyong mga bata at mukhang nahihirapan sa puwesto, at lalo na sa lagay ni Angelus. Hindi ba siya mangangalay niyan?

Umiling siya, iyong iling na talagang hindi mo siya mapapapayag sa kahit anong kondisyon pa. “Hindi, ako ang magbabayad.”

“Pero—”

“Alvea, huwag matigas ang ulo.”

Napasimangot ako sa pagsusuplado niya. In the end, wala akong nagawa kundi ang agawin na lamang si Arki at ikandong sa akin para hindi siya gaanong mahirapan. Poprotesta pa sana siya ngunit sinungitan ko na para hindi na siya umangal. Sa gitna ng biyahe, kahit siksikan at naiinitan, ay nakaramdam ako ng antok dahilan para mapasandal ako sa balikat ni Angelus.

Don't Leave, Angelus (Affliction Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon