Chapter 11
Naalimpungatan ako dahil sa sakit ng ulo. Gusto ko na lang umiyak dahil parang mabibiyak na ito. I tried to calm myself and regain my sanity. Nang pakiramdam ko ay kaya ko nang tiisin ay bumangon ako. I was welcomed by the fresh and cold breeze from outside of the window.
“Señorita, may balak ka bang bumangon o nakahimlay ka na lang diyan buong araw?”
Lola’s voice came from nowhere that’s when I realized she’s inside of my room.“La!” reklamo ko agad nang makitang tinatanggal niya ang kurtina sa bintana. She looked over her shoulder.
“Lalabhan ko ito dahil mukhang wala ka namang balak magpalit! Bumangon ka na at alas onse na! Nakung bata ka, hindi na talaga kita papayagang umalis! Lasing ka pa!”
At doon ko lang naalala ang mga pangyayari. Oh, goodness. Anong klase na naman ng gulo ang pinasok ko?
“Oh? Naalala mo na ba ang pinaggagagawa mo kagabi? Mabuti na lang at maaasahan si Angelus! O siya, bumangon ka na riyan at tutulong ka ngayong araw, huwag mo nang hintayin na kaladkarin pa kita pababa!”
Dala-dala ang mga kurtina ko ay lumabas na
siya ng kuwarto.Napahilamos ako sa mukha. Damn… si Angelus!
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko nang maalala ang huling memorya bago nawalan ng malay. Oh, my gosh. Did I really kiss him last night? Wow, the courage alcohol gives you, Alvea Ryss! I’m proud of you! Note the sarcasm, please.
Mabilis akong nagligpit bago pumasok ng banyo. Binabad ko ang sarili sa bathtub para mahimasmasan ako at sakaling mabura sa isipan ko ang mga pangyayari kagabi.
But unconsciously, I brushed my lower lip, and once again I was drowned with my thoughts. I... didn’t even regret that one.
Oh, my...
Napaahon ako sa tub at muntik pang madulas sa dulas ng tiles nang magmadali akong buksan ang shower at itama ang mukha roon.
Am I starting to... have feelings for him?!
No. No way. Just no freaking way.
Pinagsasampal ko na ang sarili sa naisip. Why would I feel something romantic... at sa kaniya pa talaga? I wonder what did that alcohol do for me to think ridiculous things like this.
Me liking Angelus? No! Never did I imagine liking someone like him... wait what?
Someone... like... him. Ah, right. In case you forgot your waiter ex-boyfriend, Alvea. Grabe, ni ngayon lang siya ulit sumagi sa isip ko. But
whatever! I won’t like Angelus...But why did I sound so defensive?
Bago pa ako tuluyang mabaliw ay nagbihis na ako at bumaba na. Inikot ko ang buong palapag sa baba para hanapin si Lola, at ngayon ko lang natanto na ang sakit sa ulo kapag ganito kalaki ang bahay. Hindi mo agad mahanap-hanap ang hinahanap mo nang hindi ka nahihilo.
May nakahanda ng pagkain sa hapag sa dining area ngunit wala sa paligid si Lola kaya naman napagpasyahan kong lumabas doon sa backdoor kung saan posibleng naroon ang matanda. Malamang nagdidilig na naman ’yon ng minamahal niyang mga halaman sa likod-bahay.
Ewan ko ba pero puwede nang tawagin itong mansion namin bilang Madrigal’s extensive garden dahil kahit saan ka lumingon may halamang makikita.
Wearing my usual white dress, I strode my way to the backyard to find my Lola’s whereabouts.
Nang makarating sa labas ay nakita ko siyang may kinakausap na lalaki, pero hindi lang bastang lalaki!
Kinusot ko pa ang mata dahil baka namamalikmata lang ako sa nakikita, pero totoo! Crystal clear, it’s Angelus!
![](https://img.wattpad.com/cover/298818935-288-k861043.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Leave, Angelus (Affliction Series #4)
RomanceIndeed, falling head over heels for someone can make you do things you never expected you could. That's what happened to Alvea Ryss when she changed into someone she thinks Angelus is deserving of. But just when everything was going well, the whirl...