Chapter 25
It’s not the love that failed... it was us.
I gazed at the window, the sparkle of the city lights gilded my face. Since we moved to New York, I did nothing but grieve for the love we failed to keep; to the relationship we failed to strengthen.
Inaamin ko na kahit labis ang galit na naninirahan sa puso ko ay may maliit na parte pa rin sa akin ang hindi siya kayang kalimutan... at tigilang mahalin. And it’s unfair. God knows how I always prayed to make me forget the memories with him because it tortures my being every second of my life.
I always ask myself why. Why do I love him to the extent that I feel like losing myself?
Love shouldn’t work this way, right?
Hindi lang ako nasaktan para sa sarili kundi para na rin sa amang sinusubukang pawiin iyong sakit na nararamdaman ko kahit na sa mismong sarili niya ay hindi niya magawa.
A knock on my door had me back to reality.
“Sweetie, you haven’t eaten anything earlier, so I made you some garlic chicken,” pasilip na sinabi ni Daddy sa hamba ng pintuan. Nang balingan ko siya ay tuluyan na siyang pumasok dala-dala ang tray.
“You okay?”
I just nodded. We both knew I was depressed, yet he’s doing everything he can to make me feel better. Tinutulungan ko naman ang sarili ko, pero minsan nakakalimutan ko lahat nang minsang maisip ko na saktan ang sarili. Pero kapag umaabot ako sa ganoong punto ay iniisip ko si Daddy. He needs me; we both need each other.
Nilapag niya sa table na katabi ko ang pagkain. Kinuha ko iyon at nang maamoy ay biglang bumaliktad ang sikmura ko. Mabilis ko iyong ibinaba at itinakbo ang distansya ng bathroom ko habang naduduwal.
Pinangingiliran ako ng luha habang nakaluhod sa harap ng inidoro, suka nang suka.
“Alvea, masama ba ang pakiramdam mo?” narinig ko ang nag-aalalang boses ni Daddy sa likuran ko.
I didn’t get the chance to respond when I continued vomiting while crying. Tuluyan na niya akong nilapitan at hinagod ang likod. “We’ll get you checked up. ”
I didn’t know what fate was trying to play but...
I found out that I am pregnant with Angelus’ child or should I say... children?
***
Nagising ako isang gabi nang sumasakit ang likod. At dahil hindi mapakali ay maingat akong bumangon sa kama. I saw a glass of milk on my side table and reached for it. Tumayo ako at nagtungo sa balkonahe ng kuwarto.
The moment I stepped outside, cold breeze hit my skin. Umiinom ako ng gatas habang nakatanaw sa city lights. Lumipas na ang ilang buwan at malaki na rin ang tiyan ko. And I felt like any minute from now my water will break.
So it did.
Napasigaw ako sa sakit nang makitang lumandas na ang tubig sa aking hita. I did a step backward to find a support. My eyes watered as my hands started to shake out of a sudden. Bigla ko na lang nabitawan ang basong hawak-hawak dahilan para mabasag iyon sa sahig. I looked down. The broken pieces made me sob. What the hell is happening?! Ganito ba kapag manganganak na?
Magkahalong pisikal at emosyonal ang sakit na nararamdaman ko. Para bang may parte sa akin ang nawala—ang naglaho.
“Daddy! ” sigaw ko galing sa balkonahe. “My water broke!”
Hindi nagtagal ay naisugod na ako sa hospital. At hindi nakatulong na nahihirapan akong manganak dahil sa kaiiyak. Not because of the physical pain.
Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. The last time I felt this excruciating emotional pain was when I walked out of his house... for good. And it’s killing me because I felt it again.
BINABASA MO ANG
Don't Leave, Angelus (Affliction Series #4)
RomanceIndeed, falling head over heels for someone can make you do things you never expected you could. That's what happened to Alvea Ryss when she changed into someone she thinks Angelus is deserving of. But just when everything was going well, the whirl...