Chapter 14
Akala niya ba lalayuan ko siya dahil lang sa sinabi niya? Oh, no. Sorry for disappointing you, Angelus. Hindi man lang ako natinag ni natakot sa iyo. Tingnan natin kung saan ka dadalhin ng pakikitungo mo sa akin. Sasagarin talaga kita.
“Neng, daan muna tayo sa elementarya at ihahatid ko lamang itong apo ko,” sabi ng driver, tukoy sa apo niyang nasa likuran niya. Tumango na lang ako at bumiyahe na kami. Lunes na at may klase na naman.
Papalapit na kami sa elementary school nang may nakita akong batang babae na naglalakad. Saktong huminto ang trisiklo malapit sa gate ng eskwelahan ay nagpaalam ako saglit at bumaba. Sinalubong ko ang bata at nakumpirmang si Isabel iyon.
“Ate Ganda! Bakit ka po narito?” magiliw niyang sabi.
Ngumiti ako sa kaniya at yumuko para ayusin ang ribbon ng kaniyang uniporme.
“Naglalakad ka lang? Hindi ka ba hinatid ng kuya mo?” tanong ko.
“Maaga pong umalis si Kuya para raw maghanap ng gamot ni Inay at saka po nasira kasi iyong bike namin kaya naglakad na lang po ako.”
Napakurap ako nang may maalala. “Bike?”
“Opo, nasira raw kasi ni Kuya at wala pa raw
kaming pera para ipaayos. Sa susunod na lang daw po.”Napatango ako, saglit na nag-isip. Shit, hindi kaya nasira iyong sira nang bike dahil sa pagsipa ko no’n? Boba ka talaga, Alvea! Ang irrational mo kasi na pati bike idadamay mo sa galit mo! Ibinalik ko ang tingin kay Isabel at ngumiti. “May susundo ba sa iyo mamaya?”
Umiling siya.
“Sige, ganito na lang. Ako na lang ang susundo sa ’yo, okay? Hintayin mo ako rito tapos... sama ka sa akin.”
“Saan po tayo pupunta?”
“Bibilhan kita ng bike.”
Nang matapos ang huling subject namin ay mabilis akong nagligpit ng gamit dahil paniguradong kanina pa naghihintay sa akin si Isabel.
“Ba’t ka ba nagmamadali?” si Malessa na kanina pa daldal nang daldal patungkol sa nalalapit niyang kaarawan.
“May lakad ako ngayon, mauna na ako,” paalam ko at halos lakad-takbo na ang ginawa para makalabas na ng eskwelahan. Pagkalabas ay pumara kaagad ako ng tricycle patungo sa eskwelahan ni Isabel.
Nakita ko ang sadya galing sa labas ng gate. Nakaupo siya sa isang pavement sa gilid malapit sa guard house. Pinaglalaruan niya ang palda at nang lumapit ako ay napansin kong umiiyak siya.
“Isabel?” hinihingal ko pang tawag sa kaniya.
Umangat ang tingin niya sa akin at mas lalo siyang umiyak. Umawang ang labi ko nang salubungin niya ako ng mahigpit na yakap. I sighed.“Ate Ganda... a-akala ko po hindi mo na ako susunduin…” hikbi niya.
Sinuklian ko ang yakap niya sa baywang ko at hinaplos ang kaniyang buhok. “Pasensya na. Ang tagal natapos ng klase namin. Sorry.”
Pinatahan ko muna siya at pinunasan ang luha bago ngumiti. “Babawi na lang si Ate. Kakain tayo sa masarap tapos bibilhan kita ng bike, ayos ba iyon?”
“T-Talaga po? Sige po!”
***
Sumakay kami ng jeep patungo sa siyudad. Hapon na at paniguradong gagabihin kami sa pag-uwi. Alvea, ano ba ang naisip mo at ngayon mo pa naisipang umalis?
“Baka pagalitan tayo ng kuya mo na iyon,” sabi ko sa kaniya sa gitna ng biyahe. “May telepono ba iyon para tawagan na lang natin.”
Umiling siya kaya dismayado akong bumuntonghininga. Wala ring telepono si Malessa kaya hindi ko siya matatawagan. Napaisip ako. Dahil malapit na ang debut niya ay ngayon ko na lang din siya bibilhan ng regalo dahil kahit papaano ay naging mabuti naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Don't Leave, Angelus (Affliction Series #4)
RomanceIndeed, falling head over heels for someone can make you do things you never expected you could. That's what happened to Alvea Ryss when she changed into someone she thinks Angelus is deserving of. But just when everything was going well, the whirl...