Chapter 3

320 11 0
                                    

Chapter 3

"Ayaw ko nga makipagkaibigan kaya puwede ba, tantanan mo ako?!" iritado kong sabi sa kaklase kong si Malessa.

"Grabe! Ganiyan ba talaga ka-sungit mga taga-Manila? Nakikipagkaibigan lang naman, hindi ka naman mapapahamak! At pangako, kapag tinanggap mo ang alok ko na maging kaibigan mo ay hindi ka magsisisi!" magiliw pa nitong kumbinsi sa akin.

Humalukipkip ako at sumandal sa upuan, mataman siyang tiningnan. "I said no."

"I said, yes."

"I said no. Bakit ka ba namimilit?"

"I said yes. Bakit ka ba tumatanggi?"

I exhaled and closed my eyes for a moment. Nang dumilat ako ay wala man lang nagbago sa ekspresyon ng kaklase at magiliw pa rin akong tinatanaw.

I shook my head in dismay. "Narito ako para mag-aral, at hindi para makipagkaibigan," malamig na sabi ko dahilan para unti-unting mapawi ang tuwa sa kaniyang mukha. Kaya ang naging resulta wala ako sa mood buong araw hanggang sa dumating ang oras ng uwian.

Hindi na rin sumubok na lumapit pang muli ang kaklase at iniwasan na ako. I rolled my eyes. Dapat lang, malay ko ba nakikipagkaibigan lang din siya sa akin para gamitin ako. I knew better now.


Pangalawang araw ko pa lang ay may nang-iistorbo na sa akin. Totoong mag-aral na lang nang mabuti at huwag na makipagkaibigan ang plano nang ma-enroll ako.

Sanhi na rin ng naging karanasan sa 'mga kaibigan' ko ay ayaw ko nang sumubok pa at baka mauto at traydurin lang akong ulit. 4th year na rin naman ako sa college at isang taon ay ga-graduate na kaya mabuting pag-igihan ko na lamang. I believe I can survive without friends now...

Or so I thought.

Uwian nang magkaroon ako ng problema. Ano ang sasakyan ko pauwi?! Oo, matanda na ako pero hindi ako sanay mag-commute. Kahapon, hatid-sundo ako ni Lola, pero ngayon hindi ko na alam! I totally forgot asking her earlier!

Napapadyak ako at napaupo sa pavement sa labas ng eskwelahan. Sanay akong may personal driver, pero hindi ako makauuwi kung hindi ako gagawa ng paraan ngayon dahil wala naman na ako sa Manila! Lalo akong napabusangot nang sumagi sa isip na hindi man lang ako naisipang bigyan ng sasakyan ni Daddy kung balak niya naman pala akong paaralin dito.

After contemplating, I decided to stand and just find a damn vehicle so I could go home. Bahala na. Frowning at this moment won't help me.

Sakto namang may pumaradang tricycle sa hindi kalayuan kaya hindi na ako nagsayang ng oras at naglakad na patungo roon. Nang mapaangat ako ng tingin sa tsuper ay kaagad nagbago ang isip ko. "Tss, siya na naman. Huwag na," bulong ko nang makita ko iyong lalaking kinaiinisan ko simula nang pagtungtong ko sa probinsya na ito.

Akala niya ba nakalimutan ko ang harap-harapang pamamahiya niya sa akin-pero wait! Napakurap ako at nilingon siyang muli. Namilog ang mata ko nang may natanto. Goodness gracious... hindi lang pala siya janitor, tricycle driver din siya!

Napailing ako at umatras. His dark brown eyes darted on me. Tinaasan niya ako ng kilay. I gritted my teeth for some unknown reasons.

"Uy, Angelus! Akala ko hindi ka mamamasada ngayong araw, e!" rinig kong sabi ng pamilyar na boses sa likod.

Pumihit ako para lingunin iyon at nakumpirmang si Malessa na naman iyon. I immediately frowned when her eyes found mine. Lumawak ang kaniyang ngiti. "Hi, Alvea! Pauwi ka na rin? Kung wala kang sundo ay sabay na tayo, please!"

Lumipat ang tingin ko sa driver at naabutan siyang suplado ang tingin sa akin. Nagkasalubong ang kilay ko. What the heck is this brute's problem?

"No, thanks," pairap na tanggi ko nang ibalik sa babae ang mata.

Don't Leave, Angelus (Affliction Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon