00.
Saglit na nilingon ni Asha ang may katandaang lalaki na nakatayo sa dulo ng hallway and even with the far distance they have, kitang-kita niya kung paano bumulusok sa galit ang mukha nito. Pinasadahan pa niya ito ng isang mapang-asar na ngiti saka muling tinakbo ang kahabaan ng hallway kahit alam niyang nakalagay sa student code na bawal iyon.
“MISS YANG! To the guidance office, now!”
Tila walang narinig si Asha at tinuloy pa rin ang pagtakbo sa gitna ng hallway sa kabila ng mga nagsisiksikang estudyante na tulad niya ay mga nagmamadali rin. Tanghalian na kasi kaya karamihan sa kanila ay nagmamadali lalo't madalas ang punuan sa school canteen.
Halos mahawi naman ang kumpol ng mga estudyante sa pagdaan ni Asha at ang bawat isa ay halos napapatingin pa sa gawi niya. Moises moment yarn.
It was a very common scenario for the students of the Philosophy Building, literally for most of the time. Ngunit ang mga ito'y mukhang hindi pa rin masanay-sanay sa kaganapang iyon.
Upon reaching the second floor ay nakita siya ni Chino, isa sa mga kaibigan ni Asha, na malamang ay kalalabas pa lang din galing sa classroom.
Nang mamataan siya nito ay lumawak ang ngiti ni Chino at masiglang kumaway, but Asha was so out of it at abalang nag-iisip ng magandang pagtataguan sa oras na makababa siya sa building, para mabigyan pa ng pansin ang kaibigan.
Agad nalukot ang mukha ni Chino nang makalampas si Asha sa kaniya ng hindi manlang siya nito nililingon. “The obesity para hindi ako pansinin, napakachaka talaga,” pagrereklamo nito sa sarili saka pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib at pinaningkitan ang dinaanang hallway ng kaibigan na animo'y may bakas ng pagkatao ni Asha na naiwan doon.
Mula naman sa first floor, hindi magkanda-ugaga si Asha kung aling direksyon ba ang tatahakin niya. Kung didiretso siya, ang main gate agad ang paniguradong bubungad sa kaniya at malamang ay naroon si kuyang guard (na hindi niya kasundo dahil madalas siyang walang dala na school ID). Kung kakaliwa naman siya ay hindi naman malayong makasalubong niya ang disciplinarian nila na siguradong rumuronda sa buong campus ngayon.
Lalong hindi niya pipiliin ang kumanan dahil naroon ang canteen at sa oras na ito ay mas pipiliin pa niyang humarap sa disciplinarian kaysa ang makipagsiksikan sa mga kapwa estudyanteng malamang ay mga gutom at akala mo'y 'di napakain ng isang taon. Isa pa, hindi rin niya kasundo ang tindera nila sa canteen dahil aniya ay parati raw siyang sinusupladahan nito.
Asha took a deep breath. Mukhang wala nanaman siyang choice kung hindi ang dumiretso sa likod ng building nila. Hindi naman niya maipagkakaila na iyon lang din naman ang takbuhan niya parati. Isa pa, hindi marami ang nakakaalam na mayroong daan papunta sa likod ng bawat building sa senior high school department, isa siya sa hindi karamihan na nakakaalam n'on.
She might be hardheaded and quite handy at most times pero wala pa naman siya sa puntong sukdulan na ang katigasan ng ulo. Kadalasan kasi sa mga estudyanteng tumatambay doon sa likod ng mga building ay 'yong tipikal na mga estudyanteng napariwara, may bisyo at kung tawagin niya ay mga sumobra sa kalandian. Luckily, Asha was still far from that.
Sa kabutihang palad, mukhang siya lamang ang tanging tao roon ngayon. Simula kasi n'ong kumalat ang balita na may mga estudyante raw na naninigarilyo roon ay pinagbawalan na ng mga faculties ang kahit sinong estudyante na doon magpunta. Since Asha had always been hardheaded, pumunta pa rin siya.
Hinila niya ang isa sa mga sirang armchair na nakatambak lang at doon naupo. Mukhang hindi nanaman siya makakakain ng tanghalian, dapat nga siguro ay pinagluto na lang niya ang kapatid kaninang umaga at iyon ang ibinaon niya para kahit papaano ay may nangungutngot siya.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Teen FictionAsha had always been headstrong and free-spirited with an insatiable curiosity who constantly challenges authority and pushes boundaries. She thrives on adventure and spontaneity, often finding herself in trouble due to her impulsive nature. When s...