08 : here comes the compensation.

42 10 23
                                    

08.

"Oh, tusok ko 'to sa mata mo e." Inabot ni Chino ang isang stick ng isaw kay Asha.

Agad naman niya 'yong hinablot at pinandilatan ang kaibigang medyo nagmamalasakit. Aambahan pa sana niya nang suntok si Chino pero agad itong nakaiwas.

"Kung sungalngalin kaya kita d'yan?" singhal ni Asha.

"Sige, gawa." Napangisi si Chino.

"'Wag na, sayang energy ko. 'Di ka worth it pagsayangan ng effort."

Pinanlakihan ni Chino ng mata si Asha saka madramang itinapat ang kanang kamay sa dibdib kaya nagmukha itong kakanta ng lupang hinirang. Pagkatapos, dahan-dahan pa nitong itinikom ang kamay na nasa dibdib at iniwang nakaangat ang panggitnang daliri habang hindi pa rin nabubura ang ngisi sa labi.

Kumagat si Asha sa hawak nitong isaw na galing kay Chino at hindi pinansin ang kagaguhang ginawa ng kaibigan. Kanina pa kasi itong namimikon magmula nang pumunta silang dalawa sa canteen.

It was actually unusual, madalas kasi ay punuan ang canteen tuwing lunch nila pero ngayong araw ay hindi. May iilan na nagdadatingan at umaalis pero hindi tulad ng madalas na nangyayari, walang siksikang nagaganap at unahan sa pila para makabili ng pagkain. Mas tahimik ngayon.

Naisipan na ata ng principal nila na huwag pagsabayin ang lunch at recess ng junior high school at senior high school ngayon. Matagal na kasing maraming nagrereklamong estudyante tungkol doon noon. Hindi rin nila alam bakit ngayon lang iyon nabigyang pansin ng school's administration. Taon-taon naman na magulo ang canteen tuwing break ng mga estudyante. Ngayon lang talaga nila naisipang bigyan ng aksyon. Better late than never ika nga.

Mabuti na rin na ganoon para kahit papaano ay hindi na masyadong magulo sa canteen at hindi na rin sina Asha mahihirapan lumabas ng campus tuwing tanghali para lang makahanap ng kakainan. Nga lang, hindi na silang apat magiging sabay-sabay, bukod sa oras ng uwian dahil iba na ang recess at lunch break schedule ng junior high department kung saan naroon sina Aiden at Niko. Pati schedule ng senior high school na sina Asha at Chino ay iba na rin. Mas mauuna na ang junior high ngayon.

Humarap si Asha kay Chino. "Beh, isip ka nga ng pwede gawin pampalubag-loob," pangungulit niya rito.

Alam nito ang tinutukoy ni Asha dahil kwinento niya sa kaniya iyon kanina. "Tanga ka talaga kahit kailan. Gagawin-gawin mo 'yon ta's makokonsensya ka rin naman. Dapat 'di mo nalang kinulit 'yong tao." Inagaw ni Chino ang paubos ng isaw sa kamay ni Asha at siya na ang lumantak.

Napabuntong-hininga nalang si Asha. Matapos kasi nilang magpunta sa peryahan ay hindi na siya pinansin ni Vin kaya hindi niya maiwasan i-overthink ang nangyari. Akala pa nga niya ay ayos na sila dahil mukha namang nag-enjoy si Vin sa ginawa nila.

Malinaw naman na siya ang nanalo sa napag-usapan at si Vin naman ang nakaisip n'on kaso ay mukhang nagalit ito dahil wala silang natapos para sa chapter three ng kanilang research. Ang hindi ni Vin alam, nagpuyat si Asha kagabi dahil hindi pa rin kinaya ng konsensiya kaya iyon ang ginawa niya para mapagaan kahit papaano ang kaooban niya.

Ayaw naman sanang makonsensya ni Asha pero siya kasi ang nakaisip na magliwaliw at sinadya niyang dumiretso sila sa perya kasama si Vin dahil iyon talaga ang plano niya. Kung tutuusin nga ang iba nilang kaklase ay nagsisimula pa lang sa chapter two pero nakausad na agad silang dalawa sa chapter three. Ganoon ka-dedicated ang partner niya para sa project. Kaso, medyo salungat nga kasi sila ni Vin nang pananaw sa buhay.

Sumama ang timpla ng mukha ni Asha nang batukan siya bigla ni Chino. "'Tang ina mo talaga, Dela Peña. Namumuro ka na kanina pa, ha."

Nginisian siya ni Chino. "Hakdog," pamimilosopo nito.

Risk It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon