01.
"Alam mo, 'tol, good luck. Kayang-kaya mo yan. Research lang 'yon, si Vin ka," bulalas ni Third. Umakbay pa ito kay Vin para ipakita ang kunwari'y pagsisimpatya.
Sinuntok ng mahina ni Sy ang braso ng kaibigan dahil sa sinabi nito. "Naku, 'insan, 'wag ka magpapaniwala riyan kay Third. Inaasar ka lang niyan," panlulubag-loob naman ni Sy habang naaawang nakatingin sa pinsan na si Vin.
Vin only shook his head dahil sa pinagsasabi ng dalawang kaibigan. Kung sana ay kasama nila si Deo ngayon, baka pa may patutunguhan ang pag-uusap nila. Ang kaso nga lang ay college na ito kaya naiwan siya sa dalawang iyon na mukhang wala lagi sa huwisyo kausap.
"Ewan ko sa inyo," Vin uttered nonchalantly.
Mayroon pang ilang minuto bago magsimula ang mismong recess time nila pero ang tatlo ay nauna na agad sa canteen. Si Vin kasi ang pinakaunang natapos sa pa-surprise quiz ng guro nila sa subject na Entrepreneurship kaya maaga siyang napalabas. Si Sy naman ay isang student athlete at kagagaling lang nito sa practice, madalas pa ay exempted ang mga student athletes lalo kapag klase sa umaga.
Meanwhile, Third, reasoned out to his subject lecturer a bathroom excuse pero kalaunan ay dumiretso na sa canteen nang makita ang dalawa pang kaibigan na naroon. Dahilan nito, birds with the same feather, flock together daw. Walang punto pero hinayaan na lang ng dalawa.
Kumagat si Third sa hawak nitong cheese burger na halos wala namang cheese at panay ketchup. "Pero grabe rin mag-isip 'yang si Sir Panot na 'yan e. Pagsamahin ba naman ang top one sa klase at top one sa huli ng klase. Feeling nasa movie ampucha." Kasunod n'on ay ang isang malakas na hagalpak ng tawa mula sa kaniya.
Hindi pinansin ni Vin ang pinagsasabi ng kaibigan, binuklat na lang niya ang isang aklat nila sa Philosophy saka nagsimulang magbasa. May dala rin siyang notes sa Creative Non-fiction nilang subject dahil baka magkaroon din doon ng surprise quiz mamaya.
Mukhang mas apektado pa si Sy sa sinabi ni Third dahilan para sikuhin niya ito. "Tanga, mamaya may makarinig sayo na staff dito sa canteen ta's isumbong ka kay Sir Chua."
"Paki ko sa kanila tsaka ikaw Sy, ha, kanina ka pa namimisikal. Ano iskweran tayo?" kunwari'y panghahamon nito sa kaibigan saka sinuntok ang nakakuyumos na kamay sa kabilang palad.
Binigwasan ni Sy si Third dahil sa sinabi nito. "Madali akong kausap. Gusto mo pa dito na agad e."
Agad naman niyang inakbayan si Sy nang maalala nitong kagagaling nga lang pala ni Sy sa practice ng taekwondo kasama ang ibang players kani-kanina lang. Mahirap na dahil baka seryosohin nito ang pambibirong sinabi ni Third. Hilig pa naman nilang dalawa ang mag-upakan.
"'To naman 'di ma-joke time. Tanga syempre bakit sasayangin mo energy mo sa 'kin, e mas marami ka pang pwede balian ng buto sa ibang school. Sa kanila may gold medal ka, sa 'kin wala. Basag na bungo ko, wala ka pang gold medal. E 'di hindi 'yon win-win," paliwanag ni Third habang nakaakbay pa rin kay Sy at kung ano-ano ang pinagmumustra.
Sininghalan siya ni Sy, "Ulol, 'wag ako. Ang sabihin mo, takot ka lang sa 'kin."
Napangibit si Vin dahil sa pinaguusapan ng dalawa. Kahit abala sa pagbabasa ay nakikinig pa rin naman siya sa kung anong kabulastugan na pinaguusapan ng dalawang kaibigan.
Pinagpatuloy lang nila ang pagbabangayan at hindi naman sila inawat ni Vin. Ilang sandali pa, sa gitna ng pagkukulitan ng dalawa ay nagsidatingan ang ilang mga estudyante sa canteen. Napaangat ng tingin si Vin saka kinulbit ang dalawa at doon lamang sila natigil sa pagyayakapan ng leeg. Kapwa nagkatinginan si Sy at Third bago sabay na napangisi. Masaya nanaman ang dalwa dahil sila ulit ang nauna sa canteen kaya hindi na nila kailangan makipagsiksikan sa ibang estudyante na kararating lang. Then again, Vin shook his head at the two but still ended up with his mouth shut, not a word from him. Sanay na kasi.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Teen FictionAsha had always been headstrong and free-spirited with an insatiable curiosity who constantly challenges authority and pushes boundaries. She thrives on adventure and spontaneity, often finding herself in trouble due to her impulsive nature. When s...