09 : allergic to anything chaos related.

40 11 19
                                    

09.

"You can't lie to me. Si Aiden na mismo ang nagsabi, wala ka raw ginagawa riyan sa classroom at hindi ka raw sumabay sa kaibigan mo." Parang sinadya ni Vin na diinan ang salitang kaibigan.

Napaungot si Asha saka tinuktok ang ibabaw ng kaniyang desk. Nakaubob ito at balak sanang matulog dahil lunch na ata wala sana siyang balak lumabas dahil bukod sa hindi naman siya nagugutom ay tinatamad din si Asha na kumilos. Hindi rin ata nag-lunch si Chino dahil nasa practice ito at doon sumabay sa mga kapwa niya dancers. Kaso, bigla siyang tinawagan ni Vin at bago pa man siya makatapak sa mundo ng panaginip, naudlot na ito agad.

Ang akala kasi niya, hindi siya kukulitin ni Vin ngayong araw dahil mayroon daw meeting sa library ang dating naging member at kasalukuyang mga member ng student council sa lunch break at mamayang uwian. Alam naman niyang noong nakaraang taon ay vice president ng senior high school student council ito kaya obligadong pumunta si Vin doon. Nga lang, hindi pala tumagal ng kalahating oras ang meeting nila at mayroon pa silang natitirang kalahating oras bago matapos ang lunch break.

Si Vin, bilang isang matinong estudyante, naisip na tapusin ang naantala nilang paggawa sa chapter three noong nakaraang linggo. Sa kabilang banda naman, hindi iyon pinoproblema ni Asha dahil mas gusto nga niyang matulog kung wala naman ng klase.

"Pumunta ka na rito sa library." Napairap si Asha saka itinunghay ang ulo. "Ngayon na," dagdag pa ni Vin kaya sinamaan niya nang tingin ang cellphone na nakapatong sa desk at naka-loud speaker.

Halos wala ng tao sa classroom nila. Malamang ay mga naglabasan na at kumakain ng lunch sa canteen o labas ng school. Ang natira lang roon ay ang iilang mga kaklase niya na may incomplete ata na activity at paspasang gumagawa para makapagpasa bago mag-uwian at ilan ding mga na nagsitulog lang tulad niya.

"Pilitin mo muna ako." Kinuha ni Asha ang cellphone sa desk at inalis ang loud speaker para maitapat sa tenga bago siya humalumbaba habang tinatanaw ang open field mula sa bintana ng classroom nila.

"Bahala ka," halatang inis na sagot ni Vin bago siya binabaan ng tawag.

Napahalakhak nang mahina si Asha. Agad din itong tumayo at ibinulsa ang hawak na cellphone saka lumabas ng classroom.

Pupunta siya sa library hindi para tumulong kay Vin. Either she'd sleep there or she'd just mess up with him instead. She'd go for the latter. Wala sana siyang energy sa ngayon na mang-asar kaso bigla siyang nabuhayan ng loob.

Si Chino sana o si Niko ang gusto niyang asarin kaso ang mga kulatog ay parehong hindi niya kasama. Nang magpunta kasi siya sa classroom ni Chino ay hindi pa raw ito tapos sa practice sabi ng kaklase nito na naabutan niya roon. Wala sana siyang mapagkaabalahan kung hindi ang matulog. Ngayon ay mayroon na at iyon ay ang pagtulong sa kanilang research na labag naman sa loob niya.

—※—

Kukurap-kurap ang mata ni Asha habang kinukuskos sa ibaba ng mata niya ang daliring nilagyan niya ng vicks. Ilang minuto na siyang nakatayo sa pinto ng library, mabuti na lang at wala masyadong pumupunta roon dahil lunch break nga at hindi roon madalas tumambay ang mga estudyante kapag ganoong oras.

Panay ang pag-vibrate ng phone ni Asha na nasa sa bulsa niya. Malamang ay si Vin 'yon at kinukulit na siya nito tungkol sa research. Wala rin naman kasi siyang sinabi kanina na pupunta siya ng library. Basta na lang din siyang pumaroon ng walang pasabi.

Ramdam na niya ang nangingilid na luha sa mata. Mukhang naparami pa ang lagay niya dahil damang-dama niya ang hapdi, bigla tuloy niyang naisip na huwag nang ituloy ang binabalak at punasan na lang ng wet wipes ang mukha niya kaso ay wala pala siyang dalang wet wipes.

Risk It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon