07 : when she is carnival personified.

43 10 21
                                    

07.

Sandaling napahalakhak si Asha, "Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang pumayag ka na magplaza tayo."

"Asha, focus," Vin groaned which was followed by a deep sigh.

"Ay, oo nga pala. Malapit na talaga ako, promise!"

Agad na napatikhim si Asha saka muling pinaling ang ulo sa paligid. Sinusuri ang lugar para makahanap ng mas madaling daan. Nasa tenga ang isa niyang kamay, hawak ang cellphone at kausap si Vin. Ang isa naman ay may hawak na case folder na naglalaman ng ilang bond paper, ballpen at mga highlighter. Ayaw talaga niyang magdala ng laptop.

Alas nuebe pa lang ng umaga pero ang bukanang daan papasok sa plaza ay punuan na ng mga tao. Siguro ay dahil araw ng Sabado o baka dahil ngayon ang unang linggo na nakatayo roon ang peryahan. Sa rami ng tao ay hindi niya mamataan kung saan nakapwesto si Vin, and knowing him, paniguradong pinili n'on ang mas tahimik na bahagi ng lugar.

Kabi-kabila ang mga food stall sa entrance ng plaza. Mayroong nagtitinda ng mga streetfoods at palamig. Nanunuot tuloy sa ilong niya ang amoy ng mga nilulutong popcorn at mani. May ilan ding nagtitinda ng mga lobong makukulay na may iba't ibang desinyo. Nakakaakit sa paningin ang iba't ibang hugis ng hayop na mga lobo. Natawa pa siya nang makita ang isang batang babae na umiiyak sa harap ng cotton candy vendor dahil ang gusto raw nito ay 'yong kulay rainbow na hindi naman kayang gawin n'ong tindero.

Muling narinig ni Asha ang buntong-hininga ni Vin mula sa kaniyang cellphone dahilan para maagaw nito ang atensyon niya.

"We could still relocate since maaga pa naman at masyadong crowded dito."

Pwede naman siyang pumayag kaso hindi ni Asha ugali ang sumang-ayon sa kaniya. Mas pipiliin pati niyang ipilit ang kaniyang gusto kaysa ang i-consider ang suhestiyon ni Vin.

"Hindi na, 'no ka ba. Malapit na talaga ako. Saan ka ba nakapuwesto?" Pinasadahan ni Asha nang tingin ang bawat kiosk na kaniyang madaan kahit hindi niya makita ang pamilyar na mukha na hinahanap.

Karamihan kasi ay mga pamilyang magkakasalo o tulad niyang high school ang namamataan niyang nakapwesto sa mga kiosk. Marami talagang tao dahil bukod sa weekend ngayon, wala ring pasok ang mga estudyante kaya ganoon.

Saglit na natahimik si Vin bago ito nakasagot. "Far right corner, 'yong pinakamalaking kiosk dito sa may dulo, katabi ng kaymito. Wala masyadong tao."

Tumango si Asha kahit na hindi naman iyon nakita ni Vin. "Aye, aye!"

Pagkatapos n'on ay hindi pa rin pinatay ni Asha ang tawag. Sa halip, sinunod niya ang sinabi ni Vin at wala pang limang minuto ay nakita na niya ang sinasabi nitong kiosk sa may 'di kalayuan.

Sa kabutihang palad, nagawa naman niya kahit papaano ang makalampas sa karamihan ng tao kanina kahit halos maipit na siya lalo't hindi naman siya katangkaran. Mabuti na lang talaga at tahimik na bahagi ang pinili ni Vin puwestuhan.

Gaya nang sinabi ni Vin, malaki nga ang kiosk doon. Halata na rin ang kalumaan dahil sa nangingitim na semento sa ilalim at ilang crack na nakasira sa design ng mga mural painting na nakapinta sa ibabang bahagi. Mayroong concrete table sa gitna at tatlong nakakalat na upuang gawa sa plastic, ang isa ay inu-okupa ni Vin, pati ang pasamanong nakapalibot sa kiosk ay pwede ring magsilbing upuan, doon nakapatong ang bag ng laptop ni Vin.

Napukaw agad ng nakatutok sa laptop na si Vin ang pansin ni Asha. Abala ito sa ginagawa habang katabi ang cellphone at mayroong nakakaalibadbad na kunot sa noo ang itsura nito. Hindi siya nakita ni Vin dahil sa pinagkakaabalahan. Naisip nalang ni Asha na huwag munang lumapit kaya tumigil siya saglit sa kinatatayuan.

Risk It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon