11 : when the real havoc arrives.

30 6 6
                                    

11.

“How's school, Aiden?”

Ibinaba ni Aiden ang hawak na kutsara at tinidor saka alanganing hinarap ang ina na siyang katapat niya ng pwesto sa mahabang dining table nila. Saglit niya pang tinapunan nang tingin si Asha at napahinga ng malalim bago tuluyang nakasagot sa tanong ng magulang.

“Ayos naman po,” Aiden answered casually.

Tumango ang ama nilang nakasalikop ang mga kamay sa nakapatong na lamesa, his overall pneuma screamed authority. “I heard from your homeroom teacher, representative ka raw ng school ninyo para sa regional quiz competition. What subject was it again?”

Aiden tried smiling. “Math and Science po.”

Their mother clapped softly, obviously pleased with Aiden's achievement. Lagi namang natutuwa ang magulang nila kay Aiden. Laging si Aiden. Walang bago.

Lihim namang napangibit si Asha na kanina pang tahimik sa gilid ni Aiden, ang kanina pang sentro ng atensyon ng mga magulang nila. Para itong bida sa isang stage play na tanging tinutuunan nang pansin ng mga manonood habang si Asha ang extra na isang puno ang karakter at halos wala ng ganap.

Kung titingnan mula sa tayo ni Asha, sobrang out of place niya. Black sheep ika nga nila. Iyon naman ang role niya sa pamilya kaya hindi na rin siya masyadong apketado lalo't nasanay na.

Si Aiden naman ay pilit na napangiti. Ni hindi nga siya sigurado kung maipapanalo niya ang competition na iyon dahil si Vin naman talaga sana ang representative. Ang kaso, bigla na lang itong nag-back out at sinabing siya na ang pumalit. Hindi naman nakatanggi si Aiden.

Hindi pa man tuluyang nakakain ni Asha ang steak niya nang mabitin ito sa ere dahil sa biglang pag-imik ng kaniyang ina at ang masama pa n'on ay siya pala ang kausap nito. Ibinaba niya ang tinidor saka hinarap ang ina niyang mukhang maraming baon na sermon sa kaniya, halos kalahating taon na rin kasi mula n'ong huli niya itong nakita't nakausap.

“How about you, Ashanti? Anything you might want to tell us?” Para itong kumakausap ng empleyado at humihingi ng weekly report para sa sales ng kompanya.

Nag-aalalang nilingon ni Aiden ang kapatid. Inabot niya ang pulsuhan ni Asha mula sa ilalim ng lamesa para ipaalam sa kaniya na huwag na siyang magsalita kung ayaw niya at ito na lang ang bahala. Alam niya ang pinapahiwatig ni Aiden kaya nginitian niya ito bago pinalis ang kamay na nakahawak sa kaniya.

Hindi naman kasi pwedeng si Aiden na lang parati ang sasalo sa kaniya sa tuwing naiipit sila sa sitwasyon kapag nariyan ang kanilang magulang. Kung mayroon mang gagawa n'on ay dapat si Asha dahil iniisip niyang siya ang nakatatanda at dapat na umaalalay sa kapatid. Not the other way around.

Huminga nang malalim si Asha bago binigyan ng matamis na ngiti ang ina kahit labag sa kalooban. “Wala naman po akong sasabihin. Alam niyo naman na po siguro ang mga pinaggagawa ko, 'di ba?” she emphasized with a not-so-convincing smile, trying to hide the sarcasm.

Si Aiden ay napayuko at kulang na lang ay lumubog na sa kinauupuan habang ang ama nilang nakikinig ay dismayadong napailing. Halata naman sa mukha ng ina niya ang pagkamangha, hindi magandang pagkamangha.

Napakadalang ng pagkakataon na sasagutin ni Asha ng pabalang ang mga litanya ng kaniyang magulang dahil ayaw nga niyang palalain pa ang sitwasyon at ayaw rin niyang gumawa ng eksena lalo't bihira lang naman silang makompleto. Ang isa sa mga napakadalang na pagkakataon na iyon ay ngayon.

The amused look on her instantly vanished as the lady diverted her gaze back to Aiden, probably shrugged off what her daughter just said. Nakahinga ng maluwag si Asha dahil doon. Akala kasi niya ay may kasunod pang panenermon ang gagawin nito.

Risk It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon