05.
"Aware ka naman siguro na wala kang ka-substance-substance, 'no?" Binuksan ni Asha ang hawak na bote ng mineral water at saka hinarap si Vin.
Tumango ito sa kaniya. "I get that a lot, but that doesn't mean mapapapayag mo ako," sagot niya pa saka tumingin kay Asha. He was dead serious.
Nag-thumbs down si Asha sa kaniya. "Boo!"
"You're absurd." Naiiling na tingin ni Vin kay Asha na naka-thumbs down pa rin at panay ang pang-bo-boo.
Kahapon pang nangungulit si Asha mula nang magpunta silang dalawa sa Mang Inasa. Hindi naman sang-ayon doon si Vin lalo't wala siyang panahon ngayon na gumawa ng kung ano-anong bagay na magdi-distract sa kaniya sa pag-aaral.
Oo nga't gusto niyang pilitin si Asha na tumulong para sa ikabubuti ng research nila at para na rin sa ikabubuti nito mismo. Nga lang, hindi pa siya ganoon kadesperado para pumayag sa alok nito. Isa pa, hindi rin naman niya alam kung ano bang pahiwatig ng suhestiyon ni Asha sa kaniya.
Umupo siya sa isang bench na nadaanan nilang dalawa at agad namang tumabi sa kaniya si Asha. Lunch break na kasi at himalang hindi nito kasama ang mga kaibigan, ayon din kay Aiden ay madalas itong nasa likod ng building nila kaya mukhang desidido nga talaga si Asha sa naiisip niya ngayon para sundan siya.
Inilabas ni Vin ang isang aklat niya sa Entrepreneurship at nagsimulang magbasa. Hindi niya pinansan ang pagpalatak ni Asha sa tabi niya dahil sanay naman na siya sa ingay lalo't parati namang malalakas ang boses ng dalawa niyang kaibigan na sina Third at Sy.
Umungot si Asha. "Pumayag ka na kasi, dali. Alam mo bang pinagpuyatan ko 'yong paghahanap ng RRL kagabi para sa chapter two natin. Tapos ano, babayaran ko rin 'yong libre mo sa 'kin kahapon, peksman. Hindi pa naman ako mahilig gumastos pagdating sa pagkain kasi mas gusto ko libre pero para sa 'yo magbabayad ako. Oh ano, payag ka na?" pangungumbinsi pa niya.
"As you should." He referred to the RRL na pinagpuyatan daw ni Asha. "Tsaka, hindi ko kailangan ng bayad. That was my treat. Libre ko. So, still a no," he continued.
Nagusot ang mukha ni Asha. "E 'di ikaw na rich kid."
He glanced her with disbelief. "Coming from you?" sagot nito kay Asha.
"Utot mo rainbow." Inirapan siya ni Asha. "Ih, dali na kasi. Magiging beneficial naman siya sa 'tin parehas e. Ayaw mo bang magkaroon ng social life?"
Umiling si Vin. What's the point anyway? Napabuntong-hininga si Asha bago siya sinamaan nang tingin.
"Bakit ba gusto mong ipilit 'yon? Hindi ba pwedeng gumawa ka na lang ng parte mo sa research ng matiwasay? You're not living in a movie, Ashanti. You can't always act like a protagonist that wants to change the world and be different." Napapikit ng madiin si Vin saka isinara ang hawak na aklat.
The side of her lips twitched. "Ayan, ayan 'yong dahilan. Masyado kang negatron e. Eusebio, loosen up din minsan. Hindi lang sa grades at aral umiikot ang mundo."
Vin shook his head with disbelief plastered all over his face. "You don't know me." Tumayo ito para iwan si Asha mag-isa sa kaniyang puwesto.
Napahinga naman ng malalim si Asha. Iniunat saglit ang katawan at tumayo na rin para muling sundan si Vin. Pansin na nga rin niya kanina pa ang mga estudyanteng napapatingin sa kanila pareho pero pinagsawalang-bahala niya lang ang mga iyon. Parati naman siyang nakakaaagaw ng atensyon. Sanay na siya at alam niyang dahil iyon sa hindi magandang reputasyon niya.
Vin was the same, sanay din naman itong maging sentro ng atensyon. Pero at least siya, maganda ang na-build niyang imahe para sa sarili. Hindi tulad ni Asha na puro kahihiyan lang.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Dla nastolatkówAsha had always been headstrong and free-spirited with an insatiable curiosity who constantly challenges authority and pushes boundaries. She thrives on adventure and spontaneity, often finding herself in trouble due to her impulsive nature. When s...