14.
Magkasabay na lumabas ng airport si Asha at Aiden at kapwa sila nakahinga nang maluwag. Kahahatid lang kasi nila sa kanilang magulang na aalis na ulit ng bansa kahit ilang araw pa lang ang naiitigil sa kanila. Ganoon naman ang mga iyon parati at nasanay na lang din sila sa naging set up ng pamilya.
Habang hinihintay ang pagdating ng susundo sa kanilang kotse, nilingon ni Aiden ang kapatid. "Are you sure you're fine, Ate?"
Bahagyang napangiti si Asha at tiningnan ang kapatid para sumagot, "Oo naman. Sanay na pati ako. Wala naman ng bago sa kanila."
"Kahit na. This was the first time that you tried standing up for yourself. Nag-aalala lang ako sa posibleng gawin nina Mom at Dad." Napahawak nang mahigpit si Aiden sa pulsuhan ng kapatid. He was genuinely worried.
But Asha laughed. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ng kapatid at saka ginulo ang buhok nito. "Kahit naman galit sa 'kin 'yong mga 'yon, wala naman silang magagawa. Tingnan mo, kahit ang daming masasamang report ng mga teachers sa kanila, wala naman silang ginagawa. Mas mahalaga ang negosyo nila kaysa sa 'tin."
Aiden sighed at the thought. His sister was right. No matter how many accomplishments he'd attained at school or how much ruckus his sister would make, their parents wouldn't care less.
Sa katunayan, ang pamilya nila noon ay tulad lang din naman ng mga karaniwang pamilya. Kompleto, masaya, at mapayapa sa piling ng isa't isa. However, when their business started skyrocketing, the family started falling apart.
Siguro ay doon nagsimula ang pagrerebelde ni Asha. She never felt pressure growing up, pero nang magkaisip siya, her parents would often force her to different workshops. Hoping to develop a talent that her parents can somehow mold into a prodigy. But it never happened.
They then resorted to Aiden. He was a natural ace so he was never really forced to anything.
Narinig ng magkapatid ang pagbusina ng kotse na pumarada sa tapat nila. It was their cue to go home.
—※—
"You're parents left?" Nakatutok si Vin sa laptop niya nang sabihin iyon.
Nasa klase sila ni Sir Chua ngayon, ibig sabihin ay gumagawa na naman sila ng walang katapusang research.
Ang nakaub-ob na si Asha ay agad napatunghay dahil sa narinig at kalaunan ay nangunot ang noo dahil sa pagtataka. "Paano mo nalaman?"
"I was with Aiden earlier. Humingi siya ng notes para sa quiz competition kaya nabanggit niya." Napa-'ah' naman si Asha dahil naalala niyang umalis nga pala si Vin kaninang umaga.
Kahapon kasi umalis ang mga magulang nila at hanggang sa makauwi ay hindi siya tinantanan ni Aiden sa pagtatanong kung sigurado bang ayos lang talaga siya.
Sa katunayan, gusto sana ni Asha na sagutin ang kapatid at sabihin na sobrang ayos lang dahil kung tutuusin ay mas gusto pa niyang wala ang mga magulang nila para manduhan sila sa lahat ng bagay kaysa kapag nariyan. Mas nagmumukha kasi silang utusan imbes na mga anak.
"So, how are you?" pangangamusta ni Vin. His voice sounding a little too hesitant.
Sa pagkakataong ito, hindi maiwasan ni Asha ang mapabulalas ng tawa pagkaharap niya kay Vin kaya nasaway siya ni Sir Chua. Napaiwas naman ng tingin si Vin at muling itinuloy ang ginagawa. Bigla ata itong nagsisi sa pangangamusta na siya namang mas nagpaaliw kay Asha.
"Wow naman, concerned ka na sa 'kin 'no?"
Vin rolled his eyes. "I was just asking."
Muling tumawa si Asha, medyo mahina na, saka pabirong siniko ang katabi na si Vin.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Dla nastolatkówAsha had always been headstrong and free-spirited with an insatiable curiosity who constantly challenges authority and pushes boundaries. She thrives on adventure and spontaneity, often finding herself in trouble due to her impulsive nature. When s...