10.
“Naks naman, iba talaga kamandag ng isang Ashanti Yang.” Siniko ni Chino ang braso ni Asha habang madramang pumapalakpak si Niko sa gilid at umaaktong audience.
“Baka Asha 'to,” Asha replied with a smug look kahit ang totoo ay nakokonsensiya pa rin talaga siya sa mga nangyari kahapon.
Napahagalpak nang tawa si Chino at Niko saka sabay na nag-apir. Nasa waiting shed sila at nag-iintay ng tricycle na masasakyan pauwi dahil labasan na at kagagaling lang nila sa tuhog-tuhog.
Kwinento ni Asha ang tungkol sa pagka-cutting niya kasama si Vin kahapon. Noong una ay hindi pa naniwala ang tatlo dahil imposible raw na mapilit niya iyon. Pero nang ipaliwanag ni Asha ang buong kaganapan, doon lang sila tuluyang napaniwala.
Matapos kasi nilang kumain kahapon, hindi na sila nakabalik sa school dahil bukod sa late na sila at nasaraduhan na ng gate, sa guidance o principal's office pa ang bagsak nila pareho. Iyon pa naman ang pinaka-iniiwasan ni Vin na mangyari sa ngayon. Masyadong risky. Hindi niya pwedeng dungisan ang record niya ngayon. Not now, not ever.
Sa huli, si Vin na lang din mismo ang nag-aya na samahan siya nito sa National Book Store dahil may bibilhin daw siyang aklat. Bilang isang cool kid, sang-ayon na sang-ayon siya sa ideyang susulitin na nilang dalawa ang cutting.
Kapwa humagalpak pa lalo nang tawa si Niko at Chino nang idagdag ni Asha ang detalye na naka-uniform sila kahapon at marami ang napapatingin sa kanilang dalawa. Kahit si Aiden na ayaw ang ganoong ugali ni Asha ay hindi rin maiwasang matawa.
Asha's laughter subsided, it later on turned into a small smile. A weak smile, actually. Bigla siyang may naalala e. Agad naman iyong napansin ni Aiden.
“Ate,” Aiden mouthed with no voice.
Hindi naman iyon napansin ng iba bukod kay Asha na binigyan lang siya ng isang siguradong ngiti para ipahiwatig na ayos lang siya. Although, Aiden knew better. Alam niyang hindi ayos ang kapatid.
Alam ni Aiden ang rason.
Tumawag ang magulang nila kagabi sa landline number ng bahay nila. Ginagamit nila iyon for family matters at bukod pa ang personal numbers ng bawat isa. Kahit hindi talaga alam ni Asha ang personal na contact number ng mga magulang nila. Wala rin naman siyang balak alamin.
Tuwing uuwi kasi ang kanilang mga magulang ay tumatawag iyon isang linggo bago dumating. Halos once every six months nga lang ata umuuwi sa kanila at napakadalang nilang lahat na makompleto.
Masyadong abala ang mga iyon sa negosyo nila kaya madalas silang ihabilin sa mga katulong ng kanilang bahay. Ayaw ni Asha ng ganoon dahil parati raw may nakatingin sa kilos nilang dalawa, mahirap makakibo nang maayos dahil isang mali lang, mapupuna agad.
Mabuti na lang at napakiusapan ni Aiden ang kanilang mga magulang na huwag na mag-abalang bigyan sila ng katulong. Pinangako rin ni Aiden na siya ang bahala sa kanilang dalawa at sisiguraduhin niyang walang masamang mangyayari.
Isa iyon sa mga pinagpapasalamat ni Asha. Hindi niya alam ang gagawin kung wala ang kapatid sa tabi niya parati. He always saves the day. Kahit mas bata ay iyon pa ang tumatayong magulang para sa kanilang dalawa.
Unlike Aiden, wala siyang lakas ng loob na humarap sa magulang nila. Mas pipiliin pa niyang manahimik na lang at 'di mapansin kaysa ang mapuna parati. Ayos na rin naman na si Aiden lang din ang madalas kumakausap sa mga iyon. Hindi na niya gugustuhin pang makisawsaw. Wala rin naman siyang masasabing maayos, wala siyang maipagmamalaki sa sarili.
—※—
“Eusebio,” tawag ni Asha habang inuunat ang binti na kanina pang naka-indian seat.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Novela JuvenilAsha had always been headstrong and free-spirited with an insatiable curiosity who constantly challenges authority and pushes boundaries. She thrives on adventure and spontaneity, often finding herself in trouble due to her impulsive nature. When s...