13 : when things are out of the box.

29 4 0
                                    

13.

Abala si Asha at Vin sa pagf-finalize ng chapter three sa research nila nang dumating si Third at Sy na kapwa hindi makapaniwala sa nakikita nila. Medyo nagtaka lang ang dalawa nang malamang sa canteen sila gumagawa ng research imbes na sa library. Although, by this time, Vin's already used to Asha's weird choice of locations.

What confused the two guys more was the fact that Asha and Vin seem to be getting along just quite well. Malayo sa unang impression nila kay Asha na mukhang ang gusto lang noon ay hamunin ng walang sawang away si Vin.

Nang mapansin ni Asha ang presensya ng dalawang binata, agad niyang siniko ang katabing si Vin para ipahiwatig na naroon ang mga kaibigan nito. Vin glanced at the two with a blank look habang parehas siyang pinanlilisikan nang tingin ni Sy at Third, hoping for an explanation but he shrugged them off.

Dahil sa inasta ni Vin, his two friends decided to mingle with his research partner, Asha. Nagtaka naman si Asha sa biglaang pag-upo ng dalawa sa bakanteng upuan sa harap nila kaya agad niyang inipod nang kaunti ang laptop niya at ilang papel na nakakalat sa lamesa nila para bigyan ng espasyo ang dalawa.

Vin was more than pleased earlier upon seeing Asha with a laptop. Sa tagal nilang magkapartner sa research, ito ang unang beses na nagdala ito ng sarili niyang laptop. So when Asha asked which location would they finalize their research on break time, agad namang sinabi ni Vin na siya ang bahalang pumili kung saan niya gusto.

Hindi rin nagtagal, pinagsisihan niya ang naging desisyon. Ang gusto ni Asha ay sa canteen gumawa ng research. Wala namang masama sa suhestiyon nito, ang kaso lang ay kasalukuyan kasing lunch break kaya maingay at magulo sa canteen. Ang rason ni Asha, hindi pa sila kumakain at bawal naman magdala ng pagkain sa library.

He was left but to agree and that's how they ended up with that set up now.

Saglit na nagtagpo ang tingin nina Asha at Vin pero agad din itong naputol sa biglang pag-'ehem' ni Third.

"Mukhang ayos ang research niyo ah," untag ni Third habang makabuluhang nakatingin nang pabalik-balik kay Asha at Vin. "Sipag n'yo naman pareho," dagdag pa niya pero sa pagkakataong ito, kay Asha na lang nakatuon ang tingin niya.

Hindi naman siya napansin ni Asha dahil abala ito sa pag-recheck ng mga contents na nailagay niya sa part na iniatas sa kaniya kanina. Saka lang siya napatunghay nang matapos na magsalita si Third.

"Umalis nga kayong dalawa rito. Manggugulo lang kayo." Vin gave them a meaningful look.

Hindi naman nagpatinag si Sy at Third kaya tinitigan din nila ang kaibigan na kalaunan ay sumuko na lang at napabuntong-hininga dahil sa kakulitan nila.

"Hayaan mo na, patapos na rin naman tayo. Baka iniintay ka lang ng mga 'yan para sabayan kumain." Wala sa sariling nahawakan ni Asha ang braso ni Vin para ipahiwatig na huwag masyadong mamroblema na agad din niyang naalis nang mapagtanto ang ginawa.

Muling bumuntong-hininga si Vin. "Alright." Saka binalik ang atensyon sa sariling laptop para ituloy ang ginagawa.

The two guys gasped in disbelief. Kapwa nanlaki ang mata sa nakita at gulat sa nangyari. Ang kaibigan nilang walang pasensya para sa kanilang dalawa, ngayon ay kinukunsinti sila dahil lang sa sinabi ng ka-partner niya. Sabay din silang napatingin kay Asha saka ito binigyan ng malawak na ngiti.

"Madam Yang, pwede ka ba namin maging friend?" tanong ni Sy saka inabot ang kamay ni Asha at nagkunwaring nagmamakaawa.

Tinampal ni Vin ang kamay ng pinsan na nakahawak kay Asha at sinamaan ito nang tingin pero lalo lang lumawak ang ngiti ng dalawang kaibigan.

Risk It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon