03.
Asha was staring at the enormous signage just above the two-storey café she was standing in front of. Malalaki ang letra nitong may nakaukit na 'Prose Cup', halatang gawa sa kahoy at bahagya pang nangingintab ang varnish na naroon. Dumako rin ang tingin niya sa loob ng glass window. Hindi masyadong kita ang nasa loob dahil medyo tinted ang bintana sa labas.
Binuksan niya ang dalang phone para tingnan ang oras. Nine-seven. Napahinga siya ng malalim.
“So what kung late ako? 'Di naman siya rebisco para maging special tsaka ang mahalaga sumipot ako,” pang-aalo niya sa sarili bago tinulak ang pinto ng café para pumasok.
Inusisa niya nang tingin ang bawat lamesa sa first floor para hanapin ang dahilan kaya siya napilitang magpunta roon kahit wala talaga sana siyang balak lumabas ng bahay ngayong weekend. Research boang.
Akmang aakyat na siya sa pangalwang palapag ng café nang marinig niya ang pamilyar na boses na kanina pa niyang dinadasal na sana ay hindi tumuloy. Mukhang wala siyang takas.
“It's already past nine. Late ka na.”
Muling nilingon ni Asha ang lamesang nadaan niya kanina at laking gulat nang matagpuan doon si Vin, ang kanina pa niyang hinahanap.
“Hoy, seven minutes lang 'yon. OA nito,” sagot niya saka humila ng upuan sa tapat ng pwesto ni Vin na ngayo'y abala sa kaniyang laptop at hindi man lang siya nagawang lingunin.
Sinamaan siya ni Vin ng tingin. “Ang usapan ay nine, you came here seven minutes and thirty seconds late. Kahit ano pang sabihin mo, hindi ka dumating ng oras na pinag-usapan. Punctuality is the most effective approach to establish a postive first impression,” pagpapaliwanag pa nito sa kaniya.
Napaungot si Asha habang tinutupi ang piraso ng tissue na nakuha niya lamesa. “Dami namang ebas,” she whispered to herself.
“You do know that I can hear you.”
Napatingin si Asha kay Vin na nakapako na ulit ang tingin sa laptop nito. Malamang dinig nga siya lalo't wala pa namang isang dipa ang layo nila sa isa't isa.
“Sinadya ko talagang marinig mo,” katwiran ni Asha.
Bago magsalita si Vin ay may lumapit na isang waiter. May dala itong tray na may lamang dalawang tasa at isang maliit na basong paniguradong isang shot ng espresso. Inilapag ito sa harap nilang dalawa.
Nagtatakang nilinga ni Asha si Vin. Kakarating pa lang naman niya at ni hindi pa nga siya nakakaorder e. Pero alam niyang siguro ay order ito ni Vin. Nga lang, nagtataka siya bakit dalawang tasa ang naroon.
“Ako na ang umorder para sa 'yo. 'Wag kang mag-alala, latte 'yan. Tinanong ko muna si Aiden kanina kung anong hilig mo sa kape.“ Nadako ang tingin niya sa tasa na kaniyang kaharap. Latte nga iyon at halos mamutla na ang kulay sa dami ng gatas, the way she likes it. He's not so bad after all. “Anyways, since wala kang dalang laptop, dito ka na lang muna mag-jot down. They have free wifi here kaya pwede kang makapag-search,” dagdag pa ni Vin saka inabot kay Asha ang ilang piraso ng bond paper kasama ang isang sticky note at ballpen.
—※—
“Eyes on the paper,” ani Vin na akala mo'y isang teacher na nagpapa-quiz nang makita si Asha na nakatulala sa labas ng glass window.
Halos magte-thirty minutes na silang naroon. Ubos na rin ang inorder na kape ni Vin para sa kanilang dalawa at halos bago na ang mga dumating na costumer.
Asha grimaced, the side of her lips turning upside down. “Ang boring!” Humalubaba siya at naipit ng kaniyang siko ang ilang bond paper na hanggang ngayon ay wala pa sa kalahatian ang nasusulatan.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Teen FictionAsha had always been headstrong and free-spirited with an insatiable curiosity who constantly challenges authority and pushes boundaries. She thrives on adventure and spontaneity, often finding herself in trouble due to her impulsive nature. When s...