17.
"Juice colored 'di talaga ako makapaniwala!" Inangat ni Asha ang dalawang braso saka ito inunat bago bumwelo nang pagtayo. "Imagine, natapos natin 'yong research. Parang kailan lang 'di pa tayo magkasundo, 'di ba?" masiglang dagdag ni Asha habang nakaharap kay Vin na nagliligpit ng gamit nila.
Last week na ng November at kakatapos lang nilang gawin ang first draft ng final chapter ng kanilang research. Sa first week kasi ng December ay isasauli iyon ni Sir Chua sa kanila para i-revise at muling ipasa bago ang Christmas break.
Mayroon pa silang ilang linggo ng bakasyon ngayong December bago makipag-sagupaan sa gaganaping research defense nila sa second week ng January. Kampante naman si Asha dahil bago nila tapusin ang huling chapted ay inaral na niya ang research topic nila. Isa pa, maayos na ka-partner si Vin kaya paniguradong walang magiging palya sa defense nila.
Right now, Asha couldn't believe that they actually finished it together. Parang ang hirap paniwalaan na sa loob lang ng limang buwan ay naging magkasundo na agad sila ng polar opposite niyang si Vin.
Their life values didn't even intersected but look at them now, they were far from how they started. Sa loob ng limang buwan na iyon ay marami nang nangyari sa pagitan nila which became a factor to how they treat each other now. A lot of things changed between them. A good change.
"At dahil tapos na tayo sa research, this calls for a celebration!" Pumalakpak si Asha at naiiling sa kaniyang tumayo si Vin.
Lumapit sa kaniya si Asha para tulungan itong magdala ng mga ginamit nilang papel. "Saan mo gusto kumain?" tanong niya kay Vin habang nakaaro sa mukha nito ang hawak niyang invisible microphone.
"Sina Aiden na lang ayain mo. Pupunta pa ako sa meeting room."
Nalukot ang mukha ni Asha dahil sa sagot ng kasama. "Eh? Boo! KJ!" Asha's invisible microphone immediately turned into a thumbs down.
Nagsimula na silang maglakad papunta sa lockers malapit sa hallway na nagdudugtong sa pagitan ng building ng HUMSS at building ng STEM.
Vin shook his head in disbelief. May mga panahon talaga na mas mainam pang tinitikom na lang ni Asha ang bibig dahil may mga pagkakataon na puro reklamo lang naman ang binubunganga niya. It became one of Vin's ick pero dahil nasanay na siya sa presensya no'ng isa, hinahayaan na lang niya ito tulad nang ginagawa niya kina Sy at Third.
Naging advantage kay Asha na naging close sila ni Vin. Sa kadahilanang tamad siyang magdala ng mga gamit niya pauwi tuwing may pasok at saktong mayroong sariling locker si Vin na in-avail niya noong first semester, doon nakikilagay ng gamit si Asha.
Hindi kasi nag-avail ng locker ang kapatid niya dahil ayaw nitong may iniiwang gamit sa school. Pakiramdam kasi ni Aiden, lahat ng gamit na dalhin niya ay essential at baka 'pag iniwan niya iyon sa school ay kulangin siya ng gamit in case of emergency sa bahay.
Napaling ang atensyon ni Asha sa mga dinadaanan nilang hallway. Napansin niya ang mga estudyanteng nagsasabit ng mga parol sa kisame ng hallway at ilan na naglalagay ng mga Christmas decorations sa mga pinto.
"Grabe ang bilis talaga ng panahon. Ilang tulog na lang Pasko na," untag ni Asha.
Napalingon si Vin sa kaniya dahil napansin niya ang malungkot na tono ng boses nito. He somehow expected that this would be her favorite time of the year but maybe he's wrong.
"Uuwi ba ang parents niyo?"
Dahil sa tanong ni Vin, nagtagpo ang tingin nilang dalawa saka siyang umiling. "Asa pa. Lagi naman wala 'yong mga 'yon."
Vin suddenly regretted asking that. "Sinong kasama niyo mag-celebrate?" pag-iiba niya ng tanong.
Muling umiling si Asha. "Wala. Naka-holiday break 'yong mga kasambahay namin tuwing pasko e. Kaya kaming dalawa lang ni Aiden ang magkasama lagi sa bahay. Lungkot 'di ba?" Pilit siyang tumawa.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Fiksi RemajaAsha had always been headstrong and free-spirited with an insatiable curiosity who constantly challenges authority and pushes boundaries. She thrives on adventure and spontaneity, often finding herself in trouble due to her impulsive nature. When s...