02.
"Kapag may nagtanong sa 'yo kung nasaan ako, sabihin mo wala kang kilalang Asha," paalala niya kay Chino nang makasalubong ito sa second floor ng Philosophy Building.
Kahit nagulumihanan sa sinabi ni Asha ay tanging tango lang ang naisagot ni Chino, at kahit naman sumagot siya, hindi pa rin naman iyon sasagutin ni Asha dahil dali-dali na itong nagtatakbo ulit palayo. Napailing na lang si Chino sa naglahong bulto ng kaibigan.
Laking pasasalamat na lang talaga ni Asha at shortened ang klase dahil magkakaroon ng meeting ang buong faculty. Sa kasamaang palad, hindi pa bubuksan ang gate hangga't hindi pa alas kwatro ng hapon kaya hindi pa rin si Asha makakalabas ng school premises.
Kung gugustuhin man niyang mag-cutting, pwede naman siyang dumaan sa sirang bakod ng back gate sa likod ng department nila. Ang kaso, tapos na rin naman ang klase kaya wala na rin saysay kahit magcutting pa siya at hindi malayong may makahuli sa kaniya na student council. Ang pwede na lang niyang gawin ay humanap ng lugar na maaaring pagtaguan dahil paniguradong kukuyugin siya ni Vin na simulan ang research nila.
Labag man sa kalooban niya, iisang lugar na lang talaga ang naiisip niyang pwedeng pagtaguan at iyon ang kaisa-isang lugar sa kanilang school na ayaw niyang puntahan. Ang tanging lugar din sa school nila na alam niyang hindi paghihinalaan ni Vin na pupuntahan niya. Ang library.
Mabigat ang bawat hakbang na tinahak niya ang daan papunta sa Knowledge Building. Nasa first floor ang computer laboratory at sa ikalawang palapag naman ang library. Halos mabali pa nga ang leeg niya kakadungaw sa bintana ng computer laboratory para tingnan kung may tao roon.
Kung wala lang talaga akong tataguan, matutulog ako d'on ngayon. Napabuntong-hininga si Asha habang naglalakad paakyat sa second floor. Mayroon din namang aircon sa library, nga lang, ayaw niya sa amoy ng mga naka-stock na mga aklat at sa amoy ng printer ink na parating may kasamang bungkos ng mga bond paper. Pakiramdam niya ay hindi iyon bagay sa kaniya.
Pagpasok niya sa loob ay pinasadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa n'ong librarian na nasa bukanang counter. Ganoon din ang ginawa ni Asha sa librarian.
"Bawal ang pagkain. Bawal ang maingay. Kapag may hihiramin kang aklat, dalhin mo muna rito at ilagay mo ang pangalan mo sa student log book. Kailangan ay maibalik mo ang aklat pagkatapos ng isang linggo, kapag hindi mo nagawa, sisingilin ka ng student council treasurer at hindi ka na pwedeng bumalik dito sa library ng tatlong ar—"
Hindi na natapos ng librarian na kamukha ni Miss Minchin— pero low budget version— ang kuda nito dahil nilampasan na siya ni Asha. Naiiling na isip ni Asha sa sarili at hindi mapigilang matawa ngunit nang maalala kung nasaan siya ay agad ding itinikom muli ang bibig.
Nagtungo siya sa pinakadulong shelf sa may sulok ng library. Hindi niya alam kung anong section iyon ng mga aklat, basta ang mahalaga para sa kaniya ay ang makatulog ng mapayapa.
Tahimik ang paligid, napansin niya kanina ang iilang estudyante na magkakalayo ang pwesto at abala sa kani-kaniyang mga aklat. Dahil wala naman siyang balak magbasa, kumuha na lang siya ng ilang mga aklat na hindi hard cover at pinagpatong-patong iyon hanggang sa mag mukhang unan. Ito ang lugar para matulog.
—※—
Nagising si Asha dahil sa paulit-ulit na pag-ugong sa may tagiliran ng hita niya. Agad siyang napabangon nang maalala na hindi nga pala niya na-i-mute ang kaniyang cellphone. Naalala rin niyang nasa library pa rin siya at mayroon nga pala siyang tinataguan. Gustuhin man niyang matulog pa ng matagal, alam niyang imposible dahil hindi siya titigilan hanapin ni Vin.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Teen FictionAsha had always been headstrong and free-spirited with an insatiable curiosity who constantly challenges authority and pushes boundaries. She thrives on adventure and spontaneity, often finding herself in trouble due to her impulsive nature. When s...