15.
"Wala, hindi. Madaya ka kasi e." Masama ang tingin ni Asha sa dalawang lalaki na kanina pa nilang nakalaban.
Natalo kasi ni Asha sa isang round ng rotations at isang round ng eight balls ang isa sa kanila. Kaso, masyado atang mataas ang pride ng mga iyon at hindi matanggap ang pagkatalo kaya inaakusahan siyang madaya.
Hinawakan ni Vin ang siko ni Asha para pigilan ito. Mabigat ang bawat hinga ni Asha at pilit na pinapakalma ang sarili dahil unti-unti na siyang napipikon.
He leaned forward closer to her ear and whispered, "Ashanti, don't even try stooping at their level."
Muling huminga nang malalim si Asha dahil sa narinig na litanya ni Vin. Actually mas gusto pa nga niyang makinig na lang sa reklamo ng dalawang nakalaban kaysa marinig ang mga palatak ni Vin. Daig pa kasi niya manermon ang nanay.
She rolled her eyes secretly. "Oo na, hindi na. Nainis lang kasi ako e."
"Aba, miss bakit ikaw pa may ganang mainis e kami nga 'yong dinaya niyo?"
Ang unti-unting kumakalmang kalamnan ni Asha ay muli nanamang nagwala. Pakiramdam niya ay puputok ang mga ugat niya kapag pinigilan pa niya ang galit. Nga lang, bago pa man maka-rebutt si Asha sa dalawang kulatog na nakalaban niya, agad nang pumagitna si Vin.
Nagulat si Asha nang tumambad sa mukha niya ang malapad na likuran ni Vin kaya agad siyang napaurong.
"Walang dinaya ang kasama ko. Have you forgotten? I was here the whole time, watching. Nakita ko lahat ng nangyari and base from what I saw, I don't think she did any form of cheating."
H-in-ead to toe ni Vin ang lalaking kaharap. From his looks, mukhang college student ito na nag-cutting dahil naka-uniform pa at dahil magkalapit lang naman ang distansya nilang dalawa, he can smell a hint of cigarette smoke from him. He winced at the guy's scent.
"S-Sinasabi mo lang 'yan kasi pinagtatanggol mo 'yang kasama mong madaya. Kababaeng tao, sa bilyaran tumatambay." Dinuro niya ang direksyon ni Asha pero dahil nakaharang si Vin, agad nitong hinampas ang nakadurong kamay ng lalaki.
Napaigtad sa gulat si Asha dahil sa lakas ng hampas ni Vin. Hindi niya alam kung galit ba ito o hindi dahil likod lang naman niya ang nakikita ni Asha.
"Aba't 'tang ina mo pala e, bakit mo hinampas 'yong kasama ko!" Umamba ng suntok 'yong isa pang lalaki pero hindi niya natamaan si Vin dahil agad itong nakaiwas saka hinila si Asha papunta sa may counter kung nasaan ang nagbabantay.
Hindi makapaniwala si Asha sa nangyari at windang na windang siya dahil kita niya kung paano muntik nang tamaan ng kamao si Vin. Si Vin na hindi nasasangkot sa kahit anong gulo. Si Vin na hindi pumapatol sa mga gago. But now, he did it. Was it for her?
Nagpatianod lang siya sa paghila ni Vin papunta sa counter at ang dalawang nakaaway nila ay nanatiling nakatayo sa mga pwesto nila at mukhang galit na galit sa kanilang pareho.
Hindi na alam ni Asha ang mga nangyayari. Kita niyang kausap ni Vin 'yong nagbabantay na nasa may counter pero hindi niya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito dahil nagre-replay pa rin sa utak niya ang nangyari. Idagdag pa na nakahawak pa rin si Vin sa pulsuhan niya ngayon kaya lalo nang hindi gumana ang isip niya.
Nakita niyang lumapit 'yong dalawang lalaki. They were both yelling but Vin kept his composure, he was collected and didn't show any emotions.
Nabalik lang siya sa katinuan nang bitawan ni Vin ang kamay niya at sabihan siyang, "Stay here. I-che-check lang namin 'yong CCTV footage."
Doon ni Asha napagtanto na nakita pala ni Vin kanina na mayroong CCTV doon sa bilyaran at bilang patunay na hindi silang dalawa ang mali, he wanted to show the evidence and let them see for themselves.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Teen FictionAsha had always been headstrong and free-spirited with an insatiable curiosity who constantly challenges authority and pushes boundaries. She thrives on adventure and spontaneity, often finding herself in trouble due to her impulsive nature. When s...