18.
Asha couldn't help but stare at the small Christmas tree placed at the far corner of their living room. Hindi niya mapigilang titigan ang Christmas tree na iyon. Maliit lang ito at kung tutuusin ay hindi naman iyon gaano nakakaagaw ng atensyon, but for Asha that small decoration plays a big role today. Doon naka-ipon ang mga regalong last minute na binalot ng magkapatid. For her, it was today's centerpiece.
Ngayon lang nagmukhang may buhay ang bahay nila. She felt proud dahil silang dalawa lang ni Aiden ang tanging nag-decorate ng kanilang bahay, speifically their living room and kitchen.
"Merry Christmas, Ate."
Asha glanced at Aiden who just came back from the kitchen. "Merry Christmas, Den," she responded.
Kapwa naupo ang magkapatid sa mahabang sofa nila nang matapos sa mga ginawa, parehong pagod dahil minadali nilang tapusin ang pagdecorate. Kahapon sana nila gagawin dahil bisperas ng Pasko pero hindi sila natuloy dahil kahapon lang din nag-alisan ang iilang mga kasambahay nila at naging abala sila sa pag-check kung maayos bang nakaalis ang lahat ng mga kasambahay na naroon.
Sabay silang napatingin sa phone ni Asha na nakapatong sa center table kaharap nila. Bigla kasi itong tumunog dahil may dumating na notification.
Katulad nang hawak na phone, nagliwanag din ang mukha ni Asha nang makita kung kanino galing ang notification. Nag-message kasi sa kaniya si Vin. Sabi nito ay after lunch daw sila pupunta roon ng pinsan niyang si Sy dahil mayroong dumating na bisita ang Tita niya.
Pinaningkitan ni Aiden ang kapatid niyang may malawak na ngiti at halos mapunit na ang labi. Hindi kasi niya makita kung ano 'yong notification sa phone ni Asha. "Ate, ang weird ng ngiti mo. Ano ba mayroon diyan sa phone mo?"
Hindi pa rin mapawi ang ngiti ni Asha. "Issue ka," sagot niya. "Nag-message si Eusebio, after lunch daw sila pupunta ng pinsan niya," masiglang dagdag niya.
Lalong tuloy naningkit ang mga mata ni Aiden dahil sa narinig. Kung si Vin naman pala ang nag-message, bakit ganoon na lang kalawak ang nginitian ng kaniyang Ate? Bigla siyang nagsuspetiya pero hindi na lang muna umimik si Aiden at isang maliit na tango lang ang isinagot.
Sa katunayan, ilang araw nang nakakapansin si Aiden na parang mas lalong naging malapit ang dalawa. Hindi niya lang pinuna dahil sa tingin niya ay mas maayos nang magkasundo ang mga iyon kaysa ang lagi na lang nagbabangayan.
Iniisip din ni Aiden na magiging maayos na impluwensya si Vin sa kapatid niya lalo pa't masyadong magkasalungat ang dalawa at pakiramdam ni Aiden ay mapapaamo nito ang kapatid. Mabuti na nga lang at nitong mga nakaraang linggo, wala na siya gaanong naririnig na reklamo tungkol sa kapatid at madalas na rin si Asha tumulong sa research.
Vin's unknowingly making his sister a better person and he's up for it.
—※—
Kapwa nagkatinginan si Sy at Aiden nang makita kung paano hila-hilain ni Asha si Vin para i-tour sa kabuuan ng bahay nila at ipakita rito ang mga nilagay nilang dekorasyon sa living room at kusina. Huling pinakita ni Asha kay Vin na tahimik lang na sumusunod sa kaniya, ang maliit na Christmas tree nila.
Sasagot na sana si Vin sa sinasabi ni Asha nang biglang maantala ito sa pagsingit ni Sy. "Matagal pa ba kayo diyan? Gutom na ako e," ungot niya.
Nagsalubong naman ang kilay ni Vin dahil sa reklamo ng pinsan.
"Kakakain lang natin bago umalis, 'di ba?"
"May afritada sa kusina, punta ka lang."
Nagtagpo ang tingin ni Asha at Vin nang sabay silang nagsalita. Narinig nilang dalawa ang sabay rin na pagtawa ni Aiden at Sy. Napatingin si Asha sa gawi ng dalawa. Nakaupo si Sy sa single sofa nila habang pinapatas naman ni Aiden ang mga magazine na nakapatong sa center table.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Roman pour AdolescentsAsha had always been headstrong and free-spirited with an insatiable curiosity who constantly challenges authority and pushes boundaries. She thrives on adventure and spontaneity, often finding herself in trouble due to her impulsive nature. When s...