23 : Upset

27 1 0
                                    



Kath's POV

Inimulat ko ang mata ko dahil ang ingay-ingay sa baba. Aish! Kitang may tao pang natutulog dito! Hindi ba uso sakanila ang salitang be quiet?!

Lumabas ako ng kwarto ko para tignan kung sino yun. Bago pa man ako makababa ay nakita ko si Barbie sa baba, kasama si Daniel at sila ay naglalandian na akala mo walang tao sa paligid nila. Nakaramdam ako ng kaba at pagkainis!! Kinakabahan ako kasi baka magkita kami! Panigurado ay maghihinala siya kung anong ginagawa ko dito ay pinsan daw kuno ako ni Daniel!

Bago pa man ako tunalikod ay hindi ako makapaniwala sa ginawa nila. Hinila ni Barbie ang batok ni Daniel.. Nagulat ata si Daniel kaya hindi makasagot.. No.. No Daniel.. You can't.. You can't kiss her back..

Pero sa nakita ko ay sana umalis na lang ako. He even smiled and kiss her back. Napatakip ako sa bibig ko at walang tigl na tumutulo ang luha ko. Parang sinaksak yung puso ko sa nakikita ko. Hindi ko na kaya.. Parang sasabog na. Nanginginig ang tuhod ko but I manage to get back on my room. Napayakap ako sa unan at humagulgol, kinakagat-kagat ko ang unan para hindi ako makagawa ng ingay..

Ang sakit-sakit Daniel.. masyado ka bang manhid para hindi mo maramdam na mahal kita? Oh sadyang nagbubulag-bulagan ka lang?! Naiinis na ako! He's too much! Masyado na siyang insensitive! May fiancee na siya, lumalandi na siya?! Akala ko pagkatapos namin maengage, ay mamahalin niya ulit ako but I'm wrong. Mali pala. Mas lalo lang naging worst.

Ako si Kathryn Marie Alvarez, kaya kong makuha lahat ng gusto ko, pero bakit ang taong mahal ko, hindi ko makuha?

**Fast forward**

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kakaiyak. Humarap ako sa salamin at sa itsura ko ngayon? Para akong nirape. Mugto-mugto yung mata ko sa kakaiyak. Ang gulo gulo ng buhok ko at parang namatayan ako sa itsura ko. In short, I am a mess. A dirty mess.

"Kath..." agad akong tumalikod. Si Daniel! Nandyan si Daniel! Shet ka Kathryn! Bakit ka ba kinakabahan?!

Sinong hindi kakabahan?! Eh halatang kakagaling pa lang sa iyak ang itsura ko ngayon! Ano ba.. Ano... "Kathryn?!!" naiinis na siya! Lumalakas na yung katok niya! "Kathryn buksan mo to!" hala! Naiinis na siya?! What to do?! Shet!

"Open this or I'll break it!" halos sinisira na niya yung pinto. Fck! Bat ba ako natataranta? "S-Sandali lang!" I breathed heavily. Kinuha ko yung kumot at itinakip saakin. Kunwari, hindi masama pakiramdam ko at kunwari kakagising ko lang tapos galit ako sakanya. Tama ganun nga!

Pagbukas ko ng pinto. Action, in 1,2,3! "Ano ba! Bat ba nambubulabog ka?! Kita mo--" I suddenly felt frozen ng niyakap niya ako ng mahigpit. Bakit ganun? Naluluha ako... Ewan ko, kasi I felt safe in his arms. "D-Daniel.." paeang nahihirapang tawag ko.

"Fck it. Akala ko may nangyari sayo..." Ibang iba siya ngayon. Malambing ang kanyang tono at bumibilis na naman ang aking puso. Bakit ka ba ganyan Daniel? Bakit mo ako pinapalito? Bakit mo ako pinapahirapan?

"O-Ok naman ako eh..Over ka lang."

"You're asleep for half day already Kath! Kinakabahan ako! I thought may nangyari sayo.. Good thing that wala.." hindi niya pa rin ako pinapakawalan. Unti-unti kong pinagapang yung kamay ko sa likod niya para yakapin siya pabalik. "I-I'm sorry kung n-nag alala ka.."

God, pwede bang ganito na lang kami? Kahit ngayon lang? Pwede ba?

"Sir.." bigla kaming naghiwalay at namula yung pisngi ko dahil may nakakita saamin. Yumuko yung maid. "I'm sorry sir, pero po kasi, tumawag po yung staff ng ABS-CBN at may nakaschedule po kayo na rehearsal with ASAP." halatang natatakot yung maid! Dapat lang! Sinira niya yung moment namin ni Daniel! Kung pwede lang manuntok gn tao ginawa ko na!

The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon