22 : Babaeng Umaasa

439 15 5
                                    

Hanggang Chapter 40 po ang The Stupid Thing + EPILOGUE

Kath's POV

"Hello?"

[Sis! Samahan mo naman ako sa mall! Kailangan kong bumili ng bagong dress eh! Sige na po!]

Tumaas ang isang kilay ko. "For what? Wait nga lang. Absent ka ba ngayon?!" later pa kasi ang pasok, kasi may meeting ang faculty and staff.

["Yep.. Kinda.. Important sis eh. Urgent kasi." ]

"Tse! Whatever! Hindi kita sasamahan! Absent ka for today eh! :P"

[Sige na sis please. I promise ililibre kita kahit anong gusto mo!!]

Humalakhak ako. "Okay! Madali lang naman akong kausap! Where tayo magkita?"

[Punta na lang ako sa bahay mo. Just wait okay?]

"Araso.." tumatango pa ako. A/N : araso = okay.

Nagpalit ako into yellow t'shirt at palda. Mamayang hapon pa pasok eh. Atsaka practice lang naman ng Mr. and Ms. Intrams ang meron.

Saktong narinig kong may nagdoorbell. It must be Steph. Parang ambilis naman niya makarating. Weird ha. Well whatever, baka siya nga yun. Baka binilisan nun magdrive. Makababa na nga!

"SANDALI NGA!!"

Binuksan ko na yung pinto at halos mapatalon ako sa gulat ng makilala ko kung sino ang kumatok.

Dire-diretso lang siyang pumasok ng bahay at parang hangin lang ako sa paningin niya.

It has been days at hindi pa rin kami nagpapansinan.

Medyo naluluha na nga ako kasi parang hangin lang ako sa paningin niya.

Hindi ko rin siya pinansin! Bahala siya! Kung hindi siya mamamansin, hindi ko rin siya papansinin! Sino ba siya sa inakala niya?! Na ako yung magsusuyo?! Dafuq! Fck him! Bahala siya! I can't stand him!! He's too arrogant!

Padabog akong umakyat ng kwarto sabay taklob ng kumot.. Heto na naman ako hanggang iyak na naman..

Nakakainis siya! Urghh! Sarap niyang urghh! Masyado siyang insensitive! Simula nung nangyari yun, biglang naging cold na lang siya saakin ng biglaan! Halos parang hindi kami nagpapansinan sa bahay, kung magpapansinan man kami, once a day lang! Yung tipong magtatanong lang siya kung anong ulam, or what tapos ayun back to cold treatment ulit. Kapag umaalis naman siya, hindi siya nagpapaalam! Parang hindi niya ako fiancee diba?!

Maya-maya nakarinig na naman ako ng panibagong doorbell. Sumilip muna ako sa bintana at nakita ko nga ang kotse ni Steph sa baba.

PAANO AKO MAKAKABABA EH NANDYAN SI DANIEL?!

*click*

Bumukas ang pinto at.. "OMG SIS!!" si Steph naman pala! Thank God! Akala ko si Daniel! Life reduced by ten years! "Nandito ka na pala.."

"Yep! Kaya tara na!! Excited na ako!"

"Bakit ka naman naeexcite?" -_-

"Kasi makakabili na ako ng bagong dress kaya gora na!"


Ok. Tumayo na ako, at lumabas ng kwarto. Kwento ng kwento si Steph tungkol sa kung saan-saan pero ni isa ay wala akong maintindihan. Nadidistract kasi ako masyado sa presensya ni Daniel. Hays. Eto na naman ako naiiyak.


"Oy teka nga Kath..." napalunok ako sabay napatigil. Pag Kath o Kathryn ang tawag saakin ni Steph, nakakakilabot.

The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon