5 : Who are you?

781 20 2
                                    

Kathryn's POV

"Kathryn! Hoy!" sigaw saakin ni Steph, pero hindi ko ito pinansin.

Nandidilim ang paningin ko! Wala akong pake! Wala akong pake kung pag-usapan ako, kung magkaissue kami o maghiwalay man sila!

Ang importante, eh yung malayo ko yung fianće ko at sabihan siya na ang landi-landi niya!

Flirt ka Daniel Padilla! Nandito ang fianćee mo, lumalandi ka pa sa harapan mo!

Dire-diretso lang ako sa harapan nila.. Nagtinginan yung mga tao sa paligid, yung iba ay nagulat sa pagsulpot ko. Natigilan si Daniel, pagkakita saakin at nagulat. Si Barbie naman ay nakakunot ang noong nakatingin saakin.

Tumaas ang kilay ko, kala mo naman kung sinong maganda. Puro make-up lang naman ang mukha! Di ka na lang naging coloring book!

"M-Miss? May kailangan ka?" Tanong saakin ni Daniel habang iniemphasize ang mg salita. Agad akong natigilan at tumingin sa mga paligid ko. Lahat sila ay nakatingin saakin. Agad akong yumuko! Shet ka Kathryn! What have you done?!

Kinagat ko yung labi ko. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at nagawa ko to?!

"Ano...ano kasi.." hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Ano ba naman! Isa kang dakilang tanga Kathryn Marie Alvarez!

"G-Gusto ko lang sabihin na fan na fan niyo ako at.. At.. BAGAY na BAGAY kayo.. Stay strong and sana kayo magkatuluyan sa dulo.. Ahehehe.." Awkward na ngumiti ako, ngumiti si Barbie saakin at tinignan ko ang reaksyon ni Daniel, ansama ng tingin niya saakin! Yung tipong kakain niya ako!

"Thank you.. ano bang pangalan mo?" Tanong saakin ni Barbie.

"Kathryn Marie Alvarez.." Tipid na sagot ko.

Stephanieee! Tulungan mo ko! Hindi ko alam kung paano ako makaalis sa harapan ng dalawang ito!

"KATHRYN! Halika nga dito!" Salamat Stephanie! Live savior kita! "Ahihihi! Super fan niya kasi kayong dalawa! Yung buong kwarto niya nga puno ng pictures niyong dalawa! Diba Kathryn?! Halika na nga! Pagpasensyahan niyo na, masyado lang natuwa tong kaibigan ko, alam niyo naman kapag fan diba?! Hindi makapagpigil! Sige na, una na kami!" Kita ko na tumango si Barbie saamin, naramdaman ko na lang na kinaladkad ako ni Steph sa garden.

"Hoy Kathryn! Walanghiya ka! Alam mo bang nagmukha kang engot dun na nakatayo sa harapan nila! Ano bang pumasok sa kokote mo at ginawa mo yun?! Alam mo bang gusto ko nang lumubog sa lupa dahil sa nahihiya ako para sayo!"

"S-Sorry.. di ko din alam eh, nakakainis kasi! Ang landi-landi niya!" Sigaw ko, malapit na talaga ako mag-alburuto sa inis!

Dali-dali akong umuwi sa bahay dahil sa sobrang pagod ko. Sinalubong ako ng mga maids namin, sumalpak ako sa sofa at binuksan ang TV.

"Kathryn! Iha!" napatayo ako sa gulat nang makita ko ang mommy ni Daniel na papalabas ng kusina. "H-Hi Tita K-Karla.."

"Oh dear.. Stop calling me tita, call me mommy baby." Nakangiting sabi niya saakin. Biglang natuwa ako sa idea natatawagan ko siyang mommy. "O-Opo m-mommy.."

Kung nandito si Tita Karla, ibig bang sabihin nandito rin siya?!!

Oh please not right now! Naalala ko na naman kanina at nahihiya ako sa sarili ko kapag naaalala ko yun!

"S-Si Daniel po ba k-kasama ninyo?" Di ko mapigilang tanong.

Ngumiti si Tita saakin at di ko alam kung bakit. "Hmm, namimiss mo na ba si Daniel? Wag kang mag-alala. Papunta na siya dito. Kinakausap pa kasi siya ng manager niya."

The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon