Dahil walang magawa si author ngayon, naisipan kong mag-update. sorry ngayon lang nagsipag! :)
******
Kath's POV
Bumangon ako sa kama. Kinuha ko yung robe sa gilid dahil anlamig ngayon. Naka sleeveless kasi ako. Pagbaba ko. Binuksan ko yung ref. "Good Morning." bigla kong nashut down yung ref at napaupo sa gulat.
I heard him chuckled. "It seems na nagulat ka saakin. I'm very sorry. C'mon I'll help you." inabot niya yung kamay niya saakin para tulungan ako.
Ngumisi lang ako at tumayo ako ng hindi ko hinahawakan yung kamay niya. Sa tingin niya, ganun lang kadali makipagbati?
Binaba niya yung kamay niya. Halatang napahiya siya. "No thanks. I don't need your help anyway."
Nilampasan ko siya at umupo sa sofa. Inabot ko yung remote ng TV at nagpalipat-lipat ng ilang channel. "Kumain ka na Kath. Nagluto ako ng bacon and hotdog diyan." sabi niya saakin.
Inirapan ko lang siya at tinuon yung pansin sa TV. "Kath naman, kung iniisip mo pa rin yung nangyari kagabi. Sorry talaga. May biglang taping kasi.. Sorry talaga." tinignan ko lang siya.
"Whatever. Edi sana nag-text ka na lang ng maaga para hindi ako magmukhang tanga doon." pagdedepensa ko.
Pumunta siya sa harapan ko at lumuhod. Hinawakan niya yung kamay ko. "I'm very sorry okay? Hindi ko naman sinasadya yon. Nakalimutan ko kasi sa car yung phone ko. Hindi ko naman intensyon na hindi ka sipotin. Promise babawi ako sayo. Imomove ko lahat ng interviews and tapings ko. basta, I'll try my best." tumingin ako sa kanya sa mata. mukhang sincere siya. napatingin ako sa mata niya. lumaki yung eyebag niya. halatang puyat siya.
"Sige. But promise me, hindi mo na ako iinjanin ah? Kasi hindi na kita papansin forever and ever!"
Ngumiti siya saakin at umupo sa tabi ko. "Promise. Mamaya after class, sure na yon."
Sabay kaming kumain. Tinikman ko yung bacon at hotdog na niluto niya. "Hmm. Not that bad. Naks! Umimprove ka Padills!"
"Sus. Edi na-inlove ka na saakin nyan?" nakangising tanong niya saakin. "H-hindi n-no. Tss! Piling mo!"
"Sabi mo eh." tumawa lang siya ng mahina at tinuloy lang namin yung pagkain namin.
Pagkatapos naming kumain, hinatid niya na ako sa school. "Mag-ingat ka ha."
"Bakit saan ka pupunta? Hindi ka papasok? Magcucutting ka ba DJ?" sunod-sunod na tanong ko sakanya.
"Ito naman. Ano to interview? Kilala mo naman ako diba? Busy akong tao Kath. May taping pa ako ngayon. Tawagan na lang kita pag natapos na ako." ngumiti naman ako. May trust naman ako sakanya kahit papaano.
Kinuha ko na yung bag ko sa gilid ko at bumaba na. "Ingat ka ha! Goodluck sa taping!" sigaw ko sakanya. I heard him chuckled then nag-proceed na ako sa room.
"KATH!" lumingon ako sa kung sino ang tumawag at nakita ko si Steph na nakangiti saakin na may hawak na papel.
"Bakit?" tanong ko.
Ngumiti siya ng pagkalapad-lapad at inabot saakin ang isang papel. "Anong gagawin ko diyan?"
"Kainin mo." binigyan ko ng death glare si Steph.
"Tss! Pilosopo ka na ngayon Steph ah!" tumawa lang silang dalawa at binuksan niya yung papel.
Dear Kathryn Alvarez,
You have been chosen as the muse of Blue Eagles. To fight over Red Hawk. For farther questions please proceed to the principal's office for any complains and suggestions.
BINABASA MO ANG
The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*
Teen FictionAnong gagawin mo kapag iniwan ka ng taong mahal mo at nagpromise sayo na babalikan ka niya? Maghihintay, ka naman diba? Pero paano kung hindi siya bumalik? ang masaklap, bumalik nga siya pero may mahal na syang iba. Diba ang sakit? Mukha kang tanga...