6 : What a Day

793 13 2
                                    


Kathryn's POV


"Kathryn, iha. Gusto lang naman namin humingi ng sorry sa nangyari kanina." Sabi ni Tita Karla habang hinawakan ang kamay ko. 


Daniel left. Pagkatapos ng sagutan nila ay hindi na siya bumalik at umalis ng bahay na wala man lang paalam. 


Naaawa ako kaila Tita Karla at Tito Rommel dahil sa ugali ni Daniel na ganito. Ano bang nangyari sayo? Bakit ka ba nagbago? Higit sa lahat bakit pati ako hindi mo maalala? 


"Okay lang, tita. Pagod lang siguro sa taping yun. Naiintindihan ko yun." Sagot ko. 


Tumango sila Tita Karla at Tito Rommel. Halata sakanila na pagod sila. "Mabait na bata ka talaga Kathryn. Hindi ako nagkamali na ipapakasal kita sa anak ko." Sana, Daniel would feel the same too. 


Nung umalis ang kotse, bumalik ako sa bahay at nakita ko ang mga nagkalat na gamit. Nililinis ito ng mga maid namin. Napaupo na lang ako dahil kita ko kung paano nagbago ang ugali ni Daniel. 


Napabuntong hininga na lang ako. Paano ko ba mapapabago ang ugali mo? 


I was preparing myself to go to school at pasakay pa lang ako sa sasakyan ng may narinig akong bumusina sa likod ko. 


Tumigil ako dahil tumigil ito sa harapan ko. Bumukas ang bintana at iniluwa neto si Daniel. Ano na naman trip neto? Ako ba kakausapin neto? 


"Kathryn." He called my name. 


"Ako ba?" Turo ko sa sarili ko. Malamang Kath! Ikaw lang naman tao diyan!


"Of course. Sino pa ba? Hop in. Papunta na rin ako sa school." Tama ba ang narinig ko? Isasabay niya ako papunta sa school? Am I dreaming? Pasampal nga ako! 


"Are you sure? Hindi ba't.." 


"Just get in, Kathryn. Before paparazzi see us." Hindi na ako nag-alinlangan at pumasok na ako sa van ni Daniel. First time ko lang, sumakay sa van niya, hindi niya to personal car dahil ito ang van na provided ng entertainment agencies sa mga artista nila. 


Nakasuot siya ng itim na v neck tshirt at maong pants pero pakiramdam ko sobrang cool na niya sa ganoong suot. Sobrang tahimik ni Daniel at tanging nakatingin lang siya sa cellphone niya. Ako naman ay hindi ko alam kung saan ako lulugar dahil sobrang akward. 


Tumikhim siya. "About what happened last night, I'm sorry. I don't want to be sound so rude, but pagod lang ako galing sa shoot, at sana maintindihan mo yun." Lumingon ako sakanya, sinabi niya yun ng hindi man lang ako tinitignan.


So sinakay niya lang siguro ako dahil utos ng mommy niya at hindi siya nagkusa.. 


Anong tingin mo Kathryn? Gusto ka niya isakay? My god. 


"Okay lang ba na dito ka na bumaba?" tumingin siya sa labas. Medyo malapit na to sa school at hindi niya ako sa mismong gate ibababa dahil mahuhuli kami. 


"Ah sige.." Nagmamadali akong kunin ang mga gamit ko, sumilip muna siya kung may paparazzi at binababa niya ako ng madalian. 


Bigla na lang humarurot ang van at hindi man lang siya nag-goodbye saakin. 


What a nice day to start everything! 



The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon