~11~
Kath's POV
He remembered me?
"I know your games Kath. Hindi mo ako mauuto. Alam ko na yung mga ganyang effect. Kilala mo naman ako diba? Artista ako." but then suddenly biglang nalungkot yung mukha ko.
Umaasa ako na maaalala niya ako, pero hindi pala.
"Umuwi na tayo Daniel. Pagod na ako." Tumalikod na ako, what's with myself!
"Hey, is there something wrong?" tumakbo siya papunta saakin sabay hawak sa braso ko para pigilan ako.
Pumikit muna ako. "Please Daniel. Let's go home. Masakit talaga ulo ko." pumara ako ng cab at the same time, sumunod lang siya saakin papasok. Sobrang tahimik ng atmosphere. Halos mapanis na laway ko.
Nung nasa bahay na ako, hindi na ako nagpalit ng damit, humiga na lang ako sa kama at sumubsob sa unan.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, pati na rin yung yabag. Alam kong kay Daniel Yun. Nagtulog-tulugan lang ako. Naramdaman kong umupo siya sa dulo ng kama.
Pero nagulat ako ng halikan niya ako sa noo at kinumutan. "Sorry Kath, hindi ko alam kung ano nasabi ko sayo pero sorry. I don't know what to do. Kung may sakit ka, sorry talaga. Sana hindi na lang kita niyaya. Nagkasakit ka pa tuloy. Sorry talaga. " he hugged me. Bumilis yung tibok ng puso ko. Yung kasing bilis ni flash.
"Hindi mo na kailangan Daniel. I'm very sorry." nasabi ko pagkalabas niya.
*Next Day*
Pagkabangon ko, bakit ang sakit ng ulo ko? Tas ang init-init ko, mahina lang naman yung aircon pero lamig na lamig ako.
Pag labas ko, hilong-hilo naman ako. Di kaya nagkatotoo yung sinabi kong may sakit ako?
Paano na ako makakapasok kung may sakit ako?
May long quiz pa naman kami ngayon sa math and science! patay ako. bababa ang grade ko neto . T_T
"Gising ka na pala?" napatalon ako sa gulat. "Daniel? Diba may taping ka ngayon?"
Sinarado niya yung pinto. at napansin kong marami siyang dalang grocery bags. "Yes but nag-absent ako. Sinabi ko na may kailangan akong gawin, rehearsal lang naman yun sa ASAP guesting ko next sunday." sabi niya saakin.
Nilapag niya yung grocery bags sa table. "Kamusta ka na? Bumaba na ba lagnat mo?"
"Uhh.." napahawak ako sa ulo ko. Medyo. "Yeah. sort of. "
"Good. Kanina kasing umaga nginig na nginig ka kaya hininaan ko yung aircon and kinumutan kita ng mas makapal. I think you should eat. Para makainom ka na rin ng gamot mo at para makapagpahinga ka."
Si Daniel ba talaga to? Bakit ang bait niya saakin ngayon? Nakonsensya na ata ako sa ginawa ko kahapon. Nag leave pa tuloy siya para bantayan lang ako. "Uhmm. Sure." umupo na ako sa dining table at naghintay.
"I cook a soup for you." Nilapag niya yung soup sa harapan ko. Hmmm~~ ambango.
Nung tinikman ko na, masarap nga! Napatingin ako sakanya. Kumakain rin siya pero tahimik. "Ikaw ba nagluto neto? Hmm. Masarap ah. Salamat nga pala." ngumiti lang din siya.
Pagkatapos kong kumain, tumayo na ako. "T-teka, dahan-dahan muna baka mahimatay ka diyan." napakamot ako ng ulo. OA naman pero ayaw kong iruin yung atmosphere no. ~~
Nagbihis na rin ako at humiga ng kama.
*tok*tok*
"Sige pasok." sabi ko without looking. Alam ko naman na si Daniel yun, sino pa bang kasama ko dito diba?
Tumabi siya saakin. Nagtaka naman ako, bakit hindi pa natutulog tong lalakeng ito?
"Hey, hindi ka ba natutulog? anong gagawin mo dito?"
He looked away and turned his face red. "Ahmm, gusto lang kitang b-bantayan. b-baka kasi kung anong mangyari sayo."
Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Pakiramdam ko tumalon-talon yung puso ko. Sobrang cute niya ngayon to the point na gusto ko na siyang ibulsa.
Puwesto na siya sa may sofa. He insisted na. Pinatay ko na yung ilaw . "Goodnight Daniel."
Tumalikod na ako sabay pikit ng mata. "Ano ba yan.. asakdoakad" naririnig kong bulong ni Daniel. Mukhang nahihirapan ata siya.
"Daniel....." sabi ko. pero nagkunwari siyang tulog.
"Daniel, wag ka ng magtulog-tulugan. tumabi ka na lang saakin. malaki yung kama. kasya naman tayong dalawa. I trust you naman. kawawa ka naman. sige na DJ." Hinwakan ko yung kamay niya para hilain siya. He got up naman. Naramdaman kong may electricity sa katawan ko.
Nag lagay na lang ako ng unan sa gitna para iseperate kaming dalawa. "thank you kath. thank you." mas nagulat ako nung hinalikan niya yung hair ko sabay natulog na.
*to be continued*
TAMAD> TAMAD> SABAW UTAK < BITIN NA UPDATE. sorry po -_-
vote. comment. be a fan. para mainspire akong mag UD!
-twinklestarlalove
BINABASA MO ANG
The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kapag iniwan ka ng taong mahal mo at nagpromise sayo na babalikan ka niya? Maghihintay, ka naman diba? Pero paano kung hindi siya bumalik? ang masaklap, bumalik nga siya pero may mahal na syang iba. Diba ang sakit? Mukha kang tanga...