Kath's POV
Pagbukas ng gate, pumasok ang van kung saan siya nakasakay. Para na namang may concert ang school namin dahil kada pumapasok siya, maraming sumasalubong sakanya.
Tsk. Hindi naman siya aalis sa school na ito, araw-araw nila siyang makikita. Kumbaga, masasanay rin sila pag tumagal.
Pagbaba niya, nagsigawan ang mga tao. Napangiwi ako. Daniel Padilla, bakit ka ba kasi nag-artista? Bakit hindi ka na lang naging ordinaryong tao? Yan tuloy ang dami kong kaagaw sayo.
Sa inis ko, sinipa ko ang bote sa harapan ko at napatakip ako ng bibig ng tumama ito malapit sa bintana ng van na sinasakyan niya. Muntik na siyang matamaan! Umilag siya pero bago pa siya tumingin sa paligid, nagtago ako sa gilid ng mga halaman. Lahat ng mga tao ay hinahanap kugn sino ang nagbato nun.
Napasign of the cross na lang ako. Diyos ko. Muntikan na akong mamatay nang maaga. Marami pa akong balak sa buhay. Papakasalan ko pa si Daniel Padilla.
Nung tumahimik na, lumabas na ako at lahat ng tao ay wala na. Dumire-diretso ako sa locker ko at nakita ko si Stephanie na nag-aayos rin.
"Kathryn!" Tawag niya saakin. "Bakit namumutla ka?" Tapos hinawakan niya ang mukha ko. Tinapik ko ang kamay niya. Ganun ba talaga ako ka-kabado?
"Eh kasi.. nakasipa ako ng bote tapos muntik ng matamaan si Daniel." Pabulong na sabi ko. Mahirap na baka may makarinig.
"Tapos? Anong nangyare?"
"Ayun.. Nagtago ako, syempre papatayin ako ng mga fans niya. Iisipin nila number one hater ako ni Daniel."
"Bakit mo ba kasi sinipa?" Tanong niya.
"Isinabay niya kasi ako sa van niya tapos binababa niya ako sa lugar kung saan wala pang masyadong tao. Naiinis ako kasi hindi man lang niya ako isinabay sa loob.. Alam mo na. May girlfriend siya. Pag kumalat to, sasabihin nila ahas ako." Malungkot na kwento ako.
Niyakap lang ako ni Stephanie kasi alam niya na matagal na akong nag-aantay kay Daniel, tapos ganito pa ang mangyayari. Isa na lamang akong alaala na nakalimutan niya. Kumbaga basura na lang ako na parang tinapon kung kelan gusto.
Dumiretso na ako sa classroom dahil maiinis lang ako kapag nagtagal ako dito.
Nasa canteen kami ni Stephanie at ang mga Fab Girls. Kwentuhan lang kami ng kwento hangga't sa makalimutan ko ang nangyari saamin ni Daniel Padilla kanina na ikinaiinisan ko.
Pero bumalik na naman ang inis ko ng dumating si Daniel Padilla. Papasok silang dalawa ni Daniel Padilla and of course the plastic Barbie. They were holding hands. Naniningkit na naman ang mga mata ko. Nagsilapitan ang mga guards para makadaan sila sa uupuan nila dahil obviously, ang mga fans. They were crazy.
Seriously, dapat kasi may mga sariling cafeteria ang mga celebrity dito sa school eh. Distraction sila. Mga attention seekers.
BINABASA MO ANG
The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kapag iniwan ka ng taong mahal mo at nagpromise sayo na babalikan ka niya? Maghihintay, ka naman diba? Pero paano kung hindi siya bumalik? ang masaklap, bumalik nga siya pero may mahal na syang iba. Diba ang sakit? Mukha kang tanga...