19 : Didn't Care at All

468 11 1
                                    

Happy Valentines day! xx

Kath's POV

Naalala ko siya. Siya yung lalakeng kumausap saakin dati. Siya yung lalakeng nag-advice saakin. (remember nung mga bandang unang chapters? the guy na kumausap sakanya.)

"Kath? Nakikinig ka ba?"

"Haa?"

"Lutang ka nga..." natatawang sabi niya.

"B-Bakit?" tanong ko. Umiling lang siya. "Kung ano-ano kasi iniisip mo eh.. Sayang laway ko sayo. Andami ko ba namang sinabi tas bakit lang. Hayahay.. Nakalimutan ko na tuloy." nagtatampong tinig niya. GUILT. Nakaramdam tuloy ako ng guilt, imbes na isipin ko yung taong mahal ko.. eh yan tuloy, iba yung naiisip ko. Kung sino pang misteryo, sa buhay ko ang iniisip ko.

Kumamot na lang ako ng ulo. "Sorry naman, EH SA HINDI LANG NAMAN SAYO NAKATUON ANG ATENSYON KO." sarkastikong sagot ko -_-

"tss. akala ko ako lang."

Biglang may bumusina sa likuran namin kaya hindi ko narinig yung sinabi niya. LANG lang yung narinig ko ehh. "Anong sabi mo?"

"W-Wala. Ansabi ko. AMPANGET MO."

"HALAA! ANSAMA!"

(FAST FORWARD)

Bumaba na kami sa venue na pagphophotoshoot nila Daniel.

Pumasok na kami sa loob. At as usual, maraming inggiterang nakatingin saakin. Halos karamihan dun ay masasama ang mga tingin. Marami ring clueless. Nagtataka siguro sila kung bakit kasama ako ang popular na si Daniel Padilla. Eh isa lang naman akong nobody?

"Umupo ka lang sa gilid ah? Promise. Madalian lang tong photoshoot na ito." tumango lang ako.

Pumasok na kami sa room, lahat busy sa pag-aayos ng settings. Maraming staff ang sumalubong kay Daniel at agad itong pinaupo sa isang swivel chair para ayusan na. Si Daniel kasi eh. Late na.

"Uhmm Daniel.." nahihiyang sabi ko dahil busy ang mga makeup artist sa pag-aayos sakanya.

"Hmm?" sagot niya.

"Anong gagawin ko dito?" bulong ko. Para kasi akong tanga dito eh. OP lang.

"Maupo ka na lang dyan. Bantayan mo yung cellphone ko or else.." Tss! Ano ba yan! Bakit ba kasi ako pumayag na sumama sakanya, akala ko kasi magdidinner kami or makakasama ako sa photoshoot! Tas gagawin pa akong alalay!

"Ano ba yan!"

Pumasok ako sa tent at umupo sa gilid. Nilabas ko yung phone ni Daniel at pinaglalaruan ito. Tutal magmumukhang tanga lang pala ako sa labas, baka pagkamalan pa akong tambay. Mas mabuti na lang sa loob kasi para walang makakakilala saakin, mahirap na baka mabalita sa TV.

Pagkabukas ko ng CP niya, napansin kong may lockcode ito. At nalungkot ako nung makita ko yung lock screen. Picture nilang dalawa ni Barbie. Si Daniel ay nakahalik sa cheeks ni Barbie habang si Barbie naman ay naka peace sign at abot langit ang ngiti.

Kaya agad kong pinatay ito sa sobrang inis.. Ayoko kasing buksan CP ko dahil malolowbat na. I forgot to charge it kanina eh. So tyaga-tyaga na lang na walang magawa. Tutal sinabi niya na mabilisan lang tong photoshoot. Patient akong tao at hindi katulad niyang impatient.

"Who are you?" muntik na akong mahulog sa upuan ko ng marinig kong may nagsalita. Kinabahan ako bigla. Parang islow-motion ang paglingon ko at nanlaki pa ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ito. "A-ako ba kausap m-mo?" Mahirap na baka nabalie tong babaeng ito.

"Malamang, sino pa bang ibang tao dito?" Mataray na sagot niya. Sabi ko nga ako nga!

"A-ahh ganun ba?" Sht lang! Nandito yung babaeng girlfriend ng minamahal ko!

The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon