Kath's POV
"Kathryn Marie Alvarez!" nakarinig ako ng sigaw. Awtomatikong napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Steph, ang bestfriend ko kasama ang Fab Girls.
Humahangos na tumakbo sila saakin. Kunwari nagtatampo ako kasi ang tagal-tagal nila. Kulang na lang lamukin na ako. "Ang tatagal nyo! Pinapapak na ako ng mga lamok dito oh!" sa nagtatampong tinig.
"Since kumpleto na tayo... Drum rolls! Tara't magshopping!!" Sabi ni Mae.
Habang nag-iikot kami sa mall, hindi ko maiwasan na mapatingin at pagmasdan ang mga nagkalat na posters sa mall.
Natutuwa ako dahil ang laki ng pinagbago niya. Mas gumwapo siya, mas naging mature, lumaki rin ang katawan niya. Sana yung pangako niya saakin, hindi nagbago.
Kailan kaya siya babalik? Naalala ko dati, pinangakuhan niya ako na babalikan niya ako. Naisip ko, naalala niya pa kaya yun? Pinanghawakan niya pa rin yun?
"Kathryn?" tumigil ako sa pagtitig sabay tumingin kay Danica. She smiled bitterly. Alam nila ang tungkol saamin ni Daniel, at hanggang ngayon, alam nilang umaasa ako na babalikan niya ako.
Sa totoo lang, nawawalan na ako ng pag-asa na maalala niya ako. Sa tagal-tagal ba naman ng panahon? Lalo na at artista na siya? Panigurado mas maraming maganda saakin, mas sexy, mas matalino. Pero kapag nakikita ko yung ngiti niya, yung tawa niya, nabubuhayan ako ng loob. Kung paano niya mahal yung fans niya.
Sumunod ako sa kanila at napatigil na naman ako ng may nakita akong isang poster! Daniel Padilla will be back for a fanmeeting! Gusto kong tumili pero nahihiya ako! Ang lapad-lapad ng ngiti ko!
"Hoy Kathryn.. Tulala ka na naman..S-Sino ba yang tinititigan mo?" lumingon siya sa tinititigan ko. Hinila ni Steph ang kamay ko pero nagpumiglas ako. "Alam mo Steph. Miss na miss ko na siya..." malungkot na kwento ko. Biglang umilaw yung mukha ko. "Pero babalik siya dito! Wah! Ang saya-saya ko!"
Tinitigan lang ako nila Danica, Steph at mga Fab Girls. Tumawa lang sila sa reaksyon ko. Inakbayan lang nila ako. "Alam mo bes.. Gutom lang yan, kunain muna tayo. Stop thinking about that guy, nandito naman kami remember? Matagal pa babalik si Daniel.." Pwede ba? Parang may something fishy eh. Dati rati naman over supportive naman sila. Bakit ngayon parang wala na silang pakielam at iniiba yung topic? Seryoso ang weird.
Tumambay kami sa Starbucks at nagkwentuhan. Panay ang kwento nila tungkol sa mga exes at boyfriends nila. Feeling ko na out of place ako. Ako lang kasi walang boyfriend sakanila pati rin si Steph. Pero si Steph ay masaya na sa bunay niya at ako naman eto nangungulila sa kababata kong iniwan ako 6 years ako. Hinihintay ko pa rin siya eh.
"Ang kapal ng mukha ng Russel na yun! Ang lakas ng loob makipagkita saakin! Pagkatapos niya ako loko-lokohin?! Tingin niya saakin, mauuto niya?' Magsama sila ng Jane niya!" tumatawa sila sa sinabi ni Jackie habang ako ay pangiti-ngiti lang.
Ang weird kasi nila. Ewan ko ba o ako lang talaga yun? Gusto ko maginternet eh. Gusto kong malaman yung details sa fanmeeting ni Daniel. Hangga't maaga ay bibili na ako ng ticket para sa pinakaunahan ako, para makita niya ako ng malapitan. Next next week na pala yun.
"Hoy Kath! Sino ba yan tinitext mo at ngiting-ngiti ka?" tumigil ako at pansin ko nakatingin silang lahat saakin with clueless looks on their faces.
Tinaas ko phone ko. "Wala, I'm just checking the details sa fanmeeting ni Daniel."
Inagaw saakin ni Steph yung phone ko. "Ano ba!" Mahinang bulyaw ko sakanya.
"Pwede mo naman yan icheck later eh, let's have fun muna. You know, nandito tayo para magsaya remember?"
BINABASA MO ANG
The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*
Teen FictionAnong gagawin mo kapag iniwan ka ng taong mahal mo at nagpromise sayo na babalikan ka niya? Maghihintay, ka naman diba? Pero paano kung hindi siya bumalik? ang masaklap, bumalik nga siya pero may mahal na syang iba. Diba ang sakit? Mukha kang tanga...