20 : Lost

422 9 11
                                    

Short update everyone. Kumbaga, ito lang yung karugtong nung Chapter 19 kaya maikli.

Sorry kung matagal ang update. Medyo sabaw na kasi utak ko -____- Pero I'm trying to cope up!

Third Person's POV / Kath's POV (Guys, wag kayong malito. Exchange of POVs lang yan okay?) 

Gabi na at hindi alam ni Kathryn kung saan na siya pupunta. Masyadong lutang ang utak niya. Parang sirang plakang umuulit sa utak niya yung kissing scene kanina. 

"Tanga ko kasi eh! Ang tanga ko! Bakit ba kasi sumama pa ako kung alam ko naman na masasaktan ako? Pero sabi naman niya, wala daw kiss kiss! Pero bakit meron?!!" bulong niya sa sarili niya. Yeah Right! I look like crazy talking to myself! 

Bakit ganun sila maghalikan? Sabagay, sila naman eh. Kaya pwede sila. Bagay sila kaya ganun sila maghalikan. Sino ba ako sakanila? Out of the picture na ako. Second choice. Not the first one! 

All along alam ko naman na si Barbie ang mahal ni Daniel.. Wala eh, ganun talaga ang buhay.

"Taxi!" sigaw niya sa paparating na taxi. Sumakay na siya sa taxi, pero narealize na kulang pala ang pamasahe niya kaya sinabihan niya yung driver. "Kuya, sorry po! Pasensya na po! Kulang lang talaga pera ko!" sabi niya at inabot niya lahat ng pera niya which is P30. 

Bumaba na siya sa isang seaside part. Hindi ko alam kung saan ito. Basta dito na lang ako dinala. "FCK YOU KA DANIEL!!! I REALLY HATE YOU! MANLOLOKO KA! YOU HURT ME! DATI PA LANG! SINAKTAN MO NA AKO NG LUBUSAN! HINDI KA NA TUMUPAD SA PROMISE MO NA BABALIKAN MO AKO AT PAPAKASALAN MO AKO! FCK YOU KA!!! MAGSAMA KAYO NG SYOTA MONG TINADTAD NG FOUNDATION SA MUKHA!!!!!!!!!!" 

Wala na akong paki kung pagtinginan man ako ng mga tao na dumaraan ngayon! Ang importante mailabas ko ang sama ng loob ko! 

Bigla na lang umulan at hindi ko na alam kung saan na ako pumupunta.. How Lucky Am I Today? 

********

"Guard nakita nyo ba yung babaeng mahaba ang buhok na suot ay color yellow?" 

Napakamot na lang ng ulo yung guard. "Opo ata.. Yung maganda po ba?" 

Kahit nahihiya siya, tumango siya. "Oo. Kathryn Alvarez ang pangalan niya. Lumabas ba?" 

"Opo sir eh. Nakita ko kanina. Para nga pong malungkot eh." Malungkot? Bakit naman? 

"Babe naman.. Wag mo ng hanapin yang pinsan mo. I'm sure umuwi na yan kasi nabored kakahintay sayo. Dali na, let's have lunch together.." malanding sabi ni Barbie. Pero hindi niya pinansin ito, nakaramdam siya ng pagkainis. Pinsan?! Fck it! Hindi ko siya pinsan! Fiancee ko siya! At malalagot ako kaila Tita kapag nalaman nilang nawawala si Kath! Leche talaga! Punyemas! Pahamak ka Kath! 

"I have to leave." sabi ko sakanya. "Pero Babe--"

"Kailangan ko nang umalis Barbs. I'm sorry." humahangos na pumasok siya sa kotse niya at dinial ang number ni Steph. Ang bestfriend nito. Baka sakaling nandito ito. 

"Hello Steph? Bestfriend ni Kath right?"

[Yes ako nga. Sino ka ba?]

"Ako to si Daniel. Fiancee ni Kath." 

[Bakit ka napatawag?]

I sighed. "Si Kath nawawala. At hindi ko alam kung nasaan siya. Wala ba siya sainyo?" 

[What?!! Kath is missing?! Teka nga!! Bakit ba siya nawala ha?! Bakit hindi mo binantayan yung fiancee mo! Ikaw talaga Daniel! Kahit sikat ka pa! Wala akong pake! Kahit kailan talaga hindi ka responsable!! Lagi na lang nasasaktan si Kath ng dahil sayo!!] Ano daw? Teka nga! Anong sinabi ni Steph na nasasaktan lagi si Kath ng dahil saakin? Ibig bang sabihin nun...

"Ano?! What do you mean na nasasaktan si Kath ng dahil saakin?" 

[Opps. Sht. Ang daldal ko. Pshh! Nevermind! Ang importante, mahanap mo si Kath, tatanungin ko na rin yung iba. Nako! Kung may mangyari kay Kath, hinding-hindi na talaga kita papatawarin! Babye na nga! Sakit ka sa ulo gago!] nilayo niya yung CP niya sa tenga niya. Grabe! Ang bungangera naman ng bff ni Kath. Total opposite sila. 

Pagkauwi niya sa bahay, ay nakasalubong niya yung guard. "Manong, nakita nyo ba si Kathryn na umuwi dito?" 

"Hindi Sir ehh. Akala ko kasi kasama niyo siya sa shoot." 

"Okay manong. Salamat." tapos umalis na siya. 

Bigla na lang lumakas ang buhos ng ulan. Nasaan na kaya si Kath? Sana okay siya kung nasaan man siya kasi sobrang lakas ng ulan.

"Daniel Padilla! Nasaan ang bestfriend ko?!" napaatras siya ng nagsalita si Steph sa harapan niya.

"H-Hindi ko alam. Hinahanap ko pa." 

Tapos tumango lang si Steph. "Sasamahan na lang kita. Ikaw talaga! Wala kang ibang ginawa kundi bigyan ng pasakit si Kath! Pasalamat ka ma--" tapos bigla na lang itong tumigil.

Kumunot ang noo niya. Ma? "Ma ano?" 

"Pasalamat ka mabait siya!" 

"Ohh ok." 

***********

Kath's POV

I am still here in the seaside. Lahat ng tao ay naghahanap na ng silungan pero ako? Nandito pa rin ako. Soaking in rain. Ang bait ng langit. Nakikisama saakin. LUHAAN. 

"Hoy tanga ka ba?! Bakit ba nagpapakabasa ka diyan?!" napalingon na lang ako sa sumigaw. Nanlaki yung mga mata ko ng makilala ko kung sino ito. Siya yung lalaki sa park dati. 

"I-Ikaw?" sabay naming sabi.

"Oo ako nga. Yung lalaking nakausap mo dati." tapos nilapitan niya ako. "Bakit ka ba nagpapakabasa diyan ha? Sawi ka na naman ba katulad ng dati?" I laughed. Always naman akong sawian eh. "Always." 

"Tch. Kung sino man yang lalaking yan, he's a jerk for hurting a beautiful girl like you." 

"Salamat." sabi ko. "Pero bakit ganun? Bakit hindi ko pa rin makuhang maging masaya?" naiiyak na sambit ko. Nasa iisang bubong kami pero bakit ganun? Pakiramdam ko ang layo layo ko sakanya?

We are so close yet so far... 

Inakap niya ako. "Shh. Everything will be alright okay?" paninigurado ng lalaki sakanya. Nanlalabo na ang paningin ko. Pag-angat ko ng tingin. Mukha ni Daniel ang sumalubong saakin. Kaya hinila ko ang kwelyo niya at hinalikan siya. "I love you Daniel.." ang huli kong sabi bago ako nawalan ng malay. 

A/N :

Abangan ang new character! Ano kaya ang magiging role niya sa buhay ni Kathryn at Daniel? 

Vote. Comment.

-xoxo, TSLL :* 

The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon