3 : Same School

855 13 1
                                    


Kath's POV

3 araw na ang nakakalipas simula nung malaman kong arranged marriage kaming dalawa ni Daniel. Hindi ko alam yung nararamdaman ko. Magkahalong sakit at saya. Masakit kasi kahit matatali kami sa isa't-isa nalulungkot ako dahil may iba siyang mahal at hindi ako yun. Masaya kasi finally nandito na siya sa Pilipinas, lagi ko na siyang makikita, makakausap.

At nandito kami sa bahay namin, at kumakain ng dinner kasama si Daniel pati ang mga magulang, and I swear. Naawkwardan ako. Nag-uusap sila mom pati parents ni Daniel about sa business na hindi ko naman maintindihan habang si Daniel naman ay tahimik lang na kumakain.

Panay ang pagnakaw ko ng tingin sakanya, pero hindi man lang siya lumilingon saakin. Napapasimangot ako sa ideyang ang lapit-lapit namin sa isa't-isa pero feeling ko ang layo layo niya saakin.

"Anak, bakit ang tahimik niyo? Why don't you try to talk with each other? Para kapag matagalan na ay masanay na kayo sa isa't-isa." Nakangiting suggestion ng mommy ni Daniel.

"Tsk. There's no need mom. We don't need to be close with each other."

Tinitigan ko lang siya, tumingin rin siya saakin pero inirapan niya lang ako.

"Pero son, kailangan yun. You will be married soon." Mahinahong sabi ng mommy niya.

Ako dito ay tahimik at hindi nagsasalita. Tumayo na si Daniel. "Ginawa ko na yung gusto niyo mom! Hindi na kailangan pang makipagclose sakanya!"

"Daniel! Sit down! Nasa harapan tayo ng pagkain! Wag kang bastos! Nandito pa yung fiancee mo! Umayos ka, hindi kita pinalaki ng ganyan!" Pagalit na saway ng daddy ni Daniel.

Padabog na umupo si Daniel. Humingi ng paumanhin ang parents ni Daniel saamin. Kita kong pinagsasabihan ng mommy niya si Daniel. Lumingon saakin si Daniel at ang sama-sama ng titig niya saakin.

Ano bang nagawa ko? Bakit ba ganyan siya saakin? Bakit ba ang harsh niya? Hindi mo ba nakikitang nasasaktan ako dito? Parang hindi si Daniel Padilla na minahal ko ang kaharap ko ngayon. Parang ibang lalaki na ang kaharap ko ngayon at ang sakit-sakit kasi wala akong magawa.

Tumikhim si Daniel. "I'm sorry for acting rude, Tita, Tito, Kath."

"It's okay Daniel, but please try to be considering. Alam namin na nagulat ikaw, kayong dalawa ni Kathryn because of the sudden announcement. We understand but please try."

Tumango-tango lang kaming dalawa ni Daniel.

"Nga pala son, diba dapat Grade 12 ka na ngayon? But you stop because you want to focus on your career, you stop nung magG-Grade 11 ka na?"

Kumunot noo ni Daniel. "Yes dad bakit?"

"Diba Kathryn, nasa Grade 11 ka na?" Tumango ako sa tanong ni tita. Ano na namang pakulo ito? Hindi kaya...

"Great! Naisipan namin na pag-aralin ka sa school ni Kathryn, kinausap ko na ang manager mo son and pumayag naman siya. Nakausap ko na rin ang administration ng school and pumayag sila na kapag may important shoot ka ay iiskip mo ang mga classes mo."

"What?! Ayoko mom! dad!"

"Anong what Daniel?! It's for your good! Mas magandang mag-aral ka muna, kayong dalawa ni Kathryn. Para may maghahatid-sundo na rin kay Kathryn lalo na't maraming masamang loob diyan! Para maging close na rin kayong dalawa ni Kathryn."

"I don't want! Mas hassle yun ma sa mga schedules ko and besides kaya na ni Kathryn ang sarili niya! Hindi na niya ako kailangan!"

Hindi kailangan? I need you Daniel, more than anything else. Kung alam mo lang kung gaano kita namiss, kung ilang taon kitang hinintay.

"But anak! Please be considerate! We're doing this for your own good!"

"I'm trying to be considerate ma, but this is too much! Pumayag na ako sa arranged marriage na ito kahit may girlfriend ako! Now you want me to study and be a bodyguard to Kathryn? What the hell!"

"Daniel! Halika nga dito! Mag-uusap tayo!" Hinila ni tito si Daniel sa malayo. Kita ko kung paano sermunan ni tito si Daniel. Napalingon ako kay tita at sorry siya ng sorry. Napabuntong hininga na lang ako at parang pinipiga yung puso ko.

Yumuko ako para pigilan ang luhang nagbabadya na tumulo sa mga mata ko. Hinawakan ni mommy ang kamay ko. "Anak, ok ka lang ba? Ok ba yun sayo?"

"O-Okay lang po mom. Okay lang saakin na mag-aral kami sa iisang school."

"Thank you anak for understanding. Now we need Daniel na pumayag. I'm sorry anak ha?"

Tumango lang ako. Kung alam mo lang mom..

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik na sila Daniel. Kita ko kung paano napabuntong hininga si tito na parang pinipigilan magalit. Habang si Daniel ay nakapoker face pa rin. "Okay. Pumapayag na p-po ako." parang napipilitan pang sabi niya.

"Great! Now it's settled!"

******

Kasalukuyang nasa sala sila mommy at nakikipag-usap sa parents ni Daniel. Nandito ako sa veranda at tumambay muna. Nakatingin ako sa kawalan.

Naramdaman ko pa na may presensya sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Daniel na papalapit saakin. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko.

"K-Kathryn.." God, Bakit ganun? Parang pinapaganda niya ang pangalan ko?

"Y-Yes?" Tila kinakabahang sabi ko.

"Can we talk?" Mahinahong sabi niya. Tumango ako at humarap sakanya. I smiled. "Yes, ano yun?"

"About what happened earlier.."

"Bakit?"

"I'm sorry but can we act as strangers sa school? I'm sorry for asking that but I'm doing it for your safety also, and I have a girlfriend Kathryn, I hope you understand that." Kalmado ngunit sapat na iyon para magbigay ng sakit saakin.

*laters*

Up to this chapter ang revised version ng The Stupid Thing. Kaya kung ako sainyo, hintayin niyo na lang. Baka malito pa kayo.*

The Stupid Thing [KathNiel] *Revised Up to Chp7*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon