✍︎𝖴𝗅𝖺𝗇! 𝖴𝗅𝖺𝗇!✍︎
Ulan, Ulan!
Ako'y iyong pakinggan,
pwede mo bang samahan,
ang binibining may dinadalang kalungkutan?kalungkutan ay iyong pawiin,
luha sa mga mata ay tanggalin,
ng sa gayon ay muling mamutawi,
ang ngiti sa mga labi.Ulan, Ulan!
Pwede ka bang magparamdam?
gusto kang masilayan na bumabagsak mula sa kalangitan,
ilalabas ang mga kamay mula sa bintana,
dadamhin ka at hahayaang mabasa.Ulan, Ulan!
kay ganda mong pagmasdan,
sa tuwing nandyan ka'y para akong dinadamayan,
sa sakit at lungkot na nararamdaman.Sana ang lungkot ay mawala,
kasabay ng pagkabasa,
aagos ang tubig sa kalsada,
kasama ang sakit na nadarama.Ulan, Ulan!
Pakiusap ko lamang sayo,
sana kapag malungkot ako,
nandito ka lagi sa tabi ko,
na handang makinig sa mga drama ko.Sana sa tuwing ikaw ay kailangan,
at gusto kang masilayan,
sana ay huwang akong pagdamutan,
na ikaw ay maramdaman.𝚘𝚛𝚒𝚑𝚒𝚗𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚕𝚒𝚔𝚑𝚊 𝚗𝚒 : 𝚑𝚎𝚢𝚒𝚝𝚜𝚖𝚎𝚓𝚎𝚜𝚒𝚔𝚊
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poetry𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...