𝐄𝐍𝐇𝐘𝐏𝐄𝐍
Pitong letra,
isang salita,
grupo ng kabataan,
na aming hinahangaan.Pitong myembro,
isang grupo,
na nagpakita sa amin ng kanilang talento,
at aking galing sa ibabaw ng entablado.Pitong kalalakihan,
na may iba't ibang katangian,
mga puso nila ay puno ng kabutihan,
na dapat nating tularan.Madami mang pagsubok ang kanilang pinagdaanan,
ngunit heto sila sa ating harapan,
nakangiti at tayo'y pinasasalamatan,
dahil simula una hanggang wakas sila'y hindi nating iniwanan.Ang kanilang mumunting tuwa sa mata,
at kagalakan sa bawat tawa,
ay isang malaking kaligayahan sa amin,
kaya hanggang sa huli sila'y aming mamahalin.Enhypen ang ngalan,
ng grupong hinahangaan,
grupo ng pitong kabataan,
na inspirasyon at kasiyahan ng bawat kababaihan at maging ng ibang kalalakihan.Ginawa ko ang tulang ito,
para sa kanilang grupo,
at maging sa ibang madla,
na kapwa ko taga hanga.Hanggang sa wakas,
sila'y susuportahan,
sasamahan sa kasiyahan at maging sa kalungkutan,
mamahalin kahit na kami ay hamak na taga hanga lamang.𝚘𝚛𝚒𝚑𝚒𝚗𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚕𝚒𝚔𝚑𝚊 𝚗𝚒 : 𝚑𝚎𝚢𝚒𝚝𝚜𝚖𝚎𝚓𝚎𝚜𝚒𝚔𝚊
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poesia𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...