"LUNA"
dedicated to: those who loves the moon (selenophiles out there)🌙😽
Ako'y isang Buwan,
na sayo'y laging nadyan.
Luna ang ngalan,
di ba't kay gandang pakinggan.Ganda ko'y walang katulad,
kahit saan man mapadpad.
Liwanag na taglay,
sayo ko lang ibibigay.Kalungkutan mo'y papawiin,
sa gabing madilim.
Magsabi ka sa akin,
ng tinatagong saloobin.Asahan mong ika'y sasamahan,
kahit na saan ika'y susundan.
Palagi kang gagabayan,
liwanag ko'y maaasahan.Anyo ko'y hindi masisilayan,
Sa gabing maulan.
Ngunit h'wag mangamba,
kinabukasan ako'y muling babalil sayo
sinta.Araw man ay dumating,
h'wag kang mag alala ako'y kasama mo pa rin,
Sa muling pagsapit ng dilim,
tayo'y muling magkakapiling.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poesía𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...